Mga Uri NG Taludturan

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Elemento

ng Tula
- ong + -o

+ - lay +

-osa
= TALUDTURAN
Mga Uri ng
Taludturan
Kapag ang taludtod ng
isang tula ay pinangkat-
pangkat ayon sa
pinagkaugalian nang ayos,
ang bawat pangkat na ito
ay tinatawag na taludturan.
Ayon sa aklat na Panulaang Tagalog ni Jose Villa
Panganiban, may iba’t-ibang tawag sa taludturan
depende sa dami ng taludtod na bumubuo rito.

1.Kopla
Ito ang tawag kapag ang taludtod ay
pinangkat sa dalawahan.
Ang tula ni Teodoro Agoncillo na may pamagat
na “Republikang Basahan” ay nasusulat sa
ganitong ayos.
Republika ba itong busabos ka ng dayuhan?
Ang tingin sa tanikala’y busilak na kalayaan.

Kalayaan! Republika! Ang bayani’y dinudusta


Kalayaan pala itong namatay nang abang-aba
2. Triplet
Kung ang taludturan ay binubuo ng
tatlong taludtod. Ang tula ni
Panganiban sa kanyang Sining na
Panulaan na may pamagat na
“Kalooban” ay isang magandang
halimbawa.
Aninong maitim sa mukhang araw,
Tabing na pansangga sa ngiti ng buhay
Palagay ko’y ganyang pag may kalungkutan.

Malawak na laot na sakmal ng dilim


Mabigat na pataw na nagdudumiin,
Ganyan ang damdamin ko kapag may panimdim.
3. Quatrain
Ito ay taludturang may apat na
taludtod. Ito ang karaniwang anyong
taludturan sa panulaang
Tagalog.Mainam na halimbawa nito
ang tula ni Amado V. Hernandez na
may pamagat na ”Mahatma Gandhi”.
Mapalad ang India’t may Mahatma…
Ikaw, Pilipinas, saan ka pupunta?
Dito ang banyaga’y siyang sinasamba
At ang katutubo’y kuskusan ng paa!
4. May mga taludturang binubuo ng limang
taludtod, gaya ng halimbawa sa ibaba:

Kung may isang ibong tuwing takip-silim


Nilalapitan ka at titingin-tingin
Kung sa iyong silid nasok na magiliw
At ika’y awitan sa gabing malalim;
Ako iyan,giliw!
(J.C.de Jesus – “Kahit Saan”
5. Sextet
Ito ang tawag sa taludturang may
anim na taludtod

6. Soneto
Ito naman ay tulang binubuo ng
labing-apat na taludtod
Uri ng Tula Batay sa Kayarian ng
Taludturan
1.May sukat - May
tugmang taludturan
Ang tugmaan sa hulihan ng taludtod ay
maaaring:
a-a-a-a magkakatugma ang huling mga
pantig sa apat na taludtod ng isang
saknong
a-b-a-b magkatugma ang una at
ikatlong taludtod, at magkatugma
naman ang ikalawa at ikaapat na
taludtod
a-b-b-a magkatugma ang una at ikaapat
na taludtod, at magkatugma naman
ang ikalawa at ikatlong taludtod
a-a-b-b magkatugma ang unang
dalawang taludtod,magkatugma naman
ang huling dalawang taludtod
Sa mga salitang ang huling pantig ay may
patinig, ang magkakasintunog ay ang mga
sumusunod:
ab, ak, ad, ag, ap, as,at
ib, ik, id, ig, is, it
ob, ok, od, og, op, os, ot
an, al, am, ar, aw, ay, ang
in, il, im, ir, iw, ing
on, ol, om, or, oy, ong
2. Malayang taludturan
(Free Verse)
Ang ganitong uring tula ay karaniwang
walang aliw-iw, walang tugma, at
walang tiyak na sukat sa halip na
tuwiran ang pagsasatitik ng mga
kaisipang malayang dumadaloy sa
diwa ng isang makata
Halimbawa:

Nagputik
ng ilog
sa lamuan
sa ulo ng lupang tibag
sa masamang sukal

- “Buhangin” ni Aniceto F. Silvestre


3. Di-tugmaang
taludturan (Blank
Verse)
Ayon kay Jose Villa Panganiban,
ito ay naging popular sa Inglatera
mula noong 1557. Ito ay tulang
may sukat subalit walang tugma.
Bakit mahalagang pag-aralan
muna ang tulang tradisyonal bago
pumalaot sa pagbasa at pagsulat
ng makabagong tula?

Ano ang natutunan mo sa ating


aralin?
Panuto:Tukuyin kung ano ang
tinutukoy ng bawat pahayag.

1. Isang akdang pampanitikang


naglalarawan ng buhay, hinango sa
guniguni, pinararating sa ating
damdamin, at ipinahahayag sa
pananalitang may angking aliw-iw.
2. Elemento ng tula na nagtataglay
ng pare-parehong tunog sa dulo ng
mga panghuling salita ng taludtod.
3. Uring taludturan na binubuo ng
tatlong taludtod.
4. Kayarian ng taludturan na
tinatawag sa Ingles na free verse.
5. Saglit na tigil sa pagbasa o
pagbigkas sa kalagitnaan ng bawat
taludtod.
Mga Sagot:
1. tula
2. tugma
3. triplet
4. malayang taludturan
5. sersura
Takdang- Aralin
Manood sa YouTube o Internet
ng isang tulang binigkas ng
kabataan sa kasalukuyan. Isulat ang
tula at suriin kung paano ito
binigkas.

You might also like