Mga Kagamitan Sa Paghahalamanan

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Mga Kagamitan sa Paghahalamanan

1. Asarol- Ito ay ginagamit na pambungkal ng


lupa
2.Piko- Ginagamit ang piko sa paghuhukay ng
matigas na lupa.
3. Kalaykay- Ginagamit sa pagpapantay ng lupa at
paghihiwalay ng bato sa lupa.
4. Tinidor- Pandurog ng malaking kimpal ng lupa.
5. Dulos- Ginagamit sa paglilipat ng punla,
pagpapaluwang ng lupa, at pagtatabon sa puno.
Mga Kagamitan sa Paghahalamanan
6. Itak- pamutol sa mga sanga at puno ng
malalaking halaman.
7. Bareta- ginagamit sa paghuhukay ng
malalaking bato at tuod ng kahoy.
8.Pala- ginagamit sa paaglilipat ng lupa.
9. Regadera- ginagamit na pandilig sa mga
halaman.
10. Kartilya- lalagyan at panghakot ng lupa
at kagamitan
Sagutin:
Isulat ang tinutukoy ng bawat
pangungusap
__________ 1. Pandilig ng halaman.
__________ 2. Panghakot ng lupa.
__________ 3. Pantanggal ng damo at
panlipat ng punla.
__________ 4. Pangbungkal ng lupa.
__________5. Panghalo ng lupa at
pataba.
Sagutin:
Isulat ang tinutukoy ng bawat pangungusap
__________ 6. Pamutol ng mga sanga.
__________ 7. Panghukay ng malalaking bato
__________ 8. Panghukay ng matigas na lupa
__________ 9. Ginagamit sa pagpantay ng
lupa
__________ 10. Ginagamit sa paglipat ng
punla.
Paghahanda ng Kamang Pagtataniman
1. Sukatin ang kamang taniman ng 6 na metro ang
haba at 1.5 metro ang lapad. Buhaghagin ang
lupa hanggang 30 sentimetrong lalim.
2. Dagdagan ng lupa ang kamang taniman
hanggang tumaas ito.
3. Ilagay sa kamang taniman ang mga patabang
tulad ng compost, tuyong dumi ng hayop, dahon
ng kakawati, atbp.
4. Haluing mabuti ang pataba at ang lupa.
5. Pantayin ang kamang taniman. Handa na ito
para taniman.
1. Markahan ang paglalagyan ng kamang taniman. Hindi ito
dapat lumampas sa sukat na 6 na metrong haba at 1.5
metro ang luwang.
2. Halangan ng puno ng saging o pinaghating puno ng niyog o
kahoy sa apat na tabi.
3. Buhaghagin ang lupa hanggang sa lalim na 30 sentimetro.
4. Lagyan ito ng matabang lupa buhat sa ibang lugar.
5. Ihalo sa kamang taniman ang kompos, abo ng kahoy,
dinurog na balat ng itlog o kaya’y dahon ng ipil-ipil o
kakawati na siyang nagsisilbing pataba sa halaman.
6. Paghalu-haluinang lahat ng pataba sa ibabaw ng kamang
taniman.
7. Pantayin ang kamang taniman sa pamamagitan ng
kalaykay. Handa na itong taniman.
1. Ano ang ginagamit sa pagpantay ng lupa?
2. Ano ang ginagamit sa paglipat ng punla?
3. Ano ang ginagamit sa paghukay ng matigas na
lupa?
4. Ano ang ginagamit sa pagbungkal ng lupa?
5. Ano ang ginagamit sa pagdurog ng lupa?
6. Saan ginagamit ang kalaykay?
7. Saan ginagamit ang piko?
8. Saan ginagamit ang tinidor?
9. Saan ginagamit ang dulos?
10. Saan ginagamit ang asarol?

You might also like