Graciano Lopez

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Graciano Lopez-Jaena

“Prinsipe ng mga Orador”


Graciano Lopez-Jaena
(Diego Laura)

• Ipinagmamalaking anak ng Jaro-Iloilo


• Ipinanganak noong Disyembre 18, 1860
• Namatay noong Enero 20, 1896

• Isa sa pinakadakilang henyo ng Pilipinas

• Inakala niya na ang Pilipino at Kastila ay


iisa at magka-uri, ito ay bagay na
kanyang hinangad na maging lalawigan
ng Espanaya ang Pilipinas.
Graciano Lopez-Jaena
• Isa siyan kritiko ng pahayagang Kastila
Los Dos Mundos

• Gumagamit siya ng mga pananalitang


nakahihikayat,maapoy,walang takot,
dakila't makapangyarihan.

• Kinilala siya hindi lamang ng mga


Pilipino kundi maging ang mga Kastila.
Graciano Lopez-Jaena
(Diego Laura)

Mariano Ponce- “Ang pananalita


ni Lopez-Jaena ay umaagos sa
kanyang mga labi na parang laba
mula sa bunganga ng isang bulkan.

• Sinasabi pa rin na ang kanyang


mga kaisipan ay
nakapagpapaigtad sa bayan at
nakapupukaw ng kasiglahan sa Mariano Ponce
mga mamamayang Pilipino
Graciano Lopez-Jaena
(Diego Laura)

• Alalaong baga'y siya'y isang


orador at tinaguriang
Demonthenes ng Pilipinas

• Orador- mananalumpati,taong
mahusay magtalumpati o sa
debate

• Demonthenes- pinakadakilang
mananalumpati ng Athína at ng
Sinaunang Gresya.
Graciano Lopez-Jaena
(Diego Laura)

• Nakasulat ng may isangdaang talumpati.


Nagtungo sa Barcelona at tumira sa
kaniyang tiyuhins si Claudio Lopez,
upang umiwas sa pang-uusig ng mga
prayleng Kastila at pinuno ng
pamahalaan. itinatag at pinamatnugutan
ang pahayagang tagapamansag ng
Kilusang Propaganda - ang La Solidaridad
noong 1889.
• Kabilang sa Asociacion Hispano - Filipino,
kapisanan ng mga Kastila at Pilipino na
tumutulong sa mga pagbabago.
Graciano Lopez-Jaena
(Diego Laura)

• Sa tulong ng kanyang mga


nakakariwasang kamag-anak
nagtungo siya sa Maynila upang
makapag-aral ng
pagkamanggagamot ngunit hindi
natanggap sa Unibersidad ng
Santo Tomas kaya't siya's
namasukan sa San Juan de Dios
Hospital. Makaraan ang dalwang
taon, nakakuha siya ng lisensya
sa panggagamot.
Graciano Lopez-Jaena
(Diego Laura)

• Nangangamot siya ng walang bayad sa


kanyang mga kababayang mahihirap,
lalo na sa mga liblib na pook. Sa mga
pook na ito nasaksihan niya ang mga
pang-aapi at pang-uusig ng
pamahalaang Kastila at simbahan sa
mga mamamayan tungo sa pagtatamo
ng ganap na kalayaan at
demokratikong pamamaraan. Ang
mga bagay na ito ang naging sanhi ng
kanyang pagtungo sa ibang bansa
upang makaiwas sa mga pang-uusig
Graciano Lopez-Jaena
(Diego Laura)

• Mga Akda ni Graciano Lopez-Jaena


• La Hija Del Fraile (Ang anak ng Prayle) -
Nobelang nag-uuyam sa kayabangan at
kahalayan ng ginagawa ng mga prayle.
Inilahad ni Lopez-Jaena ang kalunos-lunos
na kalagayan ng Pilipino kung mapakasal sa
isang Kastila
• Sa Mga Pilipino - isang talumpating
naglalayong mapabuti ang kalagayan ng
Pilipino na malaya, maunlad at
naipagtanggol at natatamasa ang kanilang
karapatan
Graciano Lopez-Jaena
(Diego Laura)

• Mga Akda ni Graciano Lopez-Jaena


• En Honor de los Filipinas (Ang Dangal ng
Pilipinas) - talumpating nagbibigay pugay
at nagbubunyagi sa tatlong Pilipinong
nagkamit ng gantimpala sa Eksposisyon
sa Paris, Mayo 6, 1890, sina Juan Luna at
Felix Ressureccion Hidalgo (mga pintor)
at Joaquin Pardo de Tavera (iskultor)
• Mga Kahirapan sa Pilipinas - Ang akdang
ito ay tumutuligsa sa maling
pamamalakad sa pamahalaan at sa
maling sistema ng edukasyon sa Pilipinas
Graciano Lopez-Jaena
(Diego Laura)

• Mga Akda ni Graciano Lopez-Jaena


• Ang Lahat ay Pandaraya - Isang lathain tungkol sa
mayamang Filipina na nagmamalaking sinasabi sa
mga tao na siya'y magiging kondesa dahil sa isa
raw konde ang kanyang mapapangasawa at buhat
sa maharlikang pamilya at lahing Kastila ngunit ang
ama pala ay isang hamak na sapatero at nakatira sa
isang abang lugar ng isang distrito sa Madrid.
• En Honor del Presidente de la Assocasion Hispano -
Filipino - Binigyang papuri ni Lopez-Jaena si
Heneral Morayta sa pantay-pantay na
pamamalakad sa mga pinamumunuan
Graciano Lopez-Jaena
(Diego Laura)

• Fray Botod - Isang maikling nobelang naglalarawan hinggil sa isang


prayleng dumating sa Pilipinas. ito'y payat na payat ngunit nang
makalipas ang ilang panahon naging mukhang tao. Tinuligsa ni
Graciano Lopez-Jaena ang pagbibigay ng masasamang halimbawa ng
mga prayle na sana'y magiging mabuting huwaran ng mga
mamamayang Pilipino na makatulong tungo sa pagtatamo ng kapuri-
puri at kasiya-siyang kaasalan. Nailalarawan dito ang mga iba't-ibang
bisyo ng mga prayleng Kastila. Ang pagsingil ng mahal sa
pagpapalibing at pagpapatubo ng malaki sa mga utang at iba pang
mahahalay na gawain.

You might also like