National Capital Region

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 37

NATIONAL CAPITAL

REGION
• Ang rehiyon ay sentro ng politika, pangangalakal, lipunan, kultura, at pang-edukasyon ng 
Pilipinas. Ayon sa iprinoklamang Utos ng Pampanguluhan Blg. 940, ang kabuuan ng
Kalakhang Maynila ay ang sentro ng pamahalaan habang ang Lungsod ng Maynila ang 
kabisera. Ang pinakamalaking lungsod sa Kamaynilaan ay ang Lungsod Quezon, samantalang
ang pinakamalaking distritong pangkalakalan ay ang Lungsod Makati.
• Ang Kalakhang Maynila ang pinakamaraming naninirahan sa tinutukoy na 12 kalakhan ng
Pilipinas at pang-11 sa pinakamaraming naninirahan sa buong mundo. Batay sa senso noong
2010, ito ay may populasyon na 11,855,975, katumbas ng 13% populasyon ng bansa.
MGA LUNGSOD AT BAYAN
• Ang labimpitong mga yunit ng lokal na pamahalaan ng Kalakhang Maynila ay
administratibong kapantay sa mga lalawigan. Binubuo ang mga ito ng labing-
anim na mga malayang lungsod na iniuri bilang "mga lungsod na mataas na
urbanisado", at isang malayang bayan: Pateros.
•  Caloocan • Paranaque 

•  LasPinas  • Pasay

• Pasig
• Makati 
• Lungsod ng Quezon
• Malabon
• San Juan
•  Mandaluyong 
• Taguig
• Marikina • Valenzuela 

•  Muntinlupa  • kasama ang bayan ng Pateros

• Navotas 
MGA DISTRITO

• Hindi tulad ng ibang rehiyon na nahahati sa mga lalawigan, nahahati ang


Metro Manila sa limang hindi administratibong distrito, na nakauri batay sa 
heograpiya nito gamit ang Ilog Pasig bilang reperensiya. Nabuo ang mga
distritong ito noong 1976 ngunit walang lokal na pamahalaan o may kinatawan
sa kongreso, salungat sa mga lalawigan. Ginagamit ang mga distritong ito para
sa layuning piskal at estadistikal.
• Ang kabuuang produktong pampook ng Kalakhang Maynila ayon noong
Hulyo 2011 ay tinatayang $159 bilyon o 33% ng kabuuang produktong
pambansa. Sa loob ng taong 2011, ayon sa PricewaterhouseCoopers, ito ay
pang-28 sa mga pinakamalalaking ekonomiya sa pinagsamasamang lungsod sa
buong mundo at pang-4 sa Timog-Silangang Asya.
• Batay sa census noong 2007, ay populasyon ay 11,553,427[3]. Kung isasama sa
pagbibilang ng populasyon ang mga katabing lalawigan (Bulacan, Kabite, 
Laguna at Rizal) ng Malawakang Maynila, ang populasyon ay humigit
kumulang 20 milyon
HEOGRAPIYA
• Ang Maynila ay nakahimlay sa bunganga ng Ilog Pasig na nasa silangang
baybayin ng Look ng Maynila na nasa gawing kanluran ng Luzon.
• Ito ay may layong 950 kilometro kuwadrado sa timog silangan ng Hong Kong
at 2,400 kilometro kuwadrado sa hilagang silangan ng Singapore.

• Ang Maynila ay napapaligiran ng mga lungsod sa kalakhang Maynila tulad ng


Navotas at Caloocan sa hilaga, Quezon sa hilagang silangan, San Juan at
Mnadaluyong sa silangan, Makati sa timog silangan at Pasay sa timog.
• Pinakamaliit sa mga rehiyon ng Pilipinas ang Kalakhang Maynila, subalit
pinakamatao at pinakamakapal ang populasyon nito. 636 kilometrong
parisukat ang lawak nito at pinapaligiran ito ng mga lalawigan ng Bulacan sa
hilaga, Rizal sa silangan, at Laguna at Cavite sa timog. Matatagpuan naman sa
kanluran ng Kalakhang Maynila ang Look ng Maynila at sa timog-silangan
naman ang Laguna de Bay. Dumadaloy sa gitna ng Kalakhang Maynila ang 
Ilog Pasig na siyang nagdudugtong Laguna de Bay sa Look ng Maynila.
• Ang Kalakhang Maynila ay itinuturing swampy isthmus na may karaniwang
elebasyon na 10 metro. Ang pangunahing anyong tubig ng Kalakhang Maynila
ay ang Ilog Pasig; ito ang humahati sa isthmus ng Kalakhang Maynila.
Klima
• Ayon sa pagbubukod ng klima na Köppen, ang Pambansang Punong Rehiyon
ay may tropikong basa at tuyo na klima at tropikong balaklaot na klima. Ang
Kalakhang Maynila ay may maikling tagtuyo mula Enero hanggang Mayo, at
may pagkahabang tag-ulan mula Hunyo hanggang Disyembre.
Mga Wika:

