Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

KASANAYANG

PANGGRAMATIK
A AT
PANGRETORIKA
Basahin ang isang kuwento ng mga Tingguian.
Noong unang panahon ay may nag-isang dibdib
na dalawang nilalang na nagngangalang Bulan at
Adlaw. Sapagkat nagmamahalan kaya naging
napakatamis ng kanilang pagsasama. Dahil dito
nagkaanak sila nang marami. Nagpatuloy ng pag-
aanak si Bulan hanggang sa mapuna ni Adlaw na
maraming-marami na pala ang kanilang mga anak at
nagsisikip na sila sa kanilang bahay.
Naisip tuloy ni Adlaw na kausapin si Bulan na
pagpapatayin na lamang nila ang iba pa nilang mga anak
upang muling lumuwag ang kanilang tinitirhan. Tumutol
si Bulan sa mungkahi ni Adlaw at ito ang naging dahilan
ng kanilang madalas na pag-aaway. Halos araw-araw ay
para silang mga aso’t pusa. Ang dating matamis na
pagmamahalan ay tila naglaho na. Umiksi na ang pisi ni
Bulan kay Adlaw kaya’t nagpasiya siyang makipaghiwalay
na lamang dito. Lalong nagalit si Adlaw. Pumayag din
siyang makipaghiwalay kay Bulan sa kondisyong isasama
lahat ni Bulan ang kanilang mga anak at huwag
nang pakitang muli sa kanya.
Kaya ngayon, makikitang si Adlaw o ang araw ay
nag-iisang sumisikat sa araw at si Bulan o ang
buwan ay sa gabi na lamang lumilitaw na kasama
ng kanyang mga anak na mga bituin at kapag
nagkakatagpo sila, sumisidhi raw ang poot ni
Adlaw kay Bulan. Tinutugis niya ito na siya raw
dahilan sa pagkakaroon natin paminsan-minsan ng
laho o eklipse.
Pag-isipan at Pag-usapan

1. Anong uri ng akda ang binasa?


2. Ano-anong kulturang Pilipino ang
masasalamin dito?
3. Anong magandang aral ang
natutuhan mo sa araling ito?
Pansinin ang mga salitang may
diing ginamit sa binasa.
Masasabi mo ba ang gamit ng
mga salitang ito?
MGA HUDYAT NG
SANHI AT BUNGA NG
MGA PANGYAYARI
Ang malinaw, mabisa, at lohikal na
pagpapahayag ay naipakikita sa maayos na pag-
uugnayan ng mga salita, parirala at pangungusap.
Mahalaga rin sa pagpapahayag ang maingat na
pagpili ng mga salitang gagamitin upang higit itong
maging malinaw sa lahat. Kagaya na lamang sa
pagpapahayag ng sanhi at bunga, may mga hudyat
na ginagamit upang maipahayag ito nang may
kalinawan.
 Hudyat na nagpapahayag ng
sanhi o dahilan:
o sapagkat/pagkat…
o dahil/dahilan sa…
o palibhasa, at kasi…
o naging…
 Hudyat na nagpapahayag ng
bunga o resulta:
o kaya/kaya naman…
o kung kaya…
o bunga nito…
o tuloy…
Nakikilala ang mga hudyat ng Sanhi at
Bungang ginamit sa pangungusap
Bilugan ang mga hudyat ng sanhi at bunga na ginamit sa
pangungusap sa mga sumusunod na pangungusap.
1. Minahal nang husto ni Adlaw si Bulan kaya’t
pinakasalan niya ito.
2. Naging matamis ang pagsasama ng mag-
asawa kaya’t biniyayaan sila ng maraming
anak.
3. Naging mabigat para kay Adlaw ang
pagkakaroon ng maraming anak kaya
naman inisip niyang patayin ang mga ito.
4. Sapagkat ina ay hindi naatim ni Bulan na
pumayag sa naging pasiya ng asawa.
5. Nagkaroon tuloy ng buwan at bituin sa
gabi nang magkahiwalay sina Adlaw at
Bulan.
Natutukoy ang bahaging sanhi
at bunga sa pangungusap.

Salungguhitan nang minsan ang


sanhi at dalawang beses ang
bunga.
Nagagamit sa makabuluhang
pangungusap ang mga hudyat ng
sanhi at bunga.

Bumuo ng limang pangungusap na


ginagamitan ng sanhi at bunga.

You might also like