Batayang Kaalaman Sa Pag-Aaral NG Panitikan

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 56

BATAYANG

KAALAMAN
SA
PANITIKAN
4 PICS
1 WORD
N I P A K A T I N

P A N I T I K A N
O N A K A R E M I

A M E R I K A N O
LASAKTI

K A S T I L A
O P H N A

H A P O N
T A L S U A P

P A S U L A T
Ang panitikan ay nagsasabi o
nagpapahayag ng mga kaisipan, mga
damdamin, mga karanasan, hangarin at
diwa ng mga tao. At ito rin ang
pinakapayak na paglalarawan lalo na sa
pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
•Talaan ng buhay ang panitikan sapagkat
dito isinisiwalat ng tao sa malikhaing
paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang
buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na
kanyang kinabibilangan at pinapangarap.
Arogante (1983)
Ang panitikan ang siyang lakas na
nagpapakilos sa alinmang uri ng
lipunan.
Salazar (1995:2)
Isa rin itong pinakamabisang sangkap  sa
isang bansa upang malaman ang 
pagkakakilanlan ng kakanyahan o 
identidad nito.
May tungkulin o papel na ginagampanan ang  panitikan sa
kultura at kasaysayan (Cruz at  Reyes, 1984: 1-2):
• 1. Maaring ito’y isang likhang-isip, isang  bunga ng
pagsasanib ng imahinasyon ng  manunulat at ng
maraming bagay – ang  panlabas na realidad, ang
kinabibilangan  niyang sistema, ang pangkalahatang 
pananaw ng komunidad, ang sistema ng sining,  at ang
wikang ginagamit.
2. Maaaring sinasalamin ng  panitikan ang mga
karanasan ng  indibidwal at ng kanyang lipunan.
Sa  madaling sabi, ang isang akda ay  nagiging
repleksyon ng mga  karanasan ng mga
mamamayan  gayundin ng mga pangyayari sa 
kasaysayan. Nabanggit ng ni Alip  (1974) na ang
panitikan ay ang  paglalarawan ng tunay na 
pangyayari sa isang bansa at ng  katotohanan.
•Malawak ang nasasakupan ng  panitikan.
Naaaninaw nito ang  kapaligiran at mga
pangyayaring  nagaganap sa nasabing
kapaligiran.  (Angelina Santos ng MSU-
IIT, (1958:  36-37)
Walang tinatago ang panitikan, kahit  ang
pinakapangit na bahagi ng mundo  ay tinatalakay
nito, lahat ay pinapaksa.  Ang lahat-lahat sa
sandaigdigan ay  walang nakakaligtas, hanggang
sa  ganap nating maunawaan ang mga  pangyayari
sa ating buhay at  pangyayaring nagaganap sa
ating mundo.
Binigyan din nina Luz de la Concha at  Lamberto
Ma. Gabriel (1978:XIV) ng  katuturan ang
panitikan bilang salamin ng  lahi, kabuuan ng mga
karansan ng isang  bansa, kaugalian, paniniwala,
pamahiin,  kaisipan, at pangarap ng isang lahi na 
ipinahahayag gamit ang piling salita sa  isang
maganda at masining na paraan,  nakasulat man o
hindi.
Ayon pa rin kay Jose Villa Panganiban 
(1954:1), ang paraan ng pagpapahayag ay 
iniaayos sa iba’t-ibang karanasan at
lagay  ng kalooban at kaluluwa na
nababalot ng  pag-ibig o pagkapoot,
ligaya o lungkot,  pag-asa o pangamba.
KATANGIAN
ng
PANITIKAN
1. Isang anyo ng pagpapahayag ng tao na
binubuo ng maayos at masining na
pagtitipun-tipon ng mga salita, sa tula o
tuluyan man na ginagamitan ng
imahinasyon.
2. Isang matibay at panghabang
panahong pagpapahayag ng mahalagang
karanasan ng tao sa mga salitang
mahusay na pinili at isinaayos.
Paraan ng
Pagpapahayag ng
Panitikan
1. Pagsasalaysay
kung nais magpakita ng pagkakaugnay-
ugnay ng mga pangyayari.
2. Paglalahad
kung nais magpaliwanag.
3. Paglalarawan
-kung nais magpahiwatig ng hitsura, anyo,
lagay, hugis, kulay, at iba pa.
4. Pagangatwiran
kung nais magpaniwala, manghikayat, o
mag-paganap.
PANITIKANG FILIPINO
Ang panitikang Filipino ay pahayag na
pasalita o pasulat ng mga damdaming
Pilipino tungkol sa pamumuhay, pag-
uugaling panlipunan, paniniwalang
pampulitika, at pananampalatayang
niyakap ng mga Pilipino.
Dahilan sa Pag-aaral
Ng
Panitikang Pilipino
1. Upang makilala ang kalinangang Pilipino,
malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan
at taglay na katalinuhan ng lahing ating
pinagmulan.
2. Upang matalos natin na tayo’y may marangal at
dakilang tradisyon na nagsilbing patnubay sa
mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang
nanggaling sa iba’t ibang mga bansa.
3. Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa
ating panitikan at makapagsanay upang
maiwasto ang mga ito.
4. Upang malaman na ang ating mga
kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito
ay mapagbuti at mapaunlad.
5. Bilang mga Pilipinong mapagmahal at
mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay
dapat nating pag-aralan ang ating
panitikan.  Tayo higit kanino man ang dapat
magpahalaga sa sariling atin.
MGA AKDANG PAMPANITIKAN NA
NAGPAPAKILALA NG KASAYSAYAN
AT KALINANGAN NG BANSANG
PINANGGALINGAN
• Ang panitikan ay may malaking impluwensya
sa daigdig. Sa iba’t ibang panig nito, may
matutukoy na isa o ilang tanging akda na
naghatid ng malaking impluwensya sa
kultura, tradisyon, paniniwala, pamumuhay
at kabihasnan ng tao. Ilan sa mga ito ay ang
mga sumusunod:
• Banal na Kasulatan o Bibliya- ang naging
pinakabatayan ng paniniwalang Kristiyano sa
buong daigdig.
• Koran mula sa Arabia- ang pinakabibliya ng mga
Muslim
• Illiad at Oddysey ni Homer- kinatutuhanan ng
mga mitolohiya at alamat sa Gresya.
• Mahabharata- tumatalakay sa kasaysayan ng
pananampalataya sa Indiya. Ipinalalagay itong
pinakamahabang epiko sa buong daigdig.
• Centerbury Tales ni Chaucer- naglalarawan ng
pananampalataya at pag- uugali ng mga Ingles noong unang
panahon.
• Uncle Tom’s Cabins ni Harriet Beecher Stowe- nagbukas
sa mga mata ng Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at
nagsimula ng paglaganap ng demokrasya sa buong daigdig.
• Divine Comedia ni Dante- nagpapahayag ng
moralidad, pananampalataya at pag- uugali ng mga
Italyano noong unang panahon.
• El Cid Compeador- naglalarawan sa katangiang
panlipi ng ng mga Kastila at kasaysayan ng Espanya.
• Isang Libo at Isang Gabi- akdang nagmula sa
Arabya at Persya. Naglarawan ito ng pamahalaan,
kabuhyan at lipunan ng mga Arabo at Persyano.
• Aklat ng mga Araw ni Confucius- naging batayan
ng pananampalataya ng mga Intsik.
• Aklat ng mga Patay- naglalarawan ng mga kulto ni
Osiris at tumatalakay sa mitolohiya at teolohiya ng
Ehipto.
• Awit ni Rolando- kinapapalooban ito ng Doce Pares
at Roncesvalles ng Pransya. Isinasalaysay dito ang
gintong panahon ng Kristianismo sa Pransya.
MGA PANAHON NG
PANITIKANG FILIPINO
Panahon ng Katutubo (bago mag ika-16 na
siglo)
• Pasaling-bibig lamang ang panitikan sa panahong ito at may
impluwensiyang kaisipang Malayo-lndonisyo. Ang panitikan ng
panahong ito ay nasa anyo ng alamat, kuwentong-bayan,
kantahingbayan, epiko, at mga karunungang-bayan.
Ibang Panahon ng mga Kastila (1565-1898)
• Naging panrelihiyon ang paksa ng panitikan ng panahon ng
mga Kastila. Ang layunin ng panitikan sa panahong ito ay
ang palaganapin ang Kristiyanismo. Karamihan ng mga
akda ay isinulat ng mga prayle. Ito ay panahon ng
panunulat at pagkabaguhan sa kaisipang kanluranin.
Panahon ng Propaganda at
Himagsikan Laban sa mga Kastila
(1872-1898)
• Naging makabayan at mapanghimagsik ang
panitikan sa panahong ito.
Panahon ng mga Amerikano
(1899-1941)
• Ang panitikang Filipino sa panahong ito ay may
impluwensya ng kaisipang demokratiko.
Panahon ng Hapones (1942-1945)
• Nakilala sa panahong ito ang malayang tula. Tinularan
ng ilang makatang Pilipino ang tulang Hapon na hoccu o
haiku. Pagpapaimbabaw at pagdagsa ng henyong
pampanitikan ang nangyari sa panahong ito.
Panahon ng Bagong Kalayaan
(Simula 1946)
• Naging masiglang muli ang panitikan sa panahong
ito pagkatapos ng liberasyon ng Pilipinas.
Maraming manunulat ang nagsisulat sa mga
wikang Filipino at Ingles.
Panahon ng Aktibismo (Dekada
'70)
• Sa panahong ito'y naging maiinit ang paksa
ng panitikan, na kinapalooban ng mga tinig at
titik ng protesta o paglaban sa pamahalaan
o awtoridad.
Panahon ng Bagong Lipunan
(1972-1986)
• Sikil ang mga panulat sa panahong ito. Limitado
ang mga paksang matatalakay. Ang mga
manunulat ay hindi malayang magpahayag ng mga
sariling damdamin at kanilang mga kaisipan.
•Panahon ng Bagong Demokrasya
(Simula 1986)
• Sumigla ang pamamahayag. Malaya ang mga
mamamahayag at mga mamamayan na tumalakay
at tumuligsa sa mga pangyayari sa bayan.
Nagsimula ito sa isang mapayapang rebolusyon
na humantong sa pagsigla ng panitikan sa iba't
ibang larangan.

You might also like