Aralin 2 Ict

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 31

Si Alexa Magtalas ay isang doktor sa sikat na ospital, dahil sa sobrang dami ng

pasyente na nagpapagamot, wala na siyang oras upang magpahinga. Ito ang


naging sanhi upang siya ay magkasakit kaya minabuti niyang magpaalam muna na
hindi papasok ng ilang araw.
Sa unang araw ng kanyang pahinga, minabuti niyang pumunta sa isang
supermarket upang mamili ng mga gamit at pagkain sa bahay. Kumuha siya ng
gatas, sardinas, pasta, sariwang isda, karne, gulay at tinapay na tulad ng Gardenia.
Pagkatapos ay umuwi na siya upang makapagluto.
Sa ikalawang araw, siya ay pumunta sa isang Beauty Parlor upang magpalinis
ng kuko at magpagupit ng buhok. Sinubukan din niya ang magpamasahe sa isang
“Massage Parlor”, hinilot sya ng isang masahista sa loob ng isang oras na
nagbigay ng kaginhawaan sa kanya.
At sa huling araw, ay pumunta sya sa kaibigan nyang doktor upang
magpakunsulta kung ano ba ang kanyang kalagayan.
• Ano ang naging problema ni Alexa Magtalas?
•  Ano ang kanyang trabaho?
•  Ano ang ginagawa nya sa kanyang trabaho?
•  Ano- anong mga paninda ang kanyang binili sa super market?
• Ito ba ay maituturing na produkto?
•  Saang lugar siya nagpunta maliban sa super market?
•  Ano ang ginawa kay Alexa Magtalas ng siya ay nagpunta sa
Beauty Parlor? Massage Parlor?
• Ito ba ay maituturing na serbisyo
Ano ang Produkto?

Ang produkto ay isang bagay na ginawa upang maibenta, karaniwang


ang bagay na ito ay ginawa sa pamamagitan ng pang-industriyang
proseso. Ang ibang produkto naman ay tinanim ng mga magsasaka
matapos ay pinalago at inani upang ibenta.

Ilan sa mga halimbawa ng produktong dumaan sa pang-industriyang


proseso ay papel, plastic, metal, mga gadgets at iba pa. Samantalang
ang mga produkto namang nagmula sa pagsasaka ay ang mga prutas,
gulay at iba pa.
Ano ang Serbisyo?
• Ito ay ang paglilingkod marahil ay libre o mayroong bayad depende sa
usapan ng dalawang partido – ang kliente at ang manggagawa.  Ang
manggagawa ang naghahatid ng serbisyo.  Kadalasang ito ay may bayad, at
depende sa uri ng serbisyo, lawak ng kaalaman ng manggagawa, pati na
ang mga karanasan nito.  Kadalasan ay mano-mano ang paghahatid ng mga
serbisyo, pero mayroon ding mga serbisyong automatiko at ginagamitan pa
nga ng mga makinarya. Karamihan sa mga manggagawa ay naghahatid ng
serbisyo at ito ay binabayaran ng kompanya.  Ang resulta ng ganitong
serbisyo ay nagiging isang produkto, at ikinakalakal ang mga ito sa kanilang
mga kustomer.
Tukuyin ang mga
sumusunod:
Kung ito ba ay
PRODUKTO O SERBISYO
serbisyo
produkto
serbisyo
serbisyo
produkto
produkto
serbisyo
serbisyo
serbisyo
serbisyo
serbisyo
produkto
produkto
serbisyo
TANDAAN NATIN:
• Lagi pakaisipin na ang produkto ay ang mga bagay na
maaaring inaalok sa merkado na nakapagbibigay ng
kasiyahan sa pangunahing pangangailangan o
kagustuhan ng isang mamimili samantalang ang serbisyo
ay tumutukoy sa paglilingkod na iniaalok ng taong
nagtatrabaho sa isang uri ng negosyo.
Tukuyin kung ang mga
sumusunod na salita o grupo ng
mga salitang may salungguhit
ay produkto o serbisyo. Isulat
ang sagot sa patlang bago ang
bilang.
1. Si Luisa ay pumunta sa Baguio upang mamasyal sa
loob ng isang araw. Sa huling araw ng kanyang
pananatili, pumunta siya sa pamilihan at bumili ng peanut
brittle, strawberry at ube jam.

2. Nasira ang tubo ng tubig sa bahay nila Miko,


tumawag ang kanyang ina ng tubero upang palitan at
ayusin ang tagas nito.
3. Nagkaroon ng isang sunog sa malaking bahagi ng
pamilihang bayan, tumawag si Jenna ng bumbero upang
patayin ang apoy na likha ng pagsabog ng tangke ng
gasul.

4. Malapit na ang kaarawan ng kapaitd ni Lorena kaya


minabuti niya na bumili ng isang bag na mataas ang
kalidad bilang regalo.
5. Bilang isang propesyonal, pagtuturo sa mga
mag-aaral ang palaging iniisip ni G. Melody tuwing
siya ay papasok sa paaralan.
1. Si Luisa ay pumunta sa Baguio
upang mamasyal sa loob ng isang araw.
Sa huling araw ng kanyang pananatili,
pumunta siya sa pamilihan at bumili ng
peanut brittle, strawberry at ube jam.

produkto
2. Nasira ang tubo ng tubig sa bahay
nila Miko, tumawag ang kanyang ina ng
tubero upang palitan at ayusin ang tagas
nito.
serbisyo
3. Nagkaroon ng isang sunog sa malaking
bahagi ng pamilihang bayan, tumawag si
Jenna ng bumbero upang patayin ang apoy na
likha ng pagsabog ng tangke ng gasul.

serbisyo
4. Malapit na ang kaarawan ng kapaitd ni
Lorena kaya minabuti niya na bumili ng
isang bag na mataas ang kalidadbilang
regalo.
produkto
5. Bilang isang propesyonal,
pagtuturo sa mga mag-aaral ang
palaging iniisip ni G. Melody tuwing
siya ay papasok sa paaralan.

serbisyo
PAGYAMANIN NATIN:

Kumpletuhin ang tsart sa pamamagitan ng pagtatala ng mga


produkto at serbisyong makikita sa inyong barangay

Produkto Serbisyo
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

You might also like