Report in Ap

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

POLITIKAL NA

PAKIKILAHOK
Dahil nasa ating kamay ang susi sa
pagbabago ng ating lipunan, nararapat
lamang na kalimutan ang maling
pananaw na pamahalaan lamang ang may
tungkulin na bigyan-solusyon ang isyung
panlipunan; na sila rin ang magbibigay
katugunan sa lahat ng ating
pangangailangan .
Ang ganitong pag iisip ay
nagdudulot ngg sentimentong
pansisi sa pamahalaan kapag
ating mga pangangailangan at
sulirain ay hindi matugunan.
Sa katunayan, ayon sa Artikulo II,
seksyon ng ating Saligang Batas “Ang
Pilipinas ay isang Estadong Republikano
at Demokratiko. Ang ganap na
kapangyarihan ay ang angkin ng
sambayanan at nagmumula sa kanila ang
lahat ng mga awtoridad na Pamahalaan.”
Ang kapangyarihan ng Estado ay wala sa
Pamahalaan at sa mga bumubuo nito sa
halip, nagmula it o sa mamamayan. Ang
mamayan ay dapat aktibong nakikisangkot
sa diskurso sa pamamahala upang
mabigyang katugunan ang mga hamong
panlipunan.
Mangyayari lamang ito ito kung ang
mamamayan ay may kaalaman at kamalayan
sa mga isyung panilpunan,ang kamalayang
ito ang nagtutulak sa mamayan na aktibong
nakikilahok sa mga Hakbanging magbibigay
katugunan sa maraming isyung panlipunan.
Isang mahalagang paraan para matugunan ang
mga isyung ito ay pakikilahok sa mga Gawain
politikal, ngunit may ibat-ibang paraan para
maging kalahok dito ang isang mamayan;
Maaring ito ay paraan sa pagboto o maaring sa
mas masidhing mga aksiyon para igiit ang
pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan.
1. ELEKSIYON
Ang pakikilahok sa eleksiyon ang
pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng
mamamayan. Ang pagboto ay isang
obligasyon at karapatang politikal na
ginagarantiyahan ng ating saligang batas.
Ayon sa Artikulo V ng Saligang Batas 1987, ang
mga maaring makaboto ay :

A.Mamamayang Pilipino
B.Hindi diskwalipikado ayon sa isinasaad ng batas
C.18 na taongulang pataas, at
D.Tumira sa Pilipinas nang kahit isang taon at sa
lugar kung saan niya gusting bomoto nang hindi
bababa sa anim na buwan bago ang eleksiyon.
Ang pagboto ay pagkakataon kung saan
naipapakita ng mamamayan na siya ang
pinangagalingan ng kapangyarihan ng mga halal na
opisyal.
Pantay-pantay ang mga tao pagdating sa boto.Bawat
Pilipino ay mayroon lamang isa ng boto, mayaman
man o mahirap.Ngunit may balkid parin sa
pakikipaglahok dahil meron nagbebenta ng kanilang
boto sa mga politiko.
Noong halalan 2016 sinabi ng dating
Commisioner ng Commision of
Elections na si Gregorio Lardizabal na
naging talamak parin ang pamimili ng
boto. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon
ng automated election.
Batay sa ISSP Citizenship Survey noong
2004. Pangunahin ang pagboto bilang
mabuting mamayan para sa mga Pilipino,
kasama rin sa listahan ang wastong
pagbayad ng buwis, laging pagsunod sa
batas pagsubaybay sa gawain ng
pamahalaan at unawain ang opinion ng
ibang tao.
Ayon nga sa Constitutionalist na si Fr.
Joaqin Bernas (1992) ang layunin ng
pagboto ay hindi na ang pagbibigay ng
mandato sa mga opisyal para mamuno
bagkus ay pagbibigay ng kapangyarihan sa
mga makapagpaunlad sa estado at malupig
ang mga nagpapahirap sa bayan.
Mga Diskwalipikadong Bumoto

1.Mga taong nasentensyahan na makulong


nang hindi bababa sa isang taon . Maari
siyang makaboto muli pagkaraan ng
limang taon pagktapos niyang matapos ang
parusang inihatol sa kanya.
2.Mga taong nasentensisyahan ng hukuman sa mga
kasong rebelyon,sedisyon,paglabag sa anti-
subversion at firearms law at anumang krimeng
laban sa seguridad ng bansa. Maari siyang
makaboto muli pagkaraan ng limang taon
pagkatapos niyang matapos ang parusang inihatol
sa kaniya.
3.Mga taong ideneklara ng mga eksperto bilang
baliw.

You might also like