Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

B A S A N G T E KS TO NG

PA G
AKA D E M I K AT
PROP E S YO NA L
PAMUMUHAY NG MGA AETA
ISANG PANANALIKSIK NA GINAWA NI DR. JEANETTE B. MUÑOZ TUNGKOL SA MGA AETA
PANGUNAHING KABUHAYAN. Ang mga Aeta ay maagang lumalabas upang
magtanim. Ayaw nilang inaabutan ng tindi ng sikat ng araw.Kapag mainit
na, sila ay sisilong. Nagtatanim sila ng mais, palay, kamote, patatas at
gabi. Sa oras na sasabihin ng maybahay nila na wala nang maluluto, doon
sila lalabas at maghahanap ng makakain . Isa sa kanilang ipinagmamalaki
ay ang paggawa ng mga pana at sibat. Ito ang kanilang ginagamit sa
kanilang pangangaso at panghuhuli ng isada. Gumagawa rin sila ng flute
at ito ay kanilang ipinagbibili.

Ang mga Aetang lalaki ay kilala sa pagiging mahusay na mangangaso.


Nakatutulong ito nang Malaki sa kanilang kabuhayan. Malaking
kaluwagang naidudulot sa isang mag-anak ang mga nahuhuling hayop
katulad ng baboy ramo at iba pang uri ng hayop.
PANANAMPALATAYA. Ang mga Aeta ay naniniwalang hindi sila nabubuhay
nang mag-isa. Ayon sa kanila mayroon ding umaantabay sa kanila na
ntinatawag nilang Anito, si Apu Malyari. Tumatawag sila sa anito dahil
para sa kanila ang anito ang nagliligtas sa kanila sa ano mang
kapahamakan. Ang Anito rin ang nagsasabi kung may panganib; Siya rin
ang umaantabay sa manggagamot kung saan malalaman kung ano ang
dapat gawin sa maysakit. Malaki ang paniniwala nila sa gumagalang
espiritu kayat sa Anito ay humihingi sila ng tulong sa lahat ng kanilang
pangangailangan. Sila ay mnag-iiwan ng gin, pera (barya), kalamay, saging
kapag mayroon silang pagdiriwang bilasng handog sa kanilang kinikilalang
diyos.
PAGBUBUNTIS. Kapag nagdadalang-tao ang isang babae, pinapayuhan siyang huwag
maglakbay sa malalyong pook. Hindi rin nararapat na lumabas tuwing gabi sa dahilan
na maraming masasamang espiritu na gumagala. Ang asawang lalaki ay hindi rin
maaring magtrabaho tulad ng paggawa ng bahay at lalo na ang paggawa ng ataul. Ang
dahilan ng ganitong pag-iingat ay ang paniniwala nila na kapag nilabag nila ang mga
bagay na ito ang sanggol ay maaring malaglag mula sa sinapupunan ng ina o maaring
maging mahina sa sinapupunan nila.
Sa kanyang paglilihi, ipinagbabawal naman ang kumain ng kambal na saging o
kahit anong kambal na prutas na maaring maging sanhi ito ng pagkakaroon ng kambal
na anak. Hindi rin nagpapakuha ng letrato kung sila ay buntis. Hindi rin nararapat na
maging maramot ang buntis dahil baka mahirapan siya s panganganak. Hindi rin siya
dapat tumingin sa namumungang punungkahoy sapagkat maaring ang kanyang
nagustuhan at tiningnan ay hindi na mamumunga. At kung ito ay mamunga , maaring
hindi matamis.
Kung ang buntis ay dadalaw sa kapitbahay, hindi diya dapat tumayo nang matagal sa may pintuan
(kahit sa sariling bahay), nararapat na tuluy-tuloy siya sa pagpasok sa dahilang ito ay makaapekto sa
matagal na paghihirap sa panganganak.

PANGANGALAGA SA MGA BATA. Habang sanggol pa ang isang Aeta, pinagsuot ito ng kuwintas at
pulseras na gawa sa mga buto ng halaman na galling sa bundok na tinatawag na “Amiong”. Ito ay
nakatutulong nang Malaki upang hindi puntahan ng masamang espiritu ang bata. Maari ring ang buto
ng kalabasa ang gawing kuwintas upang di mausog ang sanggol.

PAGTANGGAP SA PANAUHIN. Ang mga Aeta ay kilala sa pagiging magalang sa pagtanggap ng


panauhin . Kapag may panauhing dumating sa kanilang tahanan, ang una nilang ginagawa ay
pakakainin ito. Nararapat kumain ang isang panauhin kahit siya’y busog sapagkat tinanggihan niya
ang inihaing pagkain sa kanya , iyon ay nangangahulugan ng mapapahamak. Inaaliw tulad ng
Dagaw/Manganito at Ginaramba.
PAG-UNAWA SA BINASA
I. TALAKAYIN ANG MGA SUMUSUNOD KAUGNAY NG
PAMUMUHAY NG MGA AETA.
A.KABUHAYAN
B.PAG-AASAWA
C.PAGBUBUNTIS
D.PANGANGALAGA SA MGA BATA
E. PAGTANGGAP SA PANAUHIN

You might also like