Ang Wika at Kultura-M.A

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

Ang Wika at

Kultura
Gleason WIKA
Isang masistemang balangkas
ng sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong
kabilang sa isang kultura.
Archibald A. Hill
Ang pangunahin at pinakaelaboreyt na
anyo ng simbolikong gawaing pantao.
Ang mga simbolong ito ay binubuo ng
mga tunog na nalilikha ng mga aparato
sa pagsasalita at isinasaayos sa mga
klase at patern na lumikha sa isang
komplikado at simitrikal na istruktura.
Barker at Barker 1993
Ikinukunekta ng wika ang nakaraan,
ang kasalukuyan at hinaharap.
Iniingatan nito ang ating kultura at mga
tradisyon.
Masasabi na sa pamamagitan ng wika ay
umuunlad tayo sa mga aspektong
intelekwal, sikolohikal at kultural.
JVP

Ang wika ay parang tubig,


ang hugis ng tubig ay kung
ano ang hugis ng sisidlan.
Ang sisidlan ng wika ay
bayan-taumbayan.
Ilan sa mga dalubwika
•Isang instrument ng komunikasyon

•Isang paraan ng pagpapaabot ng


kaisipan, kaalaman, impormasyon at
damdamin sa pamamagitan ng
pasalita o pasulat.
Ilan sa mga dalubwika
• Kabuuan ng mga sagisag ng panandang
binibigkas kasabay ang pagbasa
•Isang likas na makataong
pamamaraan sa paghahatid ng mga
kaisipan, damdamin at mga
hangarin.
Kalikasan ng Wika

a. Ang wika ay sinasalitang tunog.


b. Ang wika ay arbitraryo (Hutch, 1991)
c. Ang wika ay pinipili at isinasaayos
d. Ang wika ay pantao lamang
e. Ang wika ay para sa komunikasyon
f. Ang wika ay may antas o lebel
Antas ng Wika

PORMAL

IMPORMAL
Pampanitikan

- Itinuturing na pinakamataas na
antas sapagkat gumagamit ito ng
malalim, masisining at matatayog na
salita.
- Kadalasan itong ginagamit sa pagsulat
ng mga akdang pampanitikan.
Pambansa
- Ito ang pinakamalawak na ginagamit
na wika sapagkat ginagamit sa
pahayagan, pagpupulong, at maging
sa paaralan. Tinatawag din itong
wika ng mga edukado.
Lalawiganin
-Ginagamit sa isang particular
na lugar o pook na
kakikitaan ng kakanyahan ng
mga taong naninirahan dito.
Kolokyal
-Halos magkatulad sa
lalawiganin ngunit ditto ay
may pagpapaikli sa mga
salita tulad ng nasan para sa
nasaan, meron sa mayroon.
Balbal
-Ito ang itinuturing na
pinakamababang antas sapagkat
kadalasan itong hindi naayon o
sumusunod sa tuntunin ng
balarila o gramatika. Ito ang mga
salitang kalye.
Kalikasan ng Wika

g. Ang wika ay kapantay ng kultura.


h. Ang wika ay makapangyarihan.
i. Ang wika ay nagbabago
j. Ang wika ay masistemang
balangkas
Kalikasan ng Wika

k. Ang wika ay may pulitika.


l. Ang wika ay nanghihiram
m. Ang lahat ng wika ay pantay-
pantay.
Kahalagahan ng Wika

Ang wika ay napakahalaga sa


bawat tao. Hanggat ang tao ay
humihinga, siya ay
gumagamit ng wika.
Kahalagahan ng Wika
1. Naipapahayag ang ating mga
saloobin, kaalam o ideya
2. Nakatutulong sa paglutas ng
isang suliranin
3. Nalalaman ang kasaysayan ng
lahi o bansa
Kahalagahan ng Wika
4. Napapanatili ang isang mabuting
samahan o kapayapaan
5. Nagiging daan sa pagtuklas ng
bagong karunungan
6. Nagiging gabay sa pagtahak ng
isang panibagong bukas
Kahalagahan ng Wika
7. Daan sa pakikitungo o
pakikipagkapwa
8. Dito nasasalamin ang kultura,
kaisipan at sining ng isang lipi o lahi
Kaugnayan ng Wika at
Kultura
Ayon sa isang dalubhasa, kapantay ng
wika ang kultura.
Igorot
Canao – Pagkatay ng maraming baboy bilang
pasasalamat
Watwat – Tawag sa lutong karne ng kinatay
na hayop
Kaugnayan ng Wika at
Kultura
Maaring sa pamamagitan ng wika
ay maimpluwensyahan o mabago
ang pag-iisip o kilos ng mga tao o
tumutulong sa kooperasyon o
koordinasyon ng mga tao.
Kaugnayan ng Wika at
Kultura
Naisasalin natin ang mga
impormasyon mula sa isang tao
tungo sa isa pang grupo ng mga
tao na karaniwang sinusuklian
ng reaksiyon.
A B

-Tagapagsalita (A)
-Tagapakinig (B)

You might also like