Ako’y isang mamamayan Tayo ay sumayaw, ikaway ang kamay, ikembot ang baywang at umikot (2X) (Palitan ang Ako ng IKAW at TAYO) 1. Pansinin ang mga salitang may salungguhit sa awit. 2. Sino ang tinutukoy ng ako? Tayo? Ikaw? 3. Kailan ginagamit ang ako? Tayo? Ikaw? 4. Ano ang tawag sa mga salitang ito? • Ang panghalip ay salitang ginagamit na panghalili sa pangngalan. • Ang panghalip-panao ay inihahalili sa ngalan ng tao. May 2 Kaukulan ang Panghalip
1. Ang panghalip sa kaukulang palagyo ay
ginagamit na simuno o paksa ng pangungusap. 2. Ang panghalip sa kaukulang paari ay panghalip na nagsasaad ng pag-aari ng isang bagay. May tatlong panauhan: 1. Unang Panauhan- ay tumutukoy sa nagsasalita. Maaaring isahan o maramihan. Halimbawa: tayo, ako 2. Ikalawang Panauhan- tumutukoy sa kausap. Halimbawa: ikaw, kayo 3. Ikatlong Panauhan- tumutukoy sa pinag-uusapan. Halimbawa: sila, kanya Panghalip Kailanan Panauhan Kaukulan
Kanila Maramihan Ikatlo Paari
Kanya Isahan Ikatlo Paari Niya Isahan Ikatlo paari Nila Maramihan Ikatlo Paari Mo Isahan Ikalawa Paari Iyo Isahan Ikalawa Paari Natin Maramihan Una Paari Atin Maramihan Una Paari Tayo Maramihan Una Paari Sila Maramihan Ikatlo Palagyo A. Suriin kung anong panghalip panao ang ginamit. 1. Sila ay magsisimba. 2. Hiniwa niya ang tiyan ng manok. 3. Ako ay mag-aaral sa Butuan Central. 4. Ikaw ay kasama ko. 5. Iniisip ng mag-asawa na yayaman sila. B. Lagyan ng angkop na panghalip-panao sa kaukulang palagyo ang pangungusap. 1. Sina Gng. Aragon at Go ay dumating na mula sa Manila. 2. Si Sam na ang bahala sa mga panauhin. 3. Sina Ann at ako ang tutulong kay Bb. Cruz. 4. Ikaw at ako ay magkaibigan. 5. Ikaw at si Tony ay magdidilig ng halaman. C. Piliin ang panghalip na panao sa bawat pangungusap. 1. Gusto mo ba ang damit na ito? 2.Ayaw ko ng ganyang damit. 3.Naibigan niya ang damit na ito. 4.Ikaw ba ay sasama sa iyong kapatid sa palengke? 5.Oo, sasama ako sa aking kapatid. 6. Sama-sama na tayong pumunta sa palengke. 7. Hindi raw ninyo gustong isama si Nene. 8. Kasi’y napakalikot niya kaya baka siya ay mawala. 9. Tayo nang maghanda papuntang palengke. 10. Ating dalhin ang malaking basket. D. Palitan ng panghalip na panao ang mga pangalan ng tao sa pangungusap. 1. Si Mario ay isang batang matulungin. 2. Tinawag ni Mario ang ibang kabataan. 3. Si Lorena at si Rowena ay tunay na kapuri-puring kabataan. 4. “Tungkulin nina Art at Jay ang tumulong sa mahihirap,” ang sabi ni Jun 5. Narinig ni Jonathan ang sinabi ni Jun. 6. Ikaw at ako ay pupunta sa paaralan. 7. Kaeskwela ko sina Evelyn at Rina. ______ ay matatalino. 8. Si Marie at Joey ay magkaklase. 9. Lito, nabasa ______ na ba ang bagong pahayagan? 10. Ako at si Lenie ay kakain sa kanten. E. Suriin kung anong panghalip panao ang ginamit sa pangungusap. Kilalanin ang kanyang kaukulan, panauhan at kailanan.
1. Ako ay bibisita sa bahay-ampunan.
2. Tumawag ka raw sa mommy mo. 3. Nagustuhan ba nila ang nilutong ulam ni Ana? 4. Magpaalam muna kayo bago umalis. 5. Simulan natin ang paglilinis sa silid- tulugan. F. Buuin mo ang usapang ito sa pamamagitan ng pagpuno ng wastong panghalip panao sa bawat patlang. Bing: Magandang umaga sa (1) _____ Denice. Denice: Magandang umaga rin sa (2) _____ Bing Bing: Nakapunta ka na ba sa Encantadia? Denice: Hindi pa. ( 3) _______, nakapunta ka na ba? Bing: Oo, nakapunta na (4) _____. Kasama ko ang aking mga magulang, sina Kuya Henry at Nene. (5) ______ pa nga ang nagyaya sa akin pagpunta roon. Bing: Kasama rin ba ang lolo at lola mo? Denice: Hindi (6) ____ nakasama dahil nagbabakasyon sila sa Quezon. Bing: Naku sayang naman. Kailan ulit (7) _____ pupunta roon? Denice: Hindi ko alam eh. Sasabihan kita agad kapag pupunta ulit (8) _____. Bing: Sana makasama ako sa pagpunta (9)________. Denice: O, sige. Sasabihin ko kina Mama at Papa. Nakatitiyak kong papayag at matutuwa (10) _______. Kaukulan Panauhan Kailanan Isahan Maramihan Palagyo Unang Panauhan ako tayo, kami (Taong Nagsasalita) Ikalawang Panauhan ikaw kayo (Taong Kausap) Ikatlong Panauhan siya sila (Taong Pinag-uusapan) Paari Unang Panauhan Akin, ko atin, natin, (Taong Nagsasalita) namin Ikalawang Panauhan Iyo, mo inyo, ninyo (Taong Kausap) Ikatlong Panauhan Kanya, Kanila, nila ASSIGNMENT BINTANA ng PAG-UNAWA