SA KUBYERTO-WPS Office

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

KABANATA : 1

SA
KUBYERTO
Ang bapor tabo naglalakbay sa pagitan ng Maynila at
Laguna At bawat sandali'y sumisilbato ang bapor.
Kaalinsabay nito ang pag bubuga ng maitim at bugal-
bugal na usok. Dahil sa ingay ng makina nito,hindi
magkarinigan ang mga nakasakay rito.
Sa kubyerto ng bapor nangakaupo sa maginhawang
silyosa ang ilang manlalakbay na nakasuot-europeo,
mga prayle at mga kawani, habang pinapanood ng ang
mga tanawin. Sa ibaba naman ng kubyerta ay nag
sisiksikan sa pagitan ng mga kalakal at mga baul ang
mga indiyo, mga intsik at mga mestiso.
Si Doña Victorina, ang tanging babaing nakiumpok sa
mga europeo, ay nagpapasaring dahil sa kabagalan
ng pag-usap ng bapor . Nilalait niya ang nagdaraang
mga kasko, balsa ng mga niyog, mga bangka, mga
naglalaba at naliligo sa lawa. Hindi na niya
isanaalang -alang na inyo ang ibang bahagi ng
pasahero, mga minero at makinista ng bapor at ang
humahawak ang timon. Nalimutan niyang siya man
ay isang indiyo kahit nakakolorete sa mukha at
nakasuot Europeo.
Si Don Custodio, ang mapagbalak na noo'y payapang
natutulog; si Ben Zayb, si Padre Irene at si Simoun
naman ay masayang nag-uusap at hindi nila
pinapansin si Doña Victorina. Ang babaing itinakwil ang
pagka-pilipina sa kagustuhang mapabilang sa mga
taga-Europa. Ang kayamutan ni Doña Victorina ay
lalong sumisid sa bawat pagsigaw ng kapitan. Sumigaw
si Doña Victorina sa Kapitan na nais nitong pabilisin
ang andar ng bapor ngunit di sinangayunan ng kapitan
sa kadahilanang sasadsad ang bapor sa palayan.
Masayang nag-uusap ang mga nasa kubyerta at di pa
nila pinapansin si Doña Victorina. At kanilang
nabanggit ang tungkol sa Puente del Capricho na
ginawang ng isang kapatid. Hindi raw ito natapos
dahil sa ito ay diumano'y mahina at marupok ito ayon
sa mga taong marunong sa agham. At sumambot si
Doña Victorina na walang magandang lawa sa
pilipinas.
Si Simoun naman ay naka isip ng paraan para
mapadali ang oras ng paglalakbay at mawala ang
dakong mababaw kung gagawa ng kanal mula sa
pagpasok ng ilog hanggang paglabas. Isang kanal na
maglalagos sa maynila at tabunan na ang dating ilog
pasig. At ito naman agad na di sinang-ayunan si Don
Custodio dahil malaking salapi ang magugugol at may
masisirang kabayanan.
TIMON - Manibela
BAPOR TABO - Isang barko na halos tabo and hugis.
SUMISILBATO - Pito
BUGAL-BUGAL - Makapal
SILYOSA - Pamahingahan
PUENTE DEL CAPRICHO - Pinaka matandang tulay; na
hindi natapos sa Majayjay,Laguna

You might also like