Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 37

ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK

may layunin kaalaman

sistematiko

kontrolado pag-aaral
kritikal
Ang PANANALIKSIK ay isang sistematikong
pamamaraan upang makahanap ng kaalaman. Isa
itong uri ng pag-aaral at pag-iimbestiga na may
layuning makakalap ng mga bagong ideya at
kaalaman ukol sa mga bagay-bagay sa lipunan at
kapaligiran (Simbulan, 2006).
1| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK
Ano ang proposal sa isang
pananaliksik?

2| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK


1Isa sa pangunahing hakbang sa pagsasagawa ng
pananaliksik ay ang paggawa ng proposal sa
pananaliksik. Ito ang nagsisilbing panimula. Ang
research proposal ay nagsasaad ng inisyal na plano ng
pananaliksik (Sipi ni Simbulan kay Krathuol 1988:13).

3| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK


2Naglalaman ang proposal sa pananaliksik ng unang pagsusuri
na ginawa bago tumungo sa proseso ng pangangalap ng
impormasyon tulad ng pakikipanayam, pagbibigay ng sarbey,
at iba pang pamamaraan na gagamitin ng taong magsusuri.
Samakatuwid, ang proposal sa pananaliksik ay introduksyon
ng iyong pananaliksik na gagawin.

4| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK


3
Sa unang proseso, maaaring kumuha ng impormasyon
mula sa mga libro, dyornal, at iba pang mga babasahin.

5| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK


4 [Samakatwid] ang proposal ay nakalahad na plano ng
gagawing pag-aaral o pananaliksik. Ipinapaliwanag dito ang
kabuuang proseso ng gagawing pag-aaral at saliksik mula
sa problemang kakaharapin, mga metodong pinaplanong
gawin, hanggang sa pag-aanalisa sa mga datos na
makukuha. Ito ang nagbibigay ng gabay sa mananaliksik
upang maisakatuparan nang mas madali ang isang pag-aaral.
6| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK
• Mga Bahagi ng Proposal na Pananaliksik •

7| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK


1. Pamagat o Titulo ng Pananaliksik –
ang tumatayong tagapagkilala ng napiling paksa. Tumutukoy
ito sa gawaing pampananaliksik at nagpapahayag sa
mambabasa kung tungkol saan ang pag-aaral. Kinakailangang
maikli at komprehensibo ang titulo, lalamanin lamang ng mga
labinlimang salita kasama ang mga baryabols ng pag-aaral,
populasyon at disenyo ng pananaliksik na gagamitin.  

8| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK


9| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK
2. Introduksyon o Panimula/Rasyonal -
nagsisilbi itong preliminaryong bahagi na siyang nagbubukas
sa usapin ng papel. Kabilang dito ang paglalahad ng suliranin,
tinatalakay dito ang pangangailangan sa pagsasagawa ng pag-
aaral, ang kahalagahan at lawak ng problema. Maaari itong
lamanin ng mga salik na dokumentong may mahalagang
gagampanan sa paghubog ng papel (istatistikal,
dokumentaryo).
10| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK
Saklaw at Limitasyon –
ipinaliliwanag nito ang sakop o pokus ng

pag-aaral maging ang kakulangan nito.

11| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK


12| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK
3. Paglalahad ng Layunin -
layunin nitong sagutin ang mahusay ang problemang nabuo.
Inilalahad dito ang indikasyon ng mga mahahalagang variables
na dapat bigyan-pansin, ang uri ng disenyo para sa pamamaraan
ng pananaliksik, uri ng datos na kinakailangang makolekta.

Makatutulong ang paglalahad ng layunin sa pagpaplano ng


pag-aanalisa ng mga resulta.

13| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK


• dalawang bahagi ng layunin •

14| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK


Pangkalahatang Layunin - ang inaasahang
makamit ng papel na naglalaman ng
pangunahing layunin ng pananaliksik.

15| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK


Tiyak na Layunin – mga pangungusap na
maglalaman ng espesipikong bahagi ng pag-aaral.

16| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK


4. Rebyu ng Kaugnay na Pag-aaral at
Literatura –
bahagi ng proposal kung saan binabanggit nito
ang mga pormal na literature sa mga
publikasyong lokal at internasyunal, personal na
komunikasyon at mga babasahing hindi
sumailalim sa prosesong publikasyon.

17| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK


Ipinapakita [rin] nito ang mga maaaring naging
pagkukulang ng mga nakaraang pag-aaral.
Pinagtitibay rin nito sa ginagawang pananaliksik dahil
na rin sa tinatawag na “information gap”, kakulangan
ng sapat na datos na maaaring bigyan ng halaga at
impormasyon ng kasalukuyang pananaliksik.

18| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK


19| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK
5. Metodolohiya -

binabanggit dito ang mga pamamaraan at


mga proseso ng pangangalap ng
kinakailangang datos.

20| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK


Nakapaloob ang disenyo ng pananaliksik, kung saan tinitiyak
ang sistematikanong plano ng pagsasagawa ng pangangalap
ng datos; populasyon ng pag-aaral, kung saan inaalam ang
partikular na grupo o sector ng pag-aaral; sampling, kung ilan,
gaano karami at papaano isasagawa ang pagpili ng sample .

21| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK


22| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK
WordPlay: Gamit ang mga salitang nasa kahon, sa loob ng 2 hanggang 3 pangungusap, muling bigyang
depinisyon ang bahagi ng proposal sa pananaliksik na ating tinalakay. Isulat ang inyong sagot sa
ibinahaging manila paper ng guro. Sundin ang format sa ibaba.

Halimbawa:
Panukalang Pamagat: Bahagi ng proposal sa pananaliksik
na binubuo ng labinlimang salita na naglalagom at/o
sasalamin sa kabuoan ng isasagawang pag-aaral.

23| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK


• rasyonal•

24| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK


• tiyak na layunin •

25| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK


• pangkalahatang layunin •

26| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK


• kaugnay na pag-aaral at
literatura •

27| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK


• metodolohiya •

28| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK


PANUTO: Magtala ng tatlong paksa na sa palagay
ninyo ay nais ninyong gawan ng pananaliksik. Pagkatapos,

punuan ng hinihinging impormasyon ang talahanayan na


may kinalaman sa paksang napili.
PANGALAN: __________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
     
Paksa
     
Bakit ito ang paksang nais pag-aralan?
     
Pangunahing Layunin
     
Tiyak na Layunin
     
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

     
Inaasahang bunga/kalalabasan ng
gagawing pag-aaral

29| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK


PANUTO: Magsaliksik ng 5 hanggang 8 jornal, libro, literatura o saliksik (tesis) na maaaring makatulong sa
pagbuo ng inyong napipisil na pag-aaral. Isulat sa inyong notbuk ang lagom ng bawat tekstong nabasa. Huwag
kalilimutang isulat sa wastong format (APA) ang sanggunian.
 

30| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK


1| ANG PROPOSAL SA PANANALIKSIK

You might also like