Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

BALITA

BALITA
- Ito ay isang uri ng lathalain na tumatalakay
sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o
loob ng isang bansa na nakatutulong sa
pagbibigay-alam sa mga mamamayan. Maaari
itong ihayag sa pamamagitan ng paglilimbag,
pagsasahimpapawid, Internet, o galing sa
bibig at ikalat sa ikatlong partido o sa
maramihang mambabasa, nakikinig o
nanonood.
MGA BAHAGI
NG
PAHAYAGAN
1)PANGMUKHANG PAHINA o COVER
PAGE - naglalaman ito ng pangalan ng
pahayagan at ang mga pangunahin o
mahahalagang balita.
2)BALITANG PANDAIGDIG - naglalaman
ng mga balita mula sa iba't ibang bansa at
panig ng daigdig.
3)BALITANG PANLALAWIGAN -
naglalaman ng balita may patingkol sa
sariling bansa o lugar.
4)PANGULONG TUDLING - naglalaman
ng mga kuru-kuro o puna na isinulat ng
patnugot hinggil sa isang napapanahong
paksa o isyu.
5)BALITANG KOMERSYO - naglalaman
ng mga balita tungkol sa kalakalan,
industriya at komersyo.
6)ANUNSYO KLASIPIKADO -
naglalaman ng mga anunsyo tungkol sa
hanapbuhay, bahay, lupa, sasakyan at iba
pang kagamitang ipinagbibili.
7)OBITWARYO - nagsasabi ng mga taong
namatay na. Nakasaad dito kung saan
nakaburol at kung kailan ililibing ang
namatay.
8)LIBANGAN - nagsasaad ng mga balita
tungkol sa artista, pelikula, telebisyon at iba
pang sining. Naririto rin ang krosword,
komiks at horoscope.
9)LIFESTYLE - naglalaman ng mga
artikulong may kinalaman sa pamumuhay,
tahanan, pagkain, paghahalaman at iba pang
aspeto ng buhay sa lipunan.
10)Isports- nagsasaad at nagkekwento ito
ng mga balitang may kinalaman sa isport,
kumpetisyon, o pampalakasan ng mga
atleta.

You might also like