Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 106

WAGE, PRICE, PROFIT

[Sahod, Presyo, Tubo]


LAYUNIN
1. Mapalalim ang ating pag-unawa sa mga pang-ekonomikong batas
na nagtatakda sa halaga, galaw at relasyong tumutuhog sa sahod,
presyo at tubo
Ilagay sa tamang balangkas ang pakikibaka, epektibong madala
ang linya sa masang manggagawa at mamamayan para sa
malawak na pagpapakilos, at sa ganoon di'y matalas na
nailalantad at nadudurog ang korus ng malaking burgesya,
gobyerno at mga dilawan laban sa pagtataas ng sahod at ang iba
pa nilang mga hakbanging kontra-manggagawa.

2. Pagpupundar, at kalauna'y sa pagpapalalim, ng pag-unawa ng


uring manggagawa sa mga susing konsepto ng Marxistang
pampulitikang ekonomya.
BALANGKAS
1. Pambungad
2. Mga Palso at Mapanlinlang na Argumento
Laban sa Sahod at sa Pakikibaka ng mga
Manggagawa para sa Pagtaas Nito
3. Mga Saligang Konsepto, Pangkalahatang Batas
at Relasyon ng Sahod, Presyo at Tubo
4. Pangkalahatang Batas at Tendensya ng Sahod,
Presyo at Tubo sa Malakolonyal at Malapyudal
na Lipunang Pilipino
PAMBUNGAD
Bakit dapat ipaglaban ng mga
manggagawa ang pagtaas ng
sahod? Ano ang itinuturo ng
kasaysayan at karanasan ng
pakikibaka ng proletaryado para
itaas ang sahod?

Wastong ipaglaban ng
mga manggagawa ang
pagtaas ng sahod
Ito'y laging makatarungan at
makatwiran. Ito'y makakamit lang
sa pamamagitan ng paglaban.
Tuluy-tuloy na bumabagsak
ang sahod ng mga
manggagawa habang walang
tigil na tumataas ang presyo
ng mga bilihin. Langit at lupa
na ang agwat nito.

Sa patuloy pang pagsama ng


pambansang ekonomya,
pulu-pulutong ang natutulak
palabas ng mga pagawaan.
Kaya lalong nalulugmok ang
kabuhayan ng mga
manggagawa. Nagtatrabaho
para lang makapagtrabaho
kinabukasan

Tinitiis ang pinakamabigat na


gawain at sumusuong sa
pinakadelikadong trabaho
kapalit ng sweldong
pantawid-gutom, dahil sa
tindi ng pag-aagawan sa
trabaho.
Bakit ganito ang
kalagayan ng
manggagawa?
Mula sa punto de bista at
paninindigan ng proletaryado,
masinsing pinag-aralan at
sistematikong nilagom ni Karl
Marx ang teorya ng sahod at mga
kaugnay na usapin.
Karl Marx
Binungkal at
binigyang-liwanag ang
mga pang-
ekonomikong batas na
nagtatakda sa antas ng
sahod, presyo at tubo,
at ang mga relasyong
tumutuhog sa mga ito.
Konklusyon ni Marx
1. Ang pagtaas ng sahod ay nagpapababa sa
pangkalahatang tantos ng tubo, ngunit hindi
nakakaapekto, sa pangkalahatan, sa presyo ng
mga bilihin
2. Ang pangkalahatang tendensya ng kapitalistang
produksyon ay hindi itaas, kundi ilubog ang
karaniwang pamantayan ng sahod
Konklusyon ni Marx
3. Ang mga unyon ng manggagawa ay makapangyarihang
sandata para isulong ang mga pundamental na interes
ng uri at labanan ang pananalasa ng kapital, hindi
dapat limitahan ang kapangyarihan nito bagkus dapat
ituon sa pagwasak sa sistema ng sahurang pang-aalipin
at sa mismong sistemang panlipunang nagpapanatili
nito.
Sa gayon lamang makakamit ng mga manggagawa ang
tunay na paglaya ng uri
Ang wastong landas sa
pagwawakas at pagwasak
sa sahurang pang-aalipin at
sa panlipunang sistemang
nagpapanatili nito ay
nagsisimula sa pag-unawa
ng mga manggagawa sa
katangian at mga
pamamaraan ng
pagsasamantala nito, at
kung paano umiiral ang
sistemang ito sa kabuuan.
MGA PALSO AT
MAPANLINLANG NA
ARGUMENTO LABAN
SA SAHOD AT SA
PAKIKIBAKA NG
MGA MANGGAGAWA
PARA SA PAGTAAS
NITO
“NAKAKASAMA O
NAKAKADISKARIL NG
'PAGLAGO' NG EKONOMYA
ANG PAGTAAS NG SAHOD
NG MGA MANGGAGAWA”

Magbubunsod daw ito ng pagtaas ng presyo ng mga


bilihin, kaya parang multo nila itong pinananakot
tuwinang igigiit ng mga manggagawa ang dagdag
na sahod.
walang kahihiyang sinasangkalan ang pagtaas ng sahod
tuwinang tumataas ang presyo ng mga bilihin
“kaya huwag nang humingi ng
dagdag na sahod para hindi tumaas
ang presyo ng mga bilihin.“

"kung tumaas man ang presyo ng


mga bilihin, kasalanan ito ng mga
manggagawa dahil sa paggigiit nila
ng dagdag na sahod“

"kung hindi sana humingi ng dagdag


na sahod ang mga manggagawa,
hindi sana tataas ang presyo ng mga
bilihin“
TOTOO BANG ANG
PAGTAAS NG SAHOD AY
MANGANGAHULUGAN
NG PAGTAAS NG
PRESYO NG MGA
BILIHIN?
Hindi.
Ang kabuuang demand ng
lipunan, ang demand para
sa mga batayang
pangangailangan ay butil
lang kung ikukumpara sa
demand para sa mga luho
tumaas man ang demand para sa
mga batayang pangangailangan,
tutugunan lang ito ng karampatang
pagtaas sa suplay nito, nang hindi
tumataas ang kabuuang laki ng
demand at kabuuang laki ng suplay
ng lipunan.

Sa gayon, WALANG BATAYAN


PARA TUMAAS ANG PRESYO SA
KABUUAN.
Ang pagtaas ng demand para sa
mga batayang pangangailangan at
kaakibat na pagtaas ng presyo
nito, ay nangangahulugan naman,
sa kabilang banda ng pagliit ng
demand para sa iba pang mga
kalakal at kaakibat na pagbaba ng
presyo nito.

