Filipino 4-Yunit IV-Aralin 17 - Day 8, 9 - 10 - AIRMAYBURVERADE

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Aralin 17

Ikawalong Araw
Layunin
Nakasusulat ng editoryal

Maria Ruby De Vera Cas


Pasong Buaya II E/S
Imus City, Cavite
Pagbabaybay

Muling
Pagsusulit
Balikan

Paano magiging handa sa


kalamidad?
Gawin Natin

Ano ang mga impormasyon na nakuha mo


mula sa ginawang talaan?
Sino ang nakatulong mo sa paggawa nito?
Masasabi mo bang handa na ang inyong
pamayanan sa kalamidad?
Paghahanda sa Kalamidad

Kamakailan ay napanood ko sa telebisyon ang dokumentaryo


tungkol sa nangyaring magnitude 9.0 lindol na yumanig sa Japan
noong Marso 11, 2011. Alam na natin na nagresulta ang lindol na
iyon sa dambuhalang tsunaming puminsala sa malaking bahagi
ng Japan at kumitil din sa buhay ng may 20,000 na tao at
pagkasira ng daang bilyong dolyar na halaga ng mga ari-arian at
pasilidad.
Kilala ang Japan sa pagiging handa nito sa anumang uri ng
kalamidad lalo na sa mga tsunami at lindol. Dahil mayaman ang
kanilang bansa ay talagang pinaglalaanan ng pamahalaan nila ng
pera at panahon ang mga bagay na ito. Pero sa kabila ng kanilang
mga paghahanda at paggamit ng mga modernong teknolohiya ay
naganap pa rin ang trahedyang iyon saJapan.
Nang napanood ko sa telebisyon ito, bigla kong naalala ang
bansa natin. Kinilabutan ako sa maaaring mangyari lalo na sa Metro
Manila kung sakaling tamaan tayo nang ganoon kalakas na lindol at
tsunami. Tiyak ko na mas malagim ang magiging resulta nito sa atin
lalo pa at alam kong karamihan sa mga gusali rito ay hindi pasado
sa mga itinatakdang building code.
Maliban pa rito, mas priyoridad ng mga opisyal natin ang politika
kaysa sa paghandaan ang panganib na dala ng mga natural calamity.
Sa pag-aaral ng Metro Manila Development Authority (MMDA),
tinataya ni Chairman Francis N. Tolentino na 38,000 na tao kaagad
ang mamamatay sa Metro Manila at higit 100,000 ang masasaktan
sakaling tamaan ito ng magnitude 7 na lindol. Kaya naman bumuo na
sila ng isang programa na tinawag nilang “Oplan Metro Yakal”
(OMY) na siyang gagamitin kung magkaroon ng malakas na
pagyanig dito. Okay sa akin ang ginagawang ito ni Tolentino dahil
nagpapakita ito ng kaniyang layunin na bigyang pansin ang banta ng
mga kalamidad.
Nakasasawang pagmasdan ang mga opisyal na walang ginawa
kundi maghatid lang ng relief goods, “magpapogi” at mag-photo
ops sa mga biktima ng kalamidad.
Ang kasabihan nga nating mga Pinoy, “Aanhin pa ang damo
kung patay na ang kabayo?”
Paano isinusulat ang isang editoryal?
Paano ipinapahayag ang isang opinyon?
Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang
editoryal?
Gawin Mo
A. Upang lubos nating mapaghandaan ang isang kalamidad
at maging ganap na ligtas, alamin natin ang sitwasyon sa
ating lugar para makatugon tayo nang angkop sa mga
panawagan ng pamayanan. Sagutin ang mga tanong na nasa
tsart na ito sa tulong ng iyong mga magulang at iba pang
nakatatanda sa pamilya at komunidad.
Kalamidad at Bantang Panganib sa Aming Lugar
Ano ang mga disaster na tumatama sa inyong
lugar?
Ano ang puwersang mapaminsala?
- tubig
- pagguho
- hangin
- apoy
Paano nalalaman na may parating na kalamidad?
Gaano kaikli o kahaba ang panahon mula sa
palatandaan at pagsalanta ng kalamidad?
Kalamidad at Bantang Panganib sa Aming Lugar
Gaano ito kadalas mangyari?

Ano-ano ang napinsala sa inyong lugar?

Sino-sino ang nasalanta? Saan sila natagpuan?


Ano-ano ang ginawang pag-aangkop sa inyong
lugar pagkatapos nang naranasang kalamidad?
Paano ngayon naghahanda ang inyong lugar laban
sa kalamidad?
Aralin 17
Ikasiyam na Araw
Layunin
Nakasusulat ng editoryal
Pagbabaybay

Muling
Pagtuturo ng
mga salita
Gawin Natin

Tumawag ng ilang mag-aaral na


magbabahagi ng kanilang sagot sa
naunang gawain. Pag-usapan ang sagot
na ibinigay ng mga mag-aaral.
Gawin Mo

Iplano Natin: Punan ang organizer


upang makasulat ng sariling editoryal
tungkol sa pagiging handa ng sariling
pamayanan sa kalamidad.
Gawin Mo
Mga Tanong Sagot Mo
1. Tukuyin ang isyu.
2. Ano ang opinyon mo tungkol dito?
3. Sumulat ng tatlong pangungusap na katotohanan na susuporta
sa iyong opinyon.
4. Ano ang argumento mo tungkol dito?
5. Sumulat ng tatlong pangungusap na katotohanan susuporta sa
iyong argumento.
6. Ilarawan ang hamon mo sa argumentong binanggit.
7. Paano mo mahihikayat ang iyong mga mambabasa na
pumanig sa iyong opinyon?
8. Isulat ang iyong editoryal sa isang malinis na papel.
Aralin 17
Ikasampung Araw
Layunin
Nakasusunod sa panuto
Pagbabaybay

Pagsusulit na
pang-masteri
Gawaing Pantahanan

Gumawa ng disaster plan para sa


sariling pamilya.
Pagtatapos
Kahit Humingi pa ng abuloy
ni: Ariana Trinidad kahit hindi naman luksa!
Binagyo ang Pilipinas Sinisi pa ang gobyerno
kahit wala namang bagyo! kahit hindi naman gumawa!
Umikot ang mga tubig Bayani ay naglitawan
kahit hindi naman trumpo! kahit hindi naman Rizal!
Lumutang ang mga bahay Dagsa ang nagsitulong
kahit hindi naman barko! kahit hindi naman kawal!
Natumba ang mga puno At naging madasalin
kahit hindi naman lumpo! kahit hindi naman banal!
Lumikas din ang marami Nagwika ng panalangin
kahit hindi naman baha! kahit hindi naman dasal!

You might also like