• Ang pangunahing wika ng lungsod ay Filipino at Ingles na pawing


ginagamit sa edukasyon at negosyo.
LUNGSOD AT BAYAN NA
BUMUBUO SA NCR
Lungsod/Bayan Sukat

• Maynila 38.3 sq. km


• Quezon City 108.2 sq. km
• Kalookan City 35.8 sq. km
• Pasay City 13.9 sq. km
• Las Pinas City 41.5 sq. km
• Makati 36.8 sq. km
• Malabon 23.4 sq. km
• Mandaluyong City 26.8 sq. km
• Marikina City 38.9 sq. km
• Muntinlupa City 46.7 sq. km
• Navotas 8.9 sq. km
• Paranaque 30.3 sq. km
• Pateros 2.1 sq. km
• San Juan 4.5 sq. km
• Taguig 33.7 sq. km
• Valenzuela 4.7 sq. km
• Pasig City 3.1 sq. km
MGA PANGUNAHING PRODUKTO

• CROPS-
Palay,Corn,Banana,Mango,Coconut,Coffee 
FOOD PROCESSING 
MASS TRANSPORTATION OPERATION 
TOURISM 
MACHINERIES 
TEXTILES and GARMENTS 
HANDICRAFTS and FURNITURE
MGA HANAPBUHAY

Pagsasaka
Pangingisda
Pagmimina
Pangangaso
Pagtatanim
Pagkakaingin
Paglilinang
Pagpapanday
Paglililok
Sentro ng Edukasyon:

• Polytechnic University of the Philippines


• Philippine Normal University
• De La Salle University
• Ateneo de Manila University
• University of Sto. Tomas
• University of the Philippines
• Technological University of the Philippines
• Sentro ng Kultura:
• Cultural Center of the Philippines
• Philippine International Convention Center
• Tanghalang Francisco Balagtas (Folk Arts Theater)
MGA TANAWIN

The Orchidarium and Butterfly Pavilion


Jones Bridge
Malacañang Palace / Museum
Paco Park
Manila Hotel
Rizal Monument
Intramuros
Fort Santiago
Museo ng Maynila
San Agustin Church
Baclaran Redemptorist Church
Bamboo Organ
Sarao Jeepney Factory
Libingan ng mga Bayani
The American Cemetery and Memorial
SM Mall of Asia
Cultural Center of the Philippines
Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center
PAGASA Planetarium
La Mesa Eco-Park
Ayala Museum
Manila Zoo 
Manila Bay 
Luneta Park 
Manila Ocean Park
Mga Pista’t Tradisyon:

Pista ng Quiapo – Viva Señor Nazareno


Sto.  Niño sa Tundo
Bota de Flores sa Ermita
Señor la Naval sa Lungsod ng Quezon
Flores de Mayo
Sunduan at Caracol sa Parañaque
Senakulo sa Pasig at Las Piñas
Sabuyan ng Tubig sa San Juan
•  
Narito ang ilan sa mga tradisyon, kaugalian at mga
pamahiin ng mga naninirahan sa Kalakhang Maynila.
Sa Pagliligawan:

• -Paghingi ng permiso sa panliligaw


• -Pagpanhik ng bahay ng binatang manliligaw
• -Pagpapadala ng regalo
• -Paghahanap ng padrino
• -Pagbibigayan ng singsing ng magsing-irog

 
Sa Pamamanhikan

• -Pagtatakda ng araw ng pagtatagpo ng mga magulang at mga kamag-anakan ng


magkasintahan na nagpasiyang magpakasal na
• -Pagdadala ng pagkain sa tahanan ng bababe sa araw ng pamanhikan
• -Pagpaparangal sa kanilang mga magulang
• -Despedida de Soltera/”Shower Party”/ “Stag Party”
Sa Pagpapakasal

• -“Something, old something new, something borrowed, something blue”


• -Pananatili sa bahay hanggang sa sumapit na ang araw ng kasal
• -Pagbabawal sa pagsusukat ng damit pangkasal
• -Pagtatapakan ng paa pagkatapos ng kasal
• -Pag-uunahan sa pagtayo sa harap ng altar pagkatapos ng kasal
• -Pag-una ng lalaki sa simbahan
• -Pagpapatunog ng baso kung nais na halikan ng bagong kasal na lalaki ang babae
Paglilihi
• -Paghakbang sa asawang lalake habang natutulog
• -Pagsunod sa mga kapritso ng babae
• -Pagtingin sa mga magaganda
Sa panganganak at Pagpapalaki

• -Pagtatago sa pinutol at natuyong pusod ng sanggol


• -Pagpapasuso ng ina
• -Pagkuha ng pangalan mula sa kalendaryo
• -Paglalaan ng sariling kumot
• -Paghagod sa noo at buhok ng sanggol habang natutulog
Sa pananampalataya

