Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

FILIPINO 4

Mga Uri ng Pangungusap


Mga Uri ng Pangungusap
1. Pasalaysay o Paturol–
Pangungusap na nagkukwento
o nagsasalaysay. Ito ay
nagtatapos sa tuldok (.).
Halimbawa:
2. Si Ana ay tumatakbo.
3. Ang ibon ay lumilipad.
2. Pautos – nagpapahayag ng obligasyong
dapat gawin. Nagtatapos din ito sa
tuldok (.).
Halimbawa:
1. Magdilig ka ng halaman.
2. Magsibak ka ng kahoy.
3.Pakiusap – pangungusap na maaaring
nagsasaad ng paghingi ng pabor.
- Ginagamitan ng magagalang na salita
upang makiusap. Maaaring nagtatapos sa
tuldok o tandang pananong (. / ? )
Halimbawa:
1. Maaari ba akong humiram ng lapis?
2. Pakibukas naman po ng pinto.
4. Patanong – pangungusap na
nagsisiyasat o naghahanap ng sagot at
nagtatapos sa tandang pananong( ? ).
Halimbawa:
3. Nasaan na ba ang aking apo?
4. Kaya mo bang buhatin yan?
5. Padamdam – nagsasaad ng matinding
damdamin tulad ng tuwa, takot o
pagkagulat. Nagtatapos ito sa tandang
padamdam ( ! ). Maaari ring gamitin ang
tandang pananong (?)
- Karaniwan ding nagbibigay ng babala o
kaya`y nagpapahiwatig ng pagkainis.
Halimbawa:
1. Naku! Ang daming insekto!
2. Bilisan mo! Umuulan na!
Subukan Natin!
Panuto: Tuluyin ang uri ng pangungusap
ayon sa gamit. (Pasalaysay, Pautos o
pakiusap, patanong, o padamdam.
Lagyan ng tamang bantas.
1. Si Kelly ay matalinong bata____
A. Pasalaysay D. Pakiusap
B. Pautos E. Padamdam
C. Patanong
2.Hay___ Kayo na ang mag-usap____
A.Pasalaysay D. Pakiusap
B. Pautos E. Padamdam
C. Patanong
3. Saan ka pupunta____
D.Pasalaysay D. Pakiusap
E. Pautos E. Padamdam
F. Patanong
4. Dalhin mo sa akin ang lapis na
`yan____
A.Pasalaysay D. Pakiusap
B. Pautos E. Padamdam
C. Patanong
5. Paki abot po ng lapis ko_____
D.Pasalaysay D. Pakiusap
E. Pautos E. Padamdam
F. Patanong
Gumawa ng tig- dalawang halimbawa sa
BAWAT URI NG PANGUNGUSAP.
1. Pasalaysay
a.
b.
2. Patanong
a.
b.
3. Pautos
a.
b.
4. paki-usap
a.
b.
5. Padamdam
a.
b.

You might also like