Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Pagsagot sa mga Tanong Tungkol

sa Napakinggang Kuwento
F6PN-Ia-g-3.1
Panimulang Gawain

• A. Pagbabaybay
• B.Pamimilipit-dila
• Dinala ni Dada ang mabigat na
dala-dala ni lola at inilagay
niya ang dala sa lalagyang
dala-dala niya.
Saan ginagamit ang mga sumusunod?
• Nasubukan nyo na bang magbalsa sa ilog?
• May natatangi ba kayong karanasan sa
pamamangka sa ilog? Ibahagi sa klase

Narinig nyo na ba ang kuwento tungkol sa


pagpunta ni Juan Tamad sa ilog kasama ang
kanyang mga kaibigan?
Basahin ang mga sumusunod na salita

• magkarerahan • sagwan
• nakakakilabot • balsa
• bumalikwas • bungad
• kumalas • nagsisisi
• kumaripas • inabutan
• Pagbibigay pamantayan sa pakikinig
• Pagbasa ng guro sa kuwentong “ Juan Tamad”
na halaw sa Misosa Module (IV) p. 7-8
JUAN TAMAD
Isang araw, nagtungo sa ilog si Juan Tamad
at ang kanyang mga kaibigan. Ang ilog ay
umaagos pababa. Karaniwang naglalaro ng
mga bangkang papel ang mga bata sa mababaw
na bahagi ng ilog. Tuwang-tuwa sila sa
pagbabantay kung kaninong bangka ang
pinakamabilis. Nakatuwaan ng mga bata na
gumawa ng kani-kaniyang balsa na yari sa
pinagtabi-tabing katawan ng puno ng saging
Nagtungo sila sa malalim na bahagi ng ilog
at doon nagsimulang magkarerahan. Ang iba
ay gumamit ng tukod bilang sagwan. Lahat
sila ay gustong manalo. Si Juan Tamad?
Naku, nahiga siya sa balsa. Tinawanan niya
ang mga kaibigan nang makita silang
nagpapakahirap sa pagsagwan. at si Juan ay
nagsimulang matulog. Tinulungan ng tatlong
bata ang kanilang balsa upang mabilis na
makarating sa takdang lugar
Ang balsa naman ni Juan ay
umayon lamang sa agos ng ilog.
Hindi namalayan ni Juan na ang
balsa niya ay naharang ng mga
sanga ng kawayan at natigil sa gilid.
Alam ng mga kaibigan na mahuhuli si
Juan ng dating sa kanilang tagpuan
pagkat di ito gumamit ng sagwan.
Hindi nila inalam kung nakarating ito o
hindi. Umalis na sila.
• Tungkol saaan ang napakinggang
kuwento?
• Sino-sino ang tauhan sa napakinggang
kuwento?
• Saan nagpunta ang magkaibigan?
• Ano ang ginawa nila sa kanilang
pinuntahan? Ano ang ginawa ni Juan?
• Ano ang ginawa ng kaniyang mga
kaibigan?
• Ano ang nangyari kay Juan?
• Anong bahagi ang nagustuhan mo sa
kuwentong napakinggan? Bigyang-
katwiran ang sagot na ibibigay.

•Ano ang natutuhan mo sa kuwentong


napakinggan? Paano mo ito
maisasabuhay?

You might also like