Zaqueo ...........

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Lucas 19:1-10

Makamtan
ang Higit pa
sa Minimithi
Paano ba natin
Makakamtan ang
Higit pa sa Ating
Minimithi?
Gayahin
natin si
Zaqueo!!
Ano ba ang minimithi ni
Zaqueo?
Lucas 19:2-3
“May isang tao roong ang pangalan ay
Zaqueo, isang pinuno ng mga maniningil
ng buwis at siya'y mayaman. Sinikap
niyang makita si Jesus upang
makilala kung sino ito,”
Pero ano ba ang
nakamtan niya na higit pa
sa kanyang minimithi?
Lucas 19:9-10
“At sinabi sa kanya ni Jesus, “Ang
kaligtasan ay dumating ngayon sa
sambahayang ito sapagkat anak din ni
Abraham ang taong ito.”
Paano ba natin
makakamtan ang
higit pa sa ating
minimithi?
1. Gawin ang lahat ng paraan
upang makita at makilala lang si
Jesus.
Lucas 19:3
“ 
Sinikap niyang makita si Jesus upang
makilala kung sino ito, ngunit sa dami ng
tao, hindi niya ito makita dahil siya'y
pandak. Kaya't patakbo siyang nauna sa
dadaanan ni Jesus at umakyat sa isang
puno ng sikamoro.”
Filipos 3:10
“Ang tanging hangarin ko ngayon ay
lubusang makilala si Cristo,
maranasan ang kapangyarihan ng
kanyang muling pagkabuhay,
makibahagi sa kanyang mga
paghihirap, at maging katulad niya
sa kanyang kamatayan,”
2. Kainin natin ang ating
Pride.
Lucas 19:4
“Kaya't patakbo siyang nauna sa
dadaanan ni Jesus at umakyat sa
isang puno ng sikamoro.”
Santiago 4:6
“Ngunit ang Diyos ay nagbibigay
ng higit pang pagpapala. Kaya't
sinasabi ng kasulatan, “Ang
Diyos ay laban sa mga
mapagmataas ngunit
pinagpapala niya ang mga
mapagpakumbaba.”
3. Sundin kaagad ang utos
ni Jesus.
Lucas 19:6
“Pagtapat ni Jesus sa lugar na iyon,
tumingala siya kay Zaqueo at sinabi,
“Zaqueo, bumabâ ka agad sapagkat
kailangan kong tumuloy ngayon sa iyong
bahay. Nagmamadaling bumabâ si Zaqueo,
at tuwang-tuwang tinanggap si Jesus sa
kanyang bahay.”
Hebreo 3:15
“Ito nga ang sinasabi sa
kasulatan, “Kapag narinig ninyo
ngayon ang tinig ng Diyos,
huwag na ninyong patigasin ang
inyong mga puso, tulad noong
kayo'y maghimagsik sa Diyos.”
4. Tanggapin si Jesus nang
may kagalakan.
Lucas 19:6-7
“Nagmamadaling bumabâ si
Zaqueo, at tuwang-tuwang
tinanggap si Jesus sa kanyang
bahay.”
Pahayag 3:20
“Tingnan mo! Nakatayo ako
at kumakatok sa pintuan.
Kung diringgin ninuman ang
aking tinig at bubuksan ang
pinto, papasok ako at kakain
akong kasalo niya.”
5. Pahalagahan si Jesus at
ang kapwa nang higit kaysa
materyal na bagay.
Lucas 19:8
“Tumayo si Zaqueo at sinabi niya kay Jesus,
“Panginoon, ipamimigay ko po sa mga
mahihirap ang kalahati ng aking mga
kayamanan. At kung ako'y may nadayang
sinuman, isasauli ko ito sa kanya ng maka-
apat na beses.”
Lucas 16:9
“At nagpatuloy si Jesus sa
pagsasalita, “Kaya't sinasabi ko sa
inyo, gamitin ninyo ang kayamanan
ng mundong ito sa paggawa ng
mabuti sa inyong mga kapwa upang
kung maubos na iyon ay tanggapin
naman kayo sa tahanang walang
hanggan.
1 Juan 2:15-17
“Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang
mga bagay na nasa sanlibutan. Ang umiibig sa
sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama. Ang lahat
ng nasa sanlibutan, ang pagnanasa ng laman,
ang pagnanasa ng mga mata, at ang
pagmamalaki sa buhay na ito ay hindi
nagmumula sa Ama kundi sa
sanlibutan. Mawawala ang sanlibutan at ang
lahat ng mga bagay na pinagnanasaan ng mga
tao, ngunit ang mga sumusunod sa kalooban
ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman.
Lucas 12:15
“At sinabi niya sa kanilang
lahat, “Mag-ingat kayo sa
lahat ng uri ng kasakiman;
sapagkat ang buhay ng tao ay
wala sa dami ng kanyang
kayamanan.”
Mateo 16:26
“Sapagkat ano ba ang mapapala
ng isang tao makamtan man niya
ang buong daigdig, ngunit
mapapahamak naman ang
kanyang sarili? Ano ang
maibibigay ng isang tao kapalit
ng kanyang buhay?”
At nakamtan ni
Zaqueo ang higit pa
sa kanyang
minimithi!!
Lucas 19:9-10
“At sinabi sa kanya ni Jesus, “Ang
kaligtasan ay dumating ngayon sa
sambahayang ito sapagkat anak
din ni Abraham ang taong
ito. Ang Anak ng Tao ay naparito
upang hanapin at iligtas ang
naligaw.”

You might also like