• -Paghinto at pagdarasal kung orasyon


• -Pagrorosaryo
• -Paniniwala sa Pasko
• -Semana Santa
• -Flores de Mayo
• -Santakruzan
• -Pagbabasaan kung araw ng San Juan Bautista
Mga Salawikain at Kasabihan

• -Ipagpaumanhin mo dalaga,
Kapangahasan ko ay bunga ng pag-asa
• - Kagandahan ay yaman ng babae
Katapangan at katarungan
Naman ang sa lalake
• Ang dalagang maganda,
Batiin mo’t nagagalit
• Ang mag-asawang walang bunga,
Parang kahoy na walang sanga
• Mang-aaway na ang lahat ng tao sa daan
Huwag lang ang magkasintahan sa loob ng bahay
• Nagkakaibigan lamang
Ang sa pari ay nagpapakasal
• Ang taksil na kaibigan
Higit na masama kaysa kaaway
• Sa inahing mapagkupkop
Di man anak sumusukob
 

Ilang mga Manunulat sa NCR:


1.      Andres Bonifacio
2.      Emilio Jacinto
3.      Jose Dela Cruz
4.      Cecilio Apostol
5.      Faustino Aguilar
6.      Rosauro Almario
7.      Iñigo Ed. Regalado
8.      Rosalio Aguinaldo
9.      Amado V. Hernandez
10.  Severino Reyes
11.  Manuel Prinsipe Bautista
12.  Isagani R. Cruz
13.  Liwayway Arceo
14.  Teo T. Antonio
15.  Epifanio San Juan
16.  Lope K. Santos
17.  Federico Licsi Espino Jr.
18.  Soledad S. Reyes Ph. D
19.  Ildefonso Santos
AWITING BAYAN
Bayan Ko
(Jose Corazon de Jesus)
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.

At sa kanyang yumi at ganda


Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad


kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!

Pilipinas kong minumutya


Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya
Alamat ng Maynila

Ang pangalan daw nito ay hango sa halamang nilad na tumubo noon sa Ilog Pasig. Ang mga Maly raw
ang nagbigay ng pangalang ito.
Si Raha Soliman ang pinuno ng kaharian ng matandang maynila. Sa bahaging timog ng Ilog Pasig 
nakatirik ang kaharian niya. Ang buong paligid ng kaharian ay may kutang kahoy. Doon sa loob
nagbabantay ang mga mandirigma. Sa labas naman naninirahan ang mga mamamayan.
Dumating ang mga kastila sa pangunguna ni Martin de Goiti. Pinagbabayad nya ng buwis si Soliman.
Nagalit ang Raha. Nagkaroon ng labanan. Nagwagi ang mga kastila. Itinatag ni Martin de Goiti noong
Hunyo 24, 1521 ang Maynilad bilang punong –lungsod. Pinalitan niya ito ng pangalang Maynila. Ito ang
dahilan kung bakit ang ika-24 ng Hunyo ay pinagdiriwang na Araw ng Maynila.
KURIDO

– mula sa salitang Mehiko na currido na nangangahulugan ng mga kasalukuyang pangyayari.


• Halimbawa: Ibong Adarna, Doce Pares, Bernardo Del Caprio, Principe Orientis, Doña Ines at Don Juan
Tinoso.

MORO-MORO
• Halimbawa: Si Prinsipe Rodante
MGA AKDANG PANGWIKA
Kay Rizal
(Cecilio Apostol)
Bayaning walang kamatayan, kadakilaang maalamat
Sumungaw ka mula sa bangin ng libingan
na kinahihimbingan mo sa maluwalhating pangarap!
Halika! Ang pag-ibig naming pinapagliyab ng inyong alaala,
mula sa madilim na walang wakas ay tumatawag sa iyo
upang putungan ng mga bulaklak ang iyong gunita.
Matulog kang payapa sa lilim ng kabilang-buhay
tagapagligtas ng isang bayang inalipin!
Huwag iluha, sa hiwaga ng libingan,
ang sandaling tagumpay ng Kastila,
pagka’t kung pinasabog man ang utak mo ng isang punglo,
ang diwa mo nama’y gumiba ng isang imperyo!
Luwalhati kay Rizal! Ang ngalan niyang kabanalan
na parang sunog sa Tabor sa pag-iinapoy
sa talino ng pantas ay ilaw ng kaisipan,
Iba pang halimbawa:
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa  (Andres Bonifacio)

Kartilya ng Katipunan (Emilio Jacinto)


Sa Tabi Ng Dagat   (Ildefonso Santos)
Isang Dipang Langit  (Amado V. Hernandez)
Bayani (Amado V. Hernandez)
Salamat po!

You might also like