Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Tekstong impormatibo: para sa

iyong kaalaman
Ano ang tekstong impormatibo
 Ekspositori
 Isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong
magpaliwanag at magbigay ng
impormasyon.
 Sinasagot nito ang mga tanong na:
oAno, Kailan,Saan, Sino, at Paano
ANO ANG PANGUNAHING
LAYUNIN NG
IMPORMATIBONG TEKSTO?
Magpaliwanang sa mga
mambabasa ng anomang paksa
na matatagpuan sa tunay na
daigdig.
HALIMBAWA NG TEKSTONG IMPORMATIBO

 BIYOGRAPIYA
 IMPORMASYONG MATATAGPUAN SA:
o DISKYUNARYO
o ENCYCLOPEDIA
o PAPEL-PANANALIKSIK SA MGA JOURNAL
o SIYENTIPIKONG ULAT
o BALITA SA DIYARYO
Iba’t ibang pantulong upang gabayan ang mambabasa
na mabilis na hanapin ang iba’t ibang impormasyon
kabilang ditto ang:
Talaan ng nilalaman
Indeks’
Glosaryo para sa mahahalagang bokabularyo
Mga larawan at ilustrasyon
Kapsyon
Iba pang uri ng palatandaan para sa mga larawan,
graph at talahayan
URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO
1.SANHI AT BUNGA
Ito ay estruktura ng paglalahad na
nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay ng
mga pangyayari at kung paanong ang
kinalabasan ay nagging resulta ng mga
pangyayari
2. PAGHAHAMBING
Ang mga tekstong nasa ganitong
estruktura ay kadalasang nagpapakita ng
mga pagkakaiba at pagkakatulad sa
pagitan ng anumang bagay, konsepto o
pangyayari.
3. PAGBIBIGAY-DEPINISYON
Ipinalilinawag ng ganitong uri ang
kahulugan ng isang salita, termino
o konsepto.
4. PAGLILISTA NG KLASIPIKASYON
Ang estrukturang ito ay kadalasang
naghahati-hati ng isang malaking paksa
o ideya sa iba’t ibang kategorya o grupo
upang magkaroon ng sistema ang
pagtalakay.
TATLONG KAKAYAHAN NG
TEKSTONG IMPORMATIBO
1.PAGPAPAGANA NG IMBAK NA
KAALAMAN
May kinalaman sa pag-alala ng mga salita at
konseptong dati nang alam na ginamit sa teksto
upang ipaunawa ang mga bagong
impormasyon sa mambabasa.
2. PAGBUO NG HINUHA
May kinalaman sa pagbasa ng mga
bahagi ng teksto na hindi gaanong
malinaw sa pamamagitan ng pag-uugnay
nito sa iba pang bahagi na malinaw.
3. PAGKAKAROON NG
MAYAMANG KARANASAN
Mas nagiging konkreto ang
pagbabasa para sa mag-aaral
dahil alam nila kung ano ang
tinutukoy sa teksto.
Ayon kay YUKO IWAI(2007), mahalagang hasain ng
isang mahusay na mambabasa ang tatlong kakayahan
upang unawain ang mga tekstong impormatibo.
Nagbigay din siya ng iba’t ibang stratehiya gaya ng:
 Tinukoy niya na mahalaga ang pagsasanay sa
pagkilala ng iba’t ibang panangdang diskurso o
salitang pangtransisyon. Halim. Kung ang isang teksto
ay gumagamit ng mga salitang pangtransisyon gaya
ng “UNA”, “IKALAWA”, IKATLO”. Maaring ang
estruktura ng teksto ay pag-iisa isa o paglilista.
 Kung ginagamit ay mga salitang
pangtransisyon na nagpapakita ng
kontradiksyon o pagpapalit ng ideya
gaya ng “gayunpaman, ngunit, o sa isang
banda, kailangang maunawaan na
kasunod nito ang isang ideya na taliwas
sa nauna nang binasa.

You might also like