Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Ang

Nawawalang
Aklat
Patapos na ang mahabang
bakasyon. Pasukan na bukas
kaya’t inaayos na ni Lian ang
mga gamit niya: bag , sapatos,
bagong uniporme, lapis, papel ,
mga kuwaderno, at mga
bagong aklat na nakabalot pa
sa malinaw na plastik.
May nakadikit ding sticker sa
bawat gamit niya na
magpapakilala sa kanya tulad
ng kanyang pangalan, tirahan
at iba pa.
Isa-isa niyang
inilalagay ang mga
gamit sa bag nang bigla
siyang mapasigaw,
“Kulang ng dalawa ang
mga aklat ko! ‘Nay!
Nakita n’yo po ba ang
mga aklat ko?” ang
malakas na tanong niya
habang mabilis na
lumalabas ng silid.
Kahit abala sa kusina
ay sumagot si Nanay.
“Ano ba iyong nawawala,
Lian?”
“Nawawala po ang
dalawang aklat ko, ‘Nay,”
sagot niya.
“Tingnan mo sa
kuwarto mo at baka
nandoon lang,” mungkahi
ni Nanay.
Pumasok muli si Lian pero nang
makita nya ang silid ay natahimik
siya. Paano niya mahahanap ang
mga aklat niya sa ganito kagulong
lugar? Sinabihan na nga pala siya
ni Nanay noon pa na magligpit
pero hindi niya nagawa. Ngayon
ay magkakahalo ang mga nagkalat
na damit, laruan, sapatos,
tsinelas, magasin, aklat, at
maging mga tirang supot na
sitsirya sa loob ng silid.
Pagpasok ni Nanay ay napailing
siya sa nakitang kalat. Maya-maya’y
muling lumabas at pagbalik ay
iniabot kay Lian ang dala-dalang
basurahan, kahong walang laman, at
isang hamper.
“Para mahanap mo ang hinahanap
mo, ilagay mo muna sa hamper ang
maruruming damit, sa basurahan ang
mga basura mo, at sa kahon ang mga
bagay na gagamitin mo pang muli.
Ang iba mo pang gamit ay ilagay mo
sa kung saan dapat nakalagay,” sabi
ni Nanay bago muling lumabas.
Tahimik na sumunod si Lian sa utos ng
ina. Maya-maya’y muling dumating si Nanay
na may dalang walis at basahan.
“Ngayon naman ay punasan mo ang
maaalikabok na gamit mo at pagkatapos ay
walisan mo ang sahig.” sabi niya bago
inilabas ang mga naipong kalat mula sa silid
ni Lian.
Nang muli siyang bumalik
isang nakangiting Lian ang
kanyang nadatnan, “’Nay,
nakita ko na po ang mga aklat.
Nasa ilalim lang po pala ng
kama,” ang masayang sabi niya.
“Anak bukod sa nahanap mo
ang mga aklat ay isa pang
premyo para sa sarili mo ang
nagawa mo,” sabi niya habang
masayang nakatingin sa ngayo’y
malinis at maaliwalas na paligid.
“Oo nga po, ‘Nay, kung hindi
pa nawala ang mga aklat ay di
pa ako makapaglinis. Ang
sarap pala sa pakiramdam
kapag malinis ang paligid.
‘Nay, sorry kung hindi ko kayo
agad sinunod. Mula ngayon,
lagi ko na pong liligpitin ang
mga gamit ko,” ang pangako ni
Lian habang masaya silang
nagsasalo sa meryendang
inihanda ni Nanay.
Mga Tanong
1. Ano ang nawawala kay Lian?
2. Bakit kailangan niyang mahanap agad ang
mga ito?
3. Bakit hindi niya agad nakita ang mga aklat na
nasa ilalim lang pala ng kanyang kama?
4. Ano-ano ang mga ginawa ni Lian para
mahanap ang mga aklat na inakala niyang
nawawala?

You might also like