Rizal ang unang pag-ibig. Siya ang dalagitang si SEGUNDA KATIGBAK na taga Lipa-Batangas. Nakilala nya si Segunda Katigbak nang minsang dumalaw si Rizal sa kanyang Lola sa Troso. Bwan ng Disyembre 1877. Si Rizal ay kilala ng mga panauhin bilang isang mahusay gumuhit kaya nahiligan nyang iguhit ang larawan ni Segunda na kanya naman pinaunlakan. Iyon ang simula ng kanilang matamis na pag iibigan. Ngunit pinigilan ni Rizal ang knyang sarili dahil alam nyang naipangako na sa ibang lalaki , At iyon ay si Manuel Luz. LEONOR “ORANG” VALENZUELA Nang ikalawang taon niya sa UST ay nakilala nya si Leonor na kapit- bahay ng may ari ng bahay na tinutuluyan ni Rizal na si Doña Concha Leyva. Si Leonor ay anak nina kapitan Juan at kapitana Sanday sa Valenzuela.Sila ay nagpalitan ng sulat na ang tintang ginagamit ay tubig at asin at kung hndi isasalab sa apoy ang papel ay hindi mababasa o makikita ang sulat. Hindi din nagtagal ang kanilang pag iibigan at nagturingan silang magkaibigan na lamang. LEONOR “LUNTIAN” RIVERA Ang pangalawang Leonor sa buhay ni Rizal. Nagtagpo ang landas ni Rizal at ni Leonor Rivera nang ipagsama ni Paciano ang kanyang kapatid sa bahay ng kanyang tiyo na si Antonio Rivera na siyang ama ni Leonor. Ang pagmamahalan sa isa’t isa ay naramdaman nila nang masugatan si RIzal sa isang pag-aaway ng mga estudyante sa UST at ito’y ginamot ni Leonor. Matagal nagkawalay ang dalawa nang nagtungo si Rizal sa Madrid. Ikinasal kay Henry Kipping si leonor Rivera noong June, 17, 1891 dahil sa kagustuhan ng ina. Namatay sa panganganak si Leonor Rivera noong Agosto, 28, 1893 ngunit may sinasabing namatay din siya dahil sa kalungkutan.. ILANG TALA UKOL SA “SANGGUNIAN NG MGA DIYOSES” Ang dulang ito na pinamagatang “El Consejo de los Dioses” ang nagtamo ng unang gantimpala sa isang timpalak pampanitikan g idinaos ng Liceo Artisteco-Literario noong 1880.
“El Consejo de los Dioses”
Isang dula na isinulat sa Wikang
Espanyol ng isang manunulat na si Jose
Rizal. BUOD NG DULA : Si Jupiter, na pinuno ng mga Diyos na Romano ay nagpaplanong mamahagi ng tatlong engrandeng regalo. (isang ginintuang lira, isang trumpeta, at isang gintong korona na gawa sa laurel) na nilikha ni Vulcan sa isang mortal na naging pinakamahusay sa larangan ng panitikan. Minungkahi ng asawa ni Jupiter, na si Juno si Homer na may-akda ng Illiad. Samatalang minungkahi naman ni Venus ang diyosa ng kagandahan si Virgil na may-akda ng Aeneis. Gayundun minungkahi ni Minerva, na diyosa ng karunungan, si Cervantes na may-akda ng Don Quixote. Dahil sa hindi pagkakasundo, ginusto pa ng mga ibang diyos na lumaban ngunit pinigilan sila ni Jupiter sa pagtawag nito kay Justice (isang diyosa na wala sa orihinal na mitolohiyang Romano at nilikha lámang ni Rizal para sa alegoryang ito) para timbangin ang mga sirkunstansiya nang walang pagkiling gamit ang kaniyang timbangan. Tinimbang niya ang Illiad at Aeneis at nakitang pantay lamang ang mga ito. Gayundin ang Don Quixote. Dahil dito, nagpasya si Jupiter na ibigay na lámang ang mga regalo sa tatlo. Ang lira kay Virgil, ang trumpeta kay Homer, at ang korona kay Cervantes. ILANG BAGAY UKOL SA KATAUHAN NG MGA DIYOSES AT DIYOSAS: Jupiter – ang kinikilalang nakapangyayari sa lahat, sa Olimpo o kalangitan at gayundin sa lupa. Juno- isang diyosang Romano na asawa ni Jupiter. Palas o Minerva- ang diyosa ng karunungan. Saturno- ang pinalalagay ng Romanong taga pag ingat ng binhi. Venus- ang diyosa ng pag ibig at kagandahan. Cupido- ang diyos ng pag ibig, na kinakawan ng isang batang may pakpak may dalang busog at pana. Mercurio- ang utusang kapalagayang loob ni Jupiter na may pakpak sa sapatos kaya mabilis. Neptuno- diyos ng karagatan. Vulcano- Taga gawa ni Jupiter ng mga kasangkapan niyang panunumpa na pandigma gaya ng kidlat at lintik. Hebe- isa sa mga pangalawang diyus- diyosan. Ganimedes- isa rin sa mga pangalawang diyus- diyosan na taga pag alaga ng mga agila at iba pang hayop na may pakpak. Momo- diyos ng katatawanan. Marte- diyos ng digmaan. Belona- kaibigan at kakampi ni Marte na mandirigma din. Ondinas-mga babaeng namumuhay din naglalaro at nagsasayaw sa tubigan. Naydes- mga babaeng singaw ng tubigan. Ang dula ay nanalo ng unang parangal sa isang 1880-1881 na pampanitikang patimpalak na gumunita sa kamatayan ni Cervantes na tinaguyod ng Liceo Artistico Literario de Mali. “Con el recuerdo del pasado entro en el porvenir” (“Sinasalubong ko ang hinaharap nang may paggunita sa nakaraan"), ang naging epigrap ni Rizal sa parangal. PASYANG MANGIBANG-BAYAN
Nasa ikaapat na taon sa pag aaral si Rizal ng kursong
Medisina nang mabuo sa kanyang isipan na tapusin na lamang nya ang pagmemedisina sa Madrid. Suportado ng ama ni Leonor na si Paciano. Dahilan din ng kagustuhan nyang makatapos ng pag memedisina ay para magamot nya ang mga mata ng kanyang ina.
Hangarin rin niyang masaksihan at mapag aralan ang
katayuan ng kanyang bayan sa bayan ng Europa. Gusto nyang mapag aralan ang mga dahilan ng kanser dito sa Pilipinas at pagkatapos ay iisip sya ng paraan kung paano maipababatid sa ating bansa at sa pamahalaang kastila ang pagbabagong kakailanganin ng ating bansa. Ang pag alis ni Jose Rizal ay ginawa nyang lihim. Hindi nya ito pinaalam sa kanyang magulang lalo na sa kanyang ina. Ang ilang malalapit na kaibigan ni Jose ang naglakad ng pasaporte nya. Ang mga Hestwitang pari ay nagpadala ng liham ng rekomendasyon sa mga miyembro ng kapisanan sa Barcelona.
Nakagawa si Jose ng liham na pamamaalam sa
kanyang mga magulang na may nakapaloob na paghingi ng tawad dahil sa kanyang pag lilihim At sa kanyang kasintahan na si Leonor Rivera na ginawan niya ng tulang pamamaalam.