Uri NG Pamahalaan NG Sinaunang Pilipino

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

Uri ng

Pamahalaan ng
Sinaunang Pilipino
Layunin

•Nakikilala ang uri


ng pamahalaan ng
mga sinaunang
Pilipino.
Balitaan

•Magbalitaan tungkol sa
pangyayaring nagaganap
sa pamahalaan sa inyong
Barangay o sa ating
bansa.
Balik-aral
1-2. Sa pagdating ng mga Katila, ang Pilipinas ay naging kolonya ng
_________________. Ito ay inilagay sa ilalim ng kapamgyarihan ng
______________________________________.
3. Ang pinakamataas na pinuno ng pamahalaan sa bansa noon ay ang
_________________. Encomiendero Pueblo Alcalde Encomienda
Cabeza de Barangay Hari ng Espanya Gobernadorcillo Gobernador –
Heneral Ayuntamiento Sanggunian ng mga India o consejo de las Indias
4-5. Nang unang mapasailalim ng mga Kastila ang Pilipinas, hinati-hati
nila ito sa lalawigan na tinawag na ____________. Ito ay pinamahalaan
ng ___________________.
6-7. Ang bawat lalawigan ay binubuo ng mga bayan na tinatawag na
_____________ at pinamumunuan ng _______________
8. Ang baryo ay nasa pamunuan ng ______________________.
9. Nagtatag din lungsod sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas. Ito ay may
pamahalaang tinatawag na ___________________.
10. Ang pinuno ng lungsod ay tinatawag__________________.
Pagganyak

“Four Pics in a Word”


“Buuin ang mga Salita”
Panuto: Isa-isahin ang mga sumusunod:
Pagsusuri
• Mula sa mga gawain na ating ginawa at
pinag-aralan paano ninyo ilalarawan ang uri
ng
• Pamahalaan ng Sinaunang Pilipino?
• Sino-sino ang namamahala dito? Ibigay ang
kanilang mga tungkulin.
• Ano-ano naman ang tawag sa mga katulong
nila sa pamamahala at ano ang tulong na
kanilang ibinibigay?
• Sa inyong palagay alin sa
dalawang sistema ng
pamamahala ang epektibo?
Ipaliwanag ang inyong sagot.
• Paghambingin ang sistema
ng hustisyang umiiral noon at
ngayon.
• Dalawa ang sistema ng
pamahalaan ng mga ating
ninuno.
• Ito ang Pamahalaang
Barangay
• at Pamahalaang Sultanato.
• Ang pamahalaang barangay ay nagmula
sa salitang balanghay o balanghai na
tawag sa mga sasakyang-pandagat ng
mga Malay. Ang isang barangay ay
binubuo ng 30
hanggang 100 na pamilya. Datu, gat,
raha, o lakan ang tawag sa pinuno ng
isang
barangay. Meron din siyang katulong sa
pamumuno ng isang barangay.
• Ito ang konseho ng
matatanda nanagsisilbing tagapayo ng datu sa
paggawa ng batas at ang umalohokan ang
nagsisilbing tagapagbalita ng barangay kapag
may bagong batas na napasa ang datu.
Nagkakaroon ng seremonya kung nakipagsundo
ang isang datu sa isa pang datu.
Isinasagawa nila ang sanduguan o kasi-kasi,
ang sanduguan ay ang paghiwa ng bisig at
papatakan ng dugo ang kanilang alak at sabay
na iinom.
• Ang pamahalaang sultanato ay itinatatag ni
Shariff Abu Bakr sa Pilipinas. Sinusunod
nila ang mga aral ni Propeta
Mohammed.Nanggaling ang pamahalaang ito
sa Saudi
Arabia. Sultan ang tawag sa pinuno nito.
Meron din siyang mga katulong; Ruma Bichara
na
isang grupo ng mayayamang datu ng sultanato,
sila rin ang tagapayo ng sultan sa isang
proyekto o sa pagggawa ng batas.;
• Qadi o Kadi, tinutulungan niyang tuparin ng
sultan ang
tungkuling panrelihiyon.;Panglima, namumuno
sa mga lugar na malayo sa sentro ng
pamahalaan.;Panditas, tagapayo ng
panglima.;Rajah Muda, siya ang tagapagmana ng
sultan.Nakilo ang chief of defense.Mayroong 2
batas. Ang Shari'a (_Batas_ng_Qur'an) ay
nakabatay sa mga aral ni Mohammed na
mababasa sa kanilang banal na aklat. Ang adat (
customary law) ay nakabatay naman sa
tradisyon, paniniwala, at kaugalian ng Muslim.
• May dalawang uri ang Pamahalaan ng mga
Sinaunang Pilipino ay ang Pamahalaang
Barangay at Pamahalaang Sultanato.
• Ang pamahalaang barangay ay
nagmula sa salitang balanghay o
balanghai na tawag sa mga
sasakyang-pandagat ng mga Malay.
Ang isang barangay ay binubuo ng
30 hanggang 100 na pamilya. Datu,
gat, raha, o lakan ang tawag sa
pinuno ng isang barangay.
• Ang pamahalaang sultanato ay
itinatatag ni Shariff Abu Bakr
sa Pilipinas. Sinusunod nila ang
mga aral ni Propeta
Mohammed.Nanggaling ang
pamahalaang ito sa Saudi
Arabia. Sultan ang tawag sa
pinuno nito.
• Takdang Aralin
• Kung ikaw ay naging datu ng isang barangay,
ano ang iyong gagawin kapag naharap ka sa
sumusunod na sitwasyon? Isulat sa inyong
kwaderno ang sagot. 1. Inangkin ng isang
malapit na kaibigan ang lupang sinasaka ng
isang maganak sa inyong barangay. 2. Hindi
mabuting mamamayan ng barangay ang iyong
panganay na anak na papalit sa iyo bilang
datu. 3. Nilapastangan ng mga mamamayan
ng ibang barangay ang inyong kababaihan.

You might also like