Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Mga Dapat Isaalang-alang sa

Pagsulat ng Talumpati
A. Uri ng mga Tagapakinig
Sa pagsulat ng isang mahusay na talumpati,
mahalagang magkaroon ng kabatiran ang
mananalumpati tungkol sa kaalaman,
pangangailangan, at interes ng kanyang magiging
tagapakinig.
Dapat mabatid ng mananalumpati sa
kanyang mga tagapakinig:
1. Ang edad o gulang ng mga makikinig
- Mahalagang alamin ang edad o gulang ng nakararami sa
mga tagapakinig. Ang mga bata ay tiyak na hindi lubos
na magiging interesado sa mga paksang pangmatanda,
gayundin naman, magiging kabagot-bagot para sa mga
matatanda ang mga paksang pambata.
2. Ang bilang ng mga makikinig
- Importante ring malaman kung ilan ang mga taong
makikinig sa talumpati. Kung maraming makikinig,
marami ring paniniwala at saloobin ang dapat na
isaalang-alang ng mananalumpati.
3. Kasarian
- Madalas magkaiba ang interes, kawilihan,
karanasan, at kaalaman ng kalakihan sa kababaihan.
Nagkakaroon din ng magkaibang pananaw ang
dalawa hingil sa isang partikular na paksa.
Mahalagang malaman kung ang pagtitipong
pupuntahan ay binubuo ng kalakihan, kababaihan, o
magkahalong kasarian.
4. Edukasyon o antas sa lipunan
- Mahalaga ring malaman ang antas ng edukasyon ng
nakararaming dadalo sa pagtitipon at maging ang antas
ng kanilang buhay sa lipunan. Malaki ang kinalaman ng
edukasyon sa kakayahan ng mga tagapakinig na
umunawa sa paksa. Kung ang mga makikinig ay
kabilang sa masang pangkat, mahalagang gumamit ng
mga salita o halimbawa na akma para sa kanila. Kung
ang karamihan naman sa mga makikinig ay mga edukado
at kabilang sa mataas na antas ng lipunan, iba ring
pamamaraan ng pagtalakay ang dapat gamitin sa kanila.
5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga
nakikinig
- Dapat mabatid din kung gaano na kalawak ang
kaalaman at karanasan ng mga nakikinig tungkol
sa paksa. Kung may alam na ang mga tagapakinig
tungkol sa paksa, sikaping sangkapan ito ng mga
bago at karagdagang impormasyon upang hindi
sila mabagot o mawalan ng interes.

You might also like