Samakatuwid, MAY PAG-IIBA-


IBA SA TANTOS NG TUBO SA
IBA'T IBANG LARANGAN NG
PRODUKSYON
TENDENSYA NG KAPITALISTA NA LUMIPAT SAANMAN
MAS MALAKING MAKAKAKUHA NG TUBO, AT UMALIS
SAANMAN MALIIT O WALANG PAGTUTUBUAN
Ang pagdagsa ng kapital at ng suplay saanman may mataas na
demand ay magbabalik sa presyo ng mga batayang
pangangailangan sa dating antas nito.
Ganoon din ang mangyayari
sa presyo ng iba pang mga
kalakal saan ang pagkonti ng
suplay (dulot ng paglipat ng
kapital sa ibang negosyo) ay
tulak ng pagliit ng demand
para rito.
TOTOO BANG ANG PAGTAAS NG SAHOD AY
MAGBUBUNSOD NG IMPLASYON, O KAYA'Y
MAGPAPALALA NITO?
Sinasabing sa pagtaas ng sahod ay
dadami ang kantidad ng pera sa
sirkulasyon.
Ibig sabihin, maraming hawak na
pera ang mga manggagawa,
marami ang may kakayanang
mamili kaya tataas ang presyo ng
mga bilihin.
Ang suplay ng pera o kantidad ng perang nasa sirkulasyon o
perang pinaiikot-ikot sa buong ekonomya ay nasa kontrol ng
Bangko Sentral ng Pilipinas. Anumang pagbabawas o
pagdaragdag sa dami ng pera sa sirkulasyon ay itinatakda
ng sistemang pampinansya ng bansa.

Kahit walang pagtaas ng sahod ay malala ang implasyon sa


Pilipinas na makikita sa tuluy-tuloy na pagkonti ng mga
produktong nabibili ng sahod ng mga manggagawa.

Ang pagtaas sa sahod kung gayon ay walang aktuwal


at direktang kaugnayan sa bilang o kantidad ng
perang ginagamit sa sirkulasyon.
MGA SALIGANG
KONSEPTO,
PANGKALAHATANG
BATAS AT
RELASYON NG
SAHOD, PRESYO
AT TUBO
ANG HALAGA AT PRESYO NG KALAKAL
Ano ang
kaibahan ng
produkto at
kalakal?
PRODUKTO KALAKAL
nilikha o niyari ng isang bagay na nilikha o niyari
tao para sa kanyang para ipagpalit sa ibang
personal na konsumo o bagay
pansariling gamit
May halaga ito dahil
Wala itong kaugnayan o pwedeng ipagpalit sa
relasyon sa produkto ng ibang kalakal, at
ibang tao, o paggawa ng naipagpapalit ito ayon sa
iba halagang taglay nito
ANG HALAGA AT PRESYO NG KALAKAL
Ang halaga ng kalakal ay sinusukat sa pamamagitan o
ayon sa paggawang nakapaloob dito

Nasusukat ang halaga ng paggawang ito batay sa haba o


dami ng oras na ginugol para likhain o yariin ang kalakal
ANG HALAGA AT PRESYO NG KALAKAL

“Kung lumikha ang isang tao ng bagay para sa


kanyang sarili at agad na paggamit, para sa kanyang
sariling konsumo, lumikha siya ng produkto, ngunit
hindi isang kalakal. Wala siyang kinalaman sa
lipunan sa paglikha niya para sa sariling gamit.
Upang lumikha siya ng kalakal, hindi sapat na ang
kanyang nilikhang bagay ay tumugon sa isang
panlipunang kagustuhan, kailangan din na ang
kanyang paggawa ay maging bahagi ng kabuuan ng
paggawa ng lipunan."
ANG HALAGA AT PRESYO NG KALAKAL
Ang kalakal ay kumakatawan sa isang panlipunang
relasyon

Hindi sapat na ang isang bagay ay mayroong gamit para


maging kalakal
Kung ang mga tinanim na gulay sa tabing-bahay ay para
lamang sa pagkain ng sariling pamilya na siya ding
nagtanim, ang gulay na iyon ay produkto, ngunit hindi
kalakal. Kung ang layunin ay dalhin sa merkado ang gulay,
at kung katunaya'y may panlipunang pangangailangan
(demand) para sa partikular na gulay na iyon, ang
produktong gulay ay nagiging kalakal.
ANG HALAGA AT PRESYO NG KALAKAL
Ang kalakal ay isang bagay na may halaga sa palitan, ibig
sabihi'y mayroong katumbas na halaga ng ibang kalakal.

Halimbawa, maaring ang isang pares ng sapatos ay may


katumbas na halagang isang pantalon, o sampung kilong
bigas, o tatlong kamiseta o kung anu-ano pang ibang
bagay o kalakal. Gayunpaman, kahit papaano natin itumbas
ang isang pares na sapatos sa iba pang mga kalakal, ang
halaga ng sapatos ay hindi magbabago
ANG HALAGA AT PRESYO NG KALAKAL
Ano ang taglay na panlipunang bagay ng lahat ng
kalakal?
PAGGAWA.
Ang dami ng paggawa na naka-
imbak sa isang kalakal ay
sinusukat sa oras o tagal ng
paggawang inilapat dito.
Kapag sinabi natin na ang
dalawang kalakal ay may
magkaparehong halaga, ibig
sabihin na magkapareho ang dami
ng naka-imbak na panlipunang
paggawa sa kapwa kalakal.
ANG HALAGA AT PRESYO NG KALAKAL
"Sa pagsabing ang halaga Kung ang panlipunang
ng isang kalakal ay paggawang kailangan sa
itinatakda ng dami ng paglikha ng isang kalakal ay 2
paggawa na inimbak dito, oras lang (resulta ng paggamit
ang ibig nating sabihi'y ng makina atbp.), ang kalakal
ang dami ng panlipunang na nilikha sa loob ng 10 oras
paggawa na kailangan ay magkakaroon lang ng
para sa produksyon ng halagang 2 oras.
kalakal alinsunod sa
umiiral na katayuan ng
lipunan."
ANG HALAGA AT PRESYO NG KALAKAL
Habang tumataas ang "Ang dami ng paggawang
produktibong kakayanan o kailangan para sa
produktibidad ng paggawa, produksyon ng isang
malilikha ang mas maraming kalakal ay nagbabago
bilang ng kalakal sa loob ng kasabay ng pagbabago ng
isang takdang panahon, produktibong kapasidad
bababa ang kantidad ng lakas ng paggawang ginamit."
paggawang nakaimbak sa
bawat kalakal, at gayo'y
bababa ang halaga ng bawat
kalakal.
ANG HALAGA AT PRESYO NG KALAKAL

"Ang dami ng paggawang


kailangan para sa produksyon
ng isang kalakal ay nagbabago
kasabay ng pagbabago ng
produktibong kapasidad ng
paggawang ginamit."
ANG HALAGA AT PRESYO NG KALAKAL
Ano ang mga bahaging bumubuo sa halaga ng isang
kalakal?

NAIMBAK O PATAY NA PAGGAWA.


Ito ang halaga ng mga materyales at
kagamitan sa produksyon (o bahagi ng mga
halaga nito) na nalilipat o naiimbak sa kalakal

BAGO O BUHAY NA PAGGAWA.


ang halaga na bagong nililikha ng lakas
paggawa ng manggagawa na inililipat sa
binuong kalakal
ANG HALAGA AT PRESYO NG KALAKAL
Ano ang presyo ng kalakal? Ano ang nagtatakda nito?

