Epiko NG Mindanao Na Tudbulul Febie Marie E. Tejado

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

I.

Layunin

a. Natutukoy ang kasaysayan at kahalagahan ng pag-


aaral ng epiko ng Mindanao na “Tudbulul”
b. Nakikilala at nabibigyang-kahulugan ang mga
salