Professional Documents
Culture Documents
Panghalip Panaklaw
Panghalip Panaklaw
Panghalip Panaklaw
PANAKLA
W
“TANONG KO, SAGUTIN MO”
Kamakailan lang mayroon isang batang nagngangalang Kyne. Mahilig siyang makipaglaro sa
kanyang mga kaibigan. Araw-araw sama sama silang magkaibigan na naglalakad papunta sa kanilang
paaralan. Lahat sila ay naglalaro at nagkakatahan sa eskwelahan. Sabay-sabay din sila kung umuwi sa
kanilang bahay.
Isang araw may narinig silang balita sinabihan sila ng kanilang mga magulang na hindi na sila
maaring pumasok sa paaralan dahil kailangan nilang mag quarantine sa bahay. Nagtanong si Kyne sa
kanyang mga magulang. Sabi ni Papa at Mama ay mayroong dilikadong sakit sa labas na tinitawag na
Corona Virus.
Kapag nagkasakit ng Corona Virus nagkakalagnat, ubo at sumasakit ang ang
lalamunan. Ito’y nakakahawa at maaring ipasa sa maliit na patak galing sa laway sa
may sakit nito. Kailangan nating pigilan ang paglaganap nitong virus na ito. Nagtanong
si Kyne sa kanyang ina, “ang ibig sabihin ba nito ay hindi na ako makabalik sa
paaralan?”. “Oo anak, hindi muna maaring lumabas lalo na ang kagayang mong bata,
ang tawag nito ay home quarantine. Kailangan nating sumunod sa patakaran upang
makatulong tayo sa pagpigil ng paglaganap ng virus na ito. Sa bahay naman ni Noah
madalas siyang pinaaalahanan ng kanyang Mama na maghugas palagi ng kanyang mga
kamay. Tanong ni Noah, “bakit kailangan ko palaging maghugas ng kamay?”. Sagot ni
Mama, “kasi anak importanting maghugas ng kamay palagi gamit ang sabon at tubig
para mamatay ang virus at di tayo magkasakit at para lahat tayo ay ligtas sa sakit na
ito.”
Si Nika naman ay gustong pumunta sa Guyong para magpabili ng paborito
niyang prutas. Ngunit sabi ni Mama bawal lumabas ang mga bata kaya siya
nalang bibili. Kailangan magsuot ni Mama ng mask at maglinis ng kamay bago
sila pumasok sa palengke doon sa Guyong.
Si Kellie ay medyo malungkot dahil malayo siya sa kanyang mga kaibigan. “Papa
kalian pa kaya ito matatapos? Kailan pa ba kami babalik sa paaralan para
makapaglaro at makapag-aral?” “Anak, hindi ko alam kung kalian ito matatapos
at kung kalian kaya babalik sa dati. Dapat manalangin tayo na sana hindi tayo
mahawaan ng sakit na ito. Isa tayo sa ipinagpala hanggat ngayon ay buhay tayo.
Lahat sila ay malungkot dahil sa pangyayaring ito.
PAGSAGOT SA MGA TANONG PAG-UNAWA