"Ang presyo, sa sarili nito, ay walang


iba kundi halaga sa anyo ng salapi.“

Ang “pag-aanyong salapi ng halaga," o


ang "pagsalin ng halaga sa presyo...
(ay) isang proseso saan nagbibigay sa
mga halaga ng lahat ng kalakal ng
anyong nagsasarili (independent) at
magkakatulad (homogeneous), o saan
sinusukat ang mga ito bilang pantay
na panlipunang paggawa."
ANG HALAGA AT PRESYO NG KALAKAL
Ano ang presyo ng kalakal? Ano ang nagtatakda nito?

Sa pangkalahatan, ang presyo ng kalakal (o ang


presyo nito sa pamilihan) ay itinatakda ng, o
nakabatay sa halaga nito, o sa halaga ng
produksyon nito, o sa taglay nitong dami ng
lakas paggawa

Maaring tumaas o bumaba ang presyo ng isang


kalakal, subalit sa pangkalahatan, itatakda ito ng
kanyang halaga.
ANG HALAGA AT PRESYO NG KALAKAL
Ano ang presyo ng kalakal? Ano ang nagtatakda nito?
Ang suplay at demand ay mga salik sa pagbabago-bago ng
presyo, ng presyo sa pamilihan, ng presyong pinagtatawaran
ng mga mamimili't nagbebenta.

Kung meron mang bagay na nire-regulate/kinokontrol ang


suplay at demand, ito'y walang iba kundi ang mga
temporaryong pagbabago sa galaw (fluctuations) ng mga
presyo sa pamilihan.

Ipinapaliwanag lang nito ang pag-akyat/pag-angat o pagbagsak


ng presyo sa pamilihan mula sa halaga nito (ang paglihis ng
presyo mula sa aktuwal na halaga ng kalakal), pero hindi nito
kayang ipaliwanag ang mismong halaga.
ANG HALAGA AT PRESYO NG KALAKAL
Ano ang presyo ng kalakal? Ano ang nagtatakda nito?

Sa pagtutumbasan ng suplay at demand,


nagpapanagpo ang presyo at ang tunay na
halaga ng kalakal. Sa puntong ito natatakda
ang istandard na presyo na iniinugan ng
pagtaas o pagbaba ng presyo.

Samakatwid, ang interaksyon ng suplay at


demand na umeepekto sa pagbabago-bago ng
presyo sa pamilihan, ay hindi nagtatakda sa
tunay na halaga ng kalakal, at kung gayon, ng
presyo ng iba pang mga kalakal.
ANG HALAGA AT PRESYO NG KALAKAL
Ano ang relasyon ng presyo at sahod?
"Ang pangkalahatang Ang pagbabago sa sahod ay
pagtaas ng sahod ay laging magreresulta sa kasalungat
magreresulta sa na pagbabago sa tubo. Kung
pagbagsak ng tumaas ang sahod ng mga
pangkalahatang tantos ng manggagawa, sa sitwasyong
tubo...“ walang pagbabago sa
pangkalahatang antas ng
produktibidad, bababa ang tubo.
ANG HALAGA AT PRESYO NG KALAKAL
Kabuuang
Halaga ng
Kalakal:
$120

Sahod ng Sahod ng
Manggagawa: Manggagawa:
$30 $40

Tubo ng Tubo ng
Kapitalista: Kapitalista:
$90 $80
ANG HALAGA AT PRESYO NG KALAKAL
Kung magbago ang sahod ng mga manggagawa,
babaguhin lamang nito ang relasyon ng dalawang
panig -- ng sahod at tubo -- na bumubuo ng
bagong paggawa o bagong likhang halaga
Ibig sabihin, HINDI babaguhin ng pagtaas ng
sahod ang kabuuang halaga ng kalakal. ANG
PAGTAAS NG SAHOD NG MGA
MANGGAGAWA AY MAGPAPABABA LAMANG
SA TUBO NG MGA KAPITALISTA NGUNIT DI
DAPAT MAKAAPEKTO SA PRESYO NG
KALAKAL.
LAKAS PAGGAWA, HALAGA NG LAKAS
PAGGAWA, AT SAHOD
Ano ang lakas paggawa?
“Ang ibinebenta ng Ang lakas paggawa ay ang
manggagawa ay hindi ang kakayanan ng manggagawa na
kanyang paggawa, kundi gumawa at ang pisikal at mental na
ang kanyang lakas batayan nito. Ibinebenta ito ng
paggawa, na inilalaan niya mga manggagawa sa kapitalista
sa kapitalista sa isang tulad ng iba pang kalakal.
takdang panahon”
Kung gayon, ang lakas
paggawa bilang kalakal ay
mayroon ding halaga at presyo.
LAKAS PAGGAWA, HALAGA NG LAKAS
PAGGAWA, AT SAHOD
Ano ang halaga ng lakas paggawa?
Katulad din ng ibang kalakal, ito “Ang halaga ng lakas
ay halaga ng lakas paggawa na paggawa ay halaga ng
naka-imbak dito--katumbas ng mga pangangailangan
halaga ng mga kalakal na upang likhain, paunlarin,
kailangan ng manggagawa na panatilihin at muling
siyang imbakan ng sarili niyang likhain ang lakas
lakas paggawa. paggawa.“
LAKAS PAGGAWA, HALAGA NG LAKAS
PAGGAWA, AT SAHOD
Ano ang halaga ng lakas paggawa?

Sa sistema ng kapitalistang produksyon,


ang tendensya ay pasimplehin ang lakas
paggawa sa pamamagitan ng hatian sa
paggawa at paggamit ng mga makina.

Tunguhin ng kapitalistang
produksyon ang ibaba, sa minimum
na antas ng halaga ng pisikal na
pangangailangan, ang halaga ng lakas
paggawa ng mga manggagawa.
LAKAS PAGGAWA, HALAGA NG LAKAS
PAGGAWA, AT SAHOD
Ano ang sahod? Paano ito naitatakda?
Para sa ordinaryong manggagagawa,
ang kabuuang kwartang ibinayad ng
kapitalista kapalit ng partikular na oras
ng paggawa o partikular na produkto ng
paggawa.
Halimbawa, sahod na P100 kapalit ng 8
oras na pagtatrabaho o P25 para sa
isang pares ng pantalong matatahi.

Ito'y panlabas na anyo lang ng


sahod
LAKAS PAGGAWA, HALAGA NG LAKAS
PAGGAWA, AT SAHOD
Ano ang sahod? Paano ito naitatakda?
ang halagang ipinagpapalit ng
manggagawa sa sahod ay ang
kanyang lakas paggawa na
sinusukat sa oras ng paggawa.

Ang oras ng paggawang ito


ang tinutumbasan ng salapi
ng kapitalista--hindi ang
mismong paggawa
LAKAS PAGGAWA, HALAGA NG LAKAS
PAGGAWA, AT SAHOD
Ano ang sahod? Paano ito naitatakda?
Ang kabuuang pisikal na lakas at talino na nagugol ng
manggagawa sa loob ng takdang oras na pagtatrabaho--ito lang
ang binibili ng kapitalista, at oras na mabili niya ito (ang lakas
paggawa ng manggagawa), ang kapitalista ay may absolutong
kapangyarihan o kontrol sa paggamit nito.

Matapos ang takdang oras ng paggawa (ayon sa


napagkasunduan), patas na sila, "malaya" na uli ang
manggagawa, wala nang kontrol sa kanya ang kapitalista,
maaari niyang ibenta muli ang kanyang lakas paggawa sa
sinumang nangangailangan at handang bumili nito.
LAKAS PAGGAWA, HALAGA NG LAKAS
PAGGAWA, AT SAHOD
Ano ang sahod? Paano ito naitatakda?
Ang kabuuang pisikal na lakas at talino na nagugol ng
manggagawa sa loob ng takdang oras na pagtatrabaho--ito lang
ang binibili ng kapitalista, at oras na mabili niya ito (ang lakas
paggawa ng manggagawa), ang kapitalista ay may absolutong
kapangyarihan o kontrol sa paggamit nito.

Matapos ang takdang oras ng paggawa (ayon sa


napagkasunduan), patas na sila, "malaya" na uli ang
manggagawa, wala nang kontrol sa kanya ang kapitalista,
maaari niyang ibenta muli ang kanyang lakas paggawa sa
sinumang nangangailangan at handang bumili nito.
LAKAS PAGGAWA, HALAGA NG LAKAS
PAGGAWA, AT SAHOD
Ano ang sahod? Paano ito naitatakda?
"Ang sahod ay hindi Naitatakda na ang sahod ng
bahagi o parte ng manggagawa at binayaran na siya
manggagawa sa kalakal ng kapitalista kahit hindi pa
na kanyang niyari. Ang naibebenta ang kalakal.
sahod ay bahagi ng dati
nang umiiral na kalakal na Natatanggap ng manggagawa ang
ipinambibili ng kapitalista napagkasunduang halaga ng sahod
ng depinidong dami o maibenta man o hindi, kumita man
kantidad ng produktibong o hindi, ang kapitalista
lakas paggawa."
LAKAS PAGGAWA, HALAGA NG LAKAS
PAGGAWA, AT SAHOD

Ang lakas paggawa na binili at nasa kontrol


ng kapitalista ay kahanay ng hilaw na
materyales at iba pang mga kagamitan sa
paggawa na pag-aari ng kapitalista.
Sa ilalim ng kapitalistang sistema ng produksyon, walang
karapatan ang mga manggagawa na makibahagi sa tubo
(na nilikha ng kanyang lakas paggawa), habang
ginagarantiyahan o pinapalaki ang kapangyarihan ng
kapitalista para palakihin at solong angkinin ang tubo
SAHOD AT TUBO
Ang lakas paggawa ay natatanging kalakal na may
kakayanang lumikha ng halagang lagpas sa sarili
nitong halaga.
"Ang kantidad ng paggawa
na siyang nagtatakda ng
hangganan ng halaga ng
lakas paggawa ay di siyang
hangganan ng kantidad ng
paggawang kayang
gampanan ng kanyang lakas
paggawa."
SAHOD AT TUBO
Ang lakas paggawa ay natatanging kalakal na may
kakayanang lumikha ng halagang lagpas sa sarili
nitong halaga.
Arawang Ang 3 oras na ito na
halaga ng lakas hangganan ng
paggawa: P120 halaga ng lakas
paggawa ay hindi
Maaring katumbas ng katumbas ng halaga
5 kilong bigas Ang mga kalakal ng lakas paggawa
na ito ay kayang ng kayang likhain ng
4 de lata likhain ng manggagawa sa
manggagawa sa panahong nakalaan
10 itlog loob ng 3 oras ito sa kapitalista.
SAHOD AT TUBO

Dahil binayaran ng kapitalista ang


arawang halaga ng kanyang lakas
paggawa tinuturing na may
karapatan itong gamitin ang lakas
paggawa ng manggagawa sa loob ng
isang araw, at hindi lang sa loob ng
tatlong oras.
Dahil pag-aari na ito ng kapitalista, wala nang makakapigil sa kanya
kung hanggang kailan niya ito gagamitin liban na lang sa pisikal na
limitasyon ng lakas paggawa na may tuwirang epekto sa
produktibidad nito.
SAHOD AT TUBO

Habang pinahahaba ang oras ng paggawa, ang dagdag na


halagang nililikha nito ay unti-unting lumiliit (approaching
negative) kung ikukumpara sa bawat oras ng paggawang
idinadagdag.

Kaya ang oras ng paggawang itinatakda ng kapitalista,


halimbawa 8 oras, ay ang optimum na oras ng paggawa
kung saan natitiyak ang pinakamalaking sobrang halagang
kayang likhain ng lakas paggawa ng manggagawa.
SAHOD AT TUBO
Kaya kung sa 8 oras na pagtatrabaho, lumilikha ang manggagawa
ng halagang katumbas ng P160
(P60 kada 3 oras = P20 per oras x 8 oras),
ang sobrang halagang nilikha niya ay katumbas ng P100 (P160-P60)
at ito'y hindi napunta sa kanya kundi inangkin sa kanya ng
kapitalista.

Ito ang sobrang halaga.


Ang limang oras na sobrang oras ng paggawa ay hindi binayaran
sa kanya ng kapitalista.
Ito ang sobrang paggawa.
SAHOD AT TUBO
Ang komposisyon ng tubo at kung paano ito kinakamal
ng kapitalista

Ang sobrang halagang nilikha ng manggagawa


ay naka-imbak na sa bagong kalakal kasama na
ang halaga ng mga materyales, ang bahaging
halaga ng mga makinang ginamit at ang
halagang katumas ng sahod ng manggagwa.

Pag-aari na ito ng kapitalista na siyang


nagmamay-ari ng buong kalakal. Ang
sobrang halaga na ito, kapag natamo ng
kapitalista sa pamamagitan ng pagbenta
ng kalakal ay natatransporma bilang tubo.
SAHOD AT TUBO
Ang komposisyon ng tubo at kung paano ito kinakamal
ng kapitalista
Ang tubo ay katawagan sa
sobrang halaga matapos
itong ipagpalit sa anyo ng
salapi.

Ito'y katumbas ng "bahagi


ng halaga ng kalakal na
bagong likha matapos
ibawas yaong halagang
katumbas ng sahod."
SAHOD AT TUBO
"Ang normal o karaniwang tubo ay nakakamit ng Kung ito ay nabenta sa
kapitalista hindi sa pamamagitan ng pagbenta ng halaga nitong P400, ang
kalakal na lagpas sa halaga nito, kundi sa pagbenta sobrang halagang P150
ay matatamo na ng
sa tunay nitong halaga."
kapitalista bilang
kaniyang tubo.
Kung maibenta niya ito sa
Halaga ng halagang P450,
makakakuha ang kapitalista
kalakal: P400 P50 sahod ng ng P200 tubo, P50 higit sa
manggagawa karaniwang tubo.
P200 ang Kung maibenta niya ang
P150 sobrang kalakal sa halagang P350,
bagong halaga halaga makakakuha siya ng P100
tubo, kulang ng P50 sa
karaniwang tubo.
SAHOD AT TUBO
Maling akala na ang tubo ay natatamo sa pamamagitan ng
pagdagdag sa presyo nito
Ang tubo ay maari pang hati-hatiin sa pagitan ng may-ari ng lupa, ng
nagpapautang ng pera, ng nagtitingi at iba pang kasama ng aktwal
na nagpapatrabahong kapitalista. Ang mga nakukuha nilang bahagi
(upa sa lupa, interes sa pera, tubo sa pagtitingi at tubong industriyal)
ay "mga bahagi ng sobrang halaga ng kalakal, o ng `di bayad na
paggawang taglay nito, at pawang halaw mula dito, at tanging dito
lamang." Pero maling sabihin na ang sobrang halaga (o tubo)
ay "binubuo ng pagsasama-sama ng magkakaibang halaga
ng tatlong bahaging ito." Ituon natin ang ating pansin sa tubo sa
pagtitingi o commercial profit dahil ito ang mas laganap sa Pilipinas
at laging pinagmumulan ng maraming kalituhan.
SAHOD AT TUBO
Hindi itinatakda ng manininda ang tubo na kaniyang
makukuha sa pagbebenta ng kalakal. Ito ay mayroong
hangganan.
Maaring magkaroon ng mga pagbabago sa kanilang
paghahati sa sobrang halaga (maaring magkaroon pa
ng ibang kahati) depende kung gaano kahalaga ang
gagampanang bahagi ng makikihati sa aktwal na
produksyon o sa distribusyon ng kalakal.
Ngunit hindi maaring magkaroon ng pagbabago
sa sobrang halaga. Hindi maaring, batay lamang sa
kagustuhan, ay itakda ng magtitingi ang kaniyang
tutubuin sa pagbebenta ng kalakal. Ang tubo, kung
gayon, "ay hindi isang arbitraryong halaga"
SAHOD AT TUBO
Dagdag na
punto para sa
paliwanag sa
usapin ng
tubo:
PYUDAL NA UPA KAPITALISTA NA UPA
SA LUPA SA LUPA
tinatakda ng monopolyo itinatakda ng karaniwang tantos
ng mga panginoong ng tubo (average rate of profit)
maylupa sa na ikinukumpara sa antas ng
pinakaproduktibong lupa, interes sa pautang (business
kaya nakakakuha sila ng loan interest); tutubo ang
napakataas na upa sa kapitalista kung mas malaki ang
lupa. karaniwang tantos ng tubo kesa
sa umiiral na interes sa pautang.
SAHOD AT TUBO
Dalawang klase ang kapitalistang upa sa lupa:

ABSOLUTONG UPA (GROUND RENT)


nakabatay sa pinakamasamang klase ng lupa,
mababa ang produktibidad

DIFFERENTIAL RENT
nakabatay sa produktibidad ng lupa,
paborableng lokasyon, irigasyon at iba pa

Ang karaniwang tantos ng tubo ang batayan ng pag-iiba ng


upa sa lupa, mas mataas na upa sa mas mataas na
produktibidad ng lupa.
SAHOD AT TUBO
Magkasalungat ang relasyon ng sahod at tubo
Dahil ang sahod at tubo ay "Kung bumaba ang sahod,
magkabilang bahagi ng lalaki ang tubo; at kung
iisang kabuuang halaga (ang lumaki ang sahod, bababa
bagong likhang halaga ng ang tubo."
lakas paggawa), ang
pagbabago ng isang panig
ay magreresulta sa salungat
na pagbabago sa kabilang
panig.
SAHOD AT TUBO
Magkasalungat ang relasyon ng sahod at tubo
Kung ang kabuuang bagong halaga ay P100, at P50 ang sahod,
ang tubo ay P50.
Kung hindi magbabago ang iba't ibang salik sa produksyon,
magagawa ng kapitalista na mapalaki ang kaniyang tubo
sa pagpapaliit ng sahod o ng bahagi nito sa kabuuang
bagong halagang likha. Kung ang sahod ay ibinaba sa P40,
makakakuha ng mas malaking tubo (P60) ang kapitalista.
Kung ang bagong halaga ay naging P150 (sa pamamagitan ng
pagpapabilis ng trabaho o pagtataas ng produktibidad sa
pamamagitan ng makina), pero nanatili ang sahod sa P50 o kahit
lumaki pa ito sa P60, makakakuha ng tubong P90 o P100 ang
kapitalista, na mas malaki sa dating tubo na P50.
SAHOD AT TUBO
Magkasalungat ang relasyon ng sahod at tubo
Sa paglago ng kapital, lumalago rin ang hukbo ng sahurang
paggawa, ang bilang ng mga manggagawa. Sa panahon ng
kasaganaan at kasiglahan ng produksyon, sa paglago ng
produktibong kapital, lumalaki ang pangangailangan para sa
paggawa; bunga nito, tumataas ang sahod.
Sa pangkabuuan, ang pamantayan ng pamumuhay ng lipunan ay
nagbabago at tumataas ang antas ng panlipunang
pangangailangan.
Subalit ang kasaganaang ito'y pinagpapasasaan lang ng mga
nagmamay-ari ng kapital, at hindi tinatamasa ng mga
manggagawa, bagama't sa kanyang paggawa nagmula ang lahat
ng ito.
SAHOD AT TUBO
Dahil ang halaga
ng sahod ay
itinatakda hindi KARANIWANG TUNAY NA SAHOD
lamang ng dami ng SAHOD presyo ng paggawa na
kalakal na kayang presyo ng paggawa sa
sinusukat sa presyo ng iba
bilhin nito. pang mga kalakal o sa dami
anyo ng salapi o ang
ng iba pang kalakal na
dami ng kwartang
kayang ipagpalit dito; pwede
Kinakatawan ng ipinambabayad bilang
ring sabihing presyo ng
sahod ng
sahod ang iba't paggawa na itinutumbas sa
manggagawa.
ibang relasyon: sa Halimbawa, ang
halaga ng iba pang kalakal.
presyo ng iba pang Halimbawa, ang karaniwang
isandaang pisong
sahod ng manggagawa ay
mga kalakal, sa tinatanggap ng
P100 kada araw. Ipinambibili
tubo ng kapitalista. manggagawa sa isang
niya ito ng 3 kilong bigas, 3
araw ng pagtatrabaho
lata ng sardinas at isang
(8 oras).
SAHOD AT TUBO
Magkasalungat ang relasyon ng sahod at tubo
may panahong bumababa ang tunay na sahod
kahit walang pagbabago sa karaniwang sahod
kapag tumataas ang presyo ng mga bilihin;
ibig sabihin, kumokonti ang dami ng produktong
nabibili ng sahod.
Hindi tumutugma ang karaniwan sa tunay na
sahod dahil ang sahod ay tinatakda rin, higit sa
lahat, ng relasyon nito sa kita, sa tubo ng
kapitalista--ito ang relatibong halaga ng
sahod (comparative o relative wage).
SAHOD AT TUBO
Para sa kapitalista, ang presyo ng kalakal ay kinukwenta sa
pagsasama-samang:

bayad sa nagastos ipinambayad sa sobrang halaga o


sa hilaw na sahod ng mga tubo ng kapitalista.
materyales, mga manggagawa
kagamitan (tools o
instrumento) sa
paggawa, makinarya
at gastos sa
mentenans nito
SAHOD AT TUBO
Ang pangkalahatang tendensya ng kapitalistang produksyon ay
ilubog ang karaniwang pasahod o ibaba ang halaga ng lakas
paggawa, humigit kumulang sa pinakaminimum nitong antas.
may limit ang pagpapababa sa sahod
at/o sa halaga ng lakas paggawa
kaya minamantine ng mga kapitalista
sa isang kalkuladong antas ang
sahod para tiyaking mabubuhay ng
manggagawa ang kanyang sarili at
pamilya, tiyaking makakabalik pa sa
pabrika kinabukasan para
makapagtrabahong muli at tiyaking
makapagparami at maipagpatuloy
ang kanyang lahi ng mga sahurang
alipin.
SAHOD AT TUBO
upang makapagkamal ng malaking tubo, sinasagad ng kapitalista
sa pisikal na minimum ang sahod, o sa pisikal na maksimum ang
oras ng paggawa; sa ganito nakakamit ng kapitalista ang
maksimum na tubo.
dahil tendensya ng kapitalistang produksyon ang patuloy na
pagpapataas sa antas ng produktibidad, bumababa ang halaga ng
lakas paggawa kumpara sa mabilis na pagdami ng kalakal at
mabilis na paglaki ng halagang nalilikha; ang kabilang mukha
nito'y pagliit ng demand para sa paggawa o paglaki ng hukbo ng
walang trabaho; kaya bagama't may mga panahong tumataas ang
sahod (labas pa ang epekto ng pakikibaka ng mga manggagawa),
"ANG PANGKALAHATANG TENDENSYA NG SAHOD SA
ILALIM NG KAPITALISTANG PRODUKSYON AY PABABA, AT
HINDI PATAAS."
SAHOD AT TUBO
ang pagtatakda ng mga batas sa minimum na sahod at bilang ng
oras paggawa sa loob ng isang araw ay pawang mga tugon ng
estado't kapitalista sa pampulitikang pakikibaka ng mga
manggagawa para itaas ang antas ng sahod.
SAHOD AT TUBO
Sinasalamin ng relasyon ng sahod at tubo ang
magkasalungat na interes ng paggawa at kapital.

Sabi ng mga ekonomista, Samakatwid, ito'y kalakal din.


kinakatawan ng kapital ang Paano naging kapital ang isang
naimbak na paggawa na kalakal?
nagsisilbing kasangkapan para sa
bagong produksyon, para sa
muling paglikha ng bagong kalakal.
Ibig sabihin, ito'y kumakatawan sa
suma ng mga halagang nakaimbak
dito, o ng halaga ng kalakal ng
nakaimbak dito, o kantidad ng
lakas paggawang nakaimbak dito.
SAHOD AT TUBO
Sinasalamin ng relasyon ng sahod at tubo ang
magkasalungat na interes ng paggawa at kapital.

ang makina o iba "Ang mga panlipunang relasyon sa produksyon


pang kalakal ay ay nagbabago, natatransporma, sa pagbabago
nagiging kapital dahil at pag-unlad ng mga materyal na kasangkapan
sa relasyong umiiral sa produksyon, ang mga produktibong pwersa.
Ang relasyon sa produksyon, sa kabuuan nito,
sa pagitan ng may-ari
ay bumubuo sa mga panlipunang relasyon, sa
ng makina at ng lipunan, sa lipunang nasa depenidong yugto ng
sinasahurang pangkasaysayang pag-unlad... Ang kapital ay
paggawa na isang ring panlipunang relasyon sa produksyon.
nagpapatakbo rito Ito'y burgis na relasyon sa produksyon,
relasyon sa produksyon ng lipunang burges."
SAHOD AT TUBO
Sinasalamin ng relasyon ng sahod at tubo ang
magkasalungat na interes ng paggawa at kapital.
"Ang kantitatibong paglaki ng Itinutulak ng kapitalistang
kapital ay nagpapatindi sa
kumpetisyon sa pagitan ng
kumpetisyon ang pagpapataas sa
mga kapitalista. Ito ang produktibong kapangyarihan ng
nagpapasidhi sa mapangwasak paggawa, na isinasakatuparan sa
o mapaminsalang katangian ng pamamagitan ng mas
digmaan sa pagitan ng mga matindi/masinsing hatian ng
kapitalista." paggawa (greater division of labor),
ng mas malawak na paggamit at
patuloy na pagpapaunlad ng
makinarya.
SAHOD AT TUBO
Sinasalamin ng relasyon ng sahod at tubo ang
magkasalungat na interes ng paggawa at kapital.

Sa mas masinsing hatian ng


paggawa, mas bumababa ang
karampatang gastos sa produksyon,
mas kapaki-pakinabang ang
paggawa. Ito ang nagtutulak para
pag-ibayuhin ng mga kapitalista ang
kanilang pagpapaligsahan para mas
sinsinin pa ang hatian ng paggawa
at paggamit ng makinarya, at
imaksimisa sa pinakamalawak na
posibleng saklaw.
SAHOD AT TUBO
Sinasalamin ng relasyon ng sahod at tubo ang
magkasalungat na interes ng paggawa at kapital.
Habang lumalago ang produktibong
kapital, mas sumisinsin ang hatian
ng paggawa at mas lumalawak ang
paggamit ng makinarya. Habang
mas sumisinsin ang hatian ng
paggawa at mas lumalawak ang
paggamit ng makinarya, mas
tumitindi ang kumpetisyon sa hanay
ng mga manggagawa, at lalong
bumababa o umuus-os ang kanilang
sahod.
SAHOD AT TUBO
Sinasalamin ng relasyon ng sahod at tubo ang
magkasalungat na interes ng paggawa at kapital.

Kung mabilis ang paglago ng kapital, higit na mabilis ang


pagtindi ng kumpetisyon sa hanay ng mga manggagawa; sa
gayo'y ibayong bumabagsak ang kanilang pinagkakakitaan at
kabuhayan.

Mula dito'y malinaw na ang relasyon ng kapitalista at


manggagawa, ang relasyon ng kanilang interes ay direktang
magkasalungat. Ang pagtamo ng interes ng isang panig ay
magagawa lamang sa pagsupil o paglabag sa interes ng
kabilang panig.
PANGKALAHATANG RELASYON NG TUBO,
SAHOD AT PRESYO
1. Ang bagong halaga "na
itinakda ng oras ng paggawa
ay ang tanging pondong
pinagkukunan ng
manggagawa at kapitalista ng
kanilang bahagi, ang tanging
pondong hinahati sa sahod at
tubo." Samakatwid, ang
halagang ito at gayon ng
buong kalakal ay di
magbabago sa pagbabago ng
hatian ng sahod at tubo.
PANGKALAHATANG RELASYON NG TUBO,
SAHOD AT PRESYO
2. "Kung magbago ang sahod,
magbabago ang tubo sa
salungat na direksyon. Kung
bumaba ang sahod, tataas
ang tubo; at kung tumaas ang
sahod, bababa ang tubo...
Gayon ang pangkalahatang
pagtaas ng sahod ay
magreresulta sa pagbagsak
ng pangkalahatang tantos ng
tubo, ngunit di makakaapekto
sa halaga."
PANGKALAHATANG RELASYON NG TUBO,
SAHOD AT PRESYO
3. "Ang bilang o dami ng
kalakal na nayayari sa isang
takdang oras ng paggawa, o
ng isang kantidad ng
paggawa ay nakasalalay sa
produktibidad ng ginamit na
paggawa at di sa tagal ng
paggamit nito." Samakatwid,
"ang pagkakaiba sa presyo ay
resulta ng pagkakaiba sa
produktibong kapangyarihan
ng ginamit na paggawa
(productive power of labor)."
Pangkalahatang
Batas at Tendensya
ng Sahod, Presyo
at Tubo sa
Malakolonyal at
Malapyudal na
Lipunang Pilipino
PAGPASADA SA MGA TAMPOK NA KATANGIAN
NG SISTEMANG PANG-EKONOMYA SA
PILIPINAS
Atrasado, pre-industriyal at
agraryo ang katangian ng
sistema ng produksyon sa
Pilipinas. Nagsisilbi ito
pangunahin sa interes ng
dayuhang monopolyo
kapitalista habang ang aktwal
na produksyon ay nakasalalay
naman sa mga inangkat na
mga materyales.
PAGPASADA SA MGA TAMPOK NA KATANGIAN
NG SISTEMANG PANG-EKONOMYA SA
PILIPINAS
Nananaig ang pyudal at
malapyudal na
pagsamantala.

Atrasado ang sistema ng


produksyon na
nangangahulugang walang
malawakang mekanisasyon
o paggamit ng mga makina
sa agrikultura.
KAIBAHAN NG MKMP NA EKONOMYA SA
KAPITALISTANG SISTEMA

KAPITALISMO MKMP
PRODUKTIBIDAD mataas pinanatiling mababa sa
balangkas ng atrasadong
ekonomya; simpleng
reprodukyson at di
balansyadong pag-unlad

PADRON SA boom-bust cycle palagian at permanenteng


EKONOMIYA krisis
KAIBAHAN NG MKMP NA EKONOMYA SA
KAPITALISTANG SISTEMA

KAPITALISMO MKMP
PAGGAWA minimintina ang malaking tuloy-tuloy na lumolobo
bilang ng reserbang ang hukbo ng walang
paggawa trabaho;
ekstraordinaryong bilang
ng walang trabaho

SAHOD may panahon na tumataas pangkalahatang


ang nominal wage pero tendensiya ay pababa
pababa ang tunay na
SA ILALIM NG
MALAKOLONYAL AT
MALAPYUDAL NA
LIPUNAN, HINDI LANG
TUBO, KUNDI SUPER
TUBO, DAMBUHALANG
TUBO, ANG PINIPIGA NG
MGA DAYUHANG
MONOPOLYO
KAPITALISTA MULA SA
MGA MANGGAGAWANG
PILIPINO.
MGA PANG-EKONOMIKONG KONDISYONG
PINANANATILI NG IMPERYALISMO SA
PILIPINAS PARA TIYAKIN ANG PAGKAMAL NG
DAMBUHALANG TUBO
Permanenteng implasyon
Permanenteng implasyon
ang katangian ng paggalaw
ng presyo ng mga kalakal o
bilihin. Minsan ay matarik
ang pag-akyat nito, minsan
nama'y banayad. Subalit
mabilis man o mabagal,
pataas pa din tunguhin nito
MGA PANG-EKONOMIKONG KONDISYONG
PINANANATILI NG IMPERYALISMO SA
PILIPINAS PARA TIYAKIN ANG PAGKAMAL NG
DAMBUHALANG TUBO
Permanenteng implasyon
Ang batas ng tuloy-tuloy na
pagtaas ng presyo ng mga
bilihin sa pangunahi'y dulot
ng monopolyong pagkontrol
sa suplay at presyo ng mga
kalakal, lalong-lalo na ng
kontrol sa ilang
mahahalagang kalakal tulad
ng langis o petrolyo.
MGA PANG-EKONOMIKONG KONDISYONG
PINANANATILI NG IMPERYALISMO SA
PILIPINAS PARA TIYAKIN ANG PAGKAMAL NG
DAMBUHALANG TUBO
Permanenteng implasyon
Nagagawa din nilang itakda ang permanenteng pagtaas ng presyo
sa pamamagitan ng mga patakaran sa ekonomiya at pinansya
upang ang tunggalian ng supply at demand ay laging ilihis sa
panig ng demand (upang i-udyok ang pagtaas ng presyo) kahit pa
tinitiyak na hindi ito hustong maglalayo sa hangganang
magreresulta ito sa sobrang implasyon.
MGA PANG-EKONOMIKONG KONDISYONG
PINANANATILI NG IMPERYALISMO SA
PILIPINAS PARA TIYAKIN ANG PAGKAMAL NG
DAMBUHALANG TUBO
Murang Lakas-Paggawa
Sa Pilipinas, katangi-tangi ang matalas na kontradiksyon sa
pagitan ng sahod ng mga manggagawa at ng halaga ng
kaniyang lakas-paggawa.

Habang tumataas ang halaga ng lakas-paggawa ay patuloy din


naman ang pagbagsak ng tunay na halaga ng sahod, kahit pa
nangyari na ang aktwal o nominal na sahod ay tumaas.
Makikita sa kasaysayan ang tuluyang pagbagsak ng tunay na
halaga ng sahod ng mga manggagawa.
MGA PANG-EKONOMIKONG KONDISYONG
PINANANATILI NG IMPERYALISMO SA
PILIPINAS PARA TIYAKIN ANG PAGKAMAL NG
DAMBUHALANG TUBO
Murang Lakas-Paggawa
Ang pagtiyak sa murang lakas
paggawa ay paraan ng
masidhing pagsasamantala sa
mga manggagawang Pilipino.
Natutuhan na natin na ang
sahod ng mga manggaggawa
at ang tubo ng mga kapitalista
ay magkabilang panig sa
permanenteng digma.
MGA PANG-EKONOMIKONG KONDISYONG
PINANANATILI NG IMPERYALISMO SA
PILIPINAS PARA TIYAKIN ANG PAGKAMAL NG
DAMBUHALANG TUBO
Murang Lakas-Paggawa
Ang mga patakaran sa paggawa ng
gobyerno na nagtitiyak sa
pagpapatuloy ng murang lakas
paggawa ay isang paraan ng
imperyalismo at malalaking burgesya
upang itimbang ang digmang ito sa
kanilang panig. Ang agwat sa pagitan
ng sahod at ng halaga ng lakas
paggawa ay katumbas ng kinakamal
na tubo lagpas sa karaniwang tubo.
MGA PANG-EKONOMIKONG KONDISYONG
PINANANATILI NG IMPERYALISMO SA
PILIPINAS PARA TIYAKIN ANG PAGKAMAL NG
DAMBUHALANG TUBO
Murang Lakas-Paggawa
May mga patakaran ang gobyerno at internasyunal na burgesya para
tiyakin at imantine ang murang lakas-paggawa sa Pilipinas.
Pinipigilan ang pagtaas ng sahod o hinihila pababa ang tunay na
halaga nito sa pamamagitan kapwa ng pampulitikang pwersa at ng
pwersa ng umiiral na sistemang pang-ekonomiya
MGA PANG-EKONOMIKONG KONDISYONG
PINANANATILI NG IMPERYALISMO SA
PILIPINAS PARA TIYAKIN ANG PAGKAMAL NG
DAMBUHALANG TUBO
Murang Lakas-Paggawa
Ang patakaran ng murang lakas-paggawa ay napapagtibay sa
pamamagitan din ng mga pampulitikang maniobra upang paghiwa-
hiwalayin ang mga manggagawa at mga pamamaraang
institusyunalisado tulad ng regional na sistema ng pagtatakda ng
minimum na sahod, sistemang kontraktwal atbp.
MGA PANG-EKONOMIKONG KONDISYONG
PINANANATILI NG IMPERYALISMO SA
PILIPINAS PARA TIYAKIN ANG PAGKAMAL NG
DAMBUHALANG TUBO
Murang Lakas-Paggawa

Dahil ang ekonomiya ng Pilipinas ay hindi industriyalisado o mababa


ang antas ng produktibidad sa kalahatan at lugmok sa pagka-
atrasado ang mas malaking bahagi ng sistema sa produksyon, hindi
mangyayari na lalaki ang bilang ng mga manggagawa kumpara sa
kabuuan.
MGA PANG-EKONOMIKONG KONDISYONG
PINANANATILI NG IMPERYALISMO SA
PILIPINAS PARA TIYAKIN ANG PAGKAMAL NG
DAMBUHALANG TUBO
Paano nalulutas ang kontradiksyon sa pagitan ng
sahod at halaga?
Ang una ay ang pagpapabagsak ng antas ng buhay panlipunan ng
mga manggagawa, ibaba ang antas ng kaniyang mga kagustuhan at
pangangailangan upang ibaba ang halaga ng lakas-paggawa at
tumugma sa mababang antas ng kaniyang sahod.
MGA PANG-EKONOMIKONG KONDISYONG
PINANANATILI NG IMPERYALISMO SA
PILIPINAS PARA TIYAKIN ANG PAGKAMAL NG
DAMBUHALANG TUBO
Paano nalulutas ang kontradiksyon sa pagitan ng
sahod at halaga?
Ikalawa, ang pagtataas ng sahod upang tumugma sa halaga ng
kaniyang lakas paggawa. Pero, ang lahat ng mga nangyari nang
pagtataas ng minimum na arawang sahod ay laging resulta ng
pampulitikang pakikibaka ng mga mangagawa o ng kanilang sama-
samang pagkilos upang igiit ang karagdagang sahod.
MGA PANG-EKONOMIKONG KONDISYONG
PINANANATILI NG IMPERYALISMO SA
PILIPINAS PARA TIYAKIN ANG PAGKAMAL NG
DAMBUHALANG TUBO
Ang konklusyon na mahahalaw natin sa puntong ay:
ang permanteng implasyon at ang patakaran ng
murang lakas-paggawa ay nagreresulta sa
kontradiksyon sa pagitan ng sahod ng mga
manggagawa at sa halaga ng kaniyang lakas-
paggawa. Para sa mga manggagawa, iisa ang
paraan ng paglutas ng kontradiksyon na ito, at iyan
ay sa pamamagitan ng paggiit ng karagdagang
sahod sa pamamagitan ng militanteng mga
pakikibaka.
MGA PANG-EKONOMIKONG KONDISYONG
PINANANATILI NG IMPERYALISMO SA
PILIPINAS PARA TIYAKIN ANG PAGKAMAL NG
DAMBUHALANG TUBO
Ilang mga kasong nagpapakita kung paano
kumakamal ng dambuhalang tubo ang mga dayuhang
monopolyo

Paggawang Amerikano sa
presyong Pilipino:
Dobleng-pagsasamantala
ng mga dayuhang
korporasyon sa murang
lakas-paggawa sa Pilipinas
MGA PANG-EKONOMIKONG KONDISYONG
PINANANATILI NG IMPERYALISMO SA
PILIPINAS PARA TIYAKIN ANG PAGKAMAL NG
DAMBUHALANG TUBO
Ilang mga kasong nagpapakita kung paano
kumakamal ng dambuhalang tubo ang mga dayuhang
monopolyo

Pagkamal ng supertubo sa
pamamagitan ng pagtambak ng
kalakal sa presyong mas
mataas sa halaga nito: Isa pang
dahilan para panatilihin ang
mababang produktibidad ng
Pilipinas
PAGLALAGOM
"Bakit dapat ipaglaban ng mga manggagawa
ang pagtaas ng sahod?"

"Ano ang itinuturo ng kasaysayan at karanasan


ng pakikibaka ng proletaryado para itaas ang
sahod?"
Malinaw ang aral ng pakikibaka ng uring manggagawa. Sa ating
kasaysayan, sa ating karanasan, ang pagtaas ng sahod ay
bunga ng paggigiit ng mga manggagawa. At nakamit ito sa
pamamagitan ng puspusan at militanteng paglaban. Subalit
hindi pa ito ang kabuuang aral.
Totoong pundamental na laban ng uri ang pagtaas ng sahod.
Ito'y buhay-at-kamatayang usapin para sa manggagawa.
Lalo pa sa ilalim ng malakolonyal at malapyudal na lipunang
batbat ng krisis, ang paglaban sa pagtaas ng sahod ay, sa
katunayan, laban para idepensa ang halaga ng sahod. At
kung gayo'y ang kabuhayan ng manggagawa at ng kanyang
pamilya. Kung gayo'y ang mismong buhay at kinabukasan ng
buong uri.
Itinuturo ng ating karanasan na hindi lang laban para sa
pagtaas ng sahod ang kinakailangang ibunsod ng mga
manggagawa. Kundi isang puspusan, malawakan at
pangmatagalang gera para wasakin at wakasan ang sahurang
pang-aalipin, at ang mismong sistema ng lipunan na
nagpapanatili nito. Sa ganitong balangkas dapat masigasig,
walang humpay at militanteng iginigiit ang pagtaas sa sahod at
iba pang kaugnay na pang-ekonomikong pakikibaka ng mga
manggagawa.
Sa Pilipinas, ang
komprehensibong
balangkas ng
paglaban at programa
para sa ganap na
paglaya ng uring
manggagawang
Pilipino ay
humahantong sa
landas ng pambansa
demokratikong
rebolusyon.
MANGGAGAWA, MAGKAISA!

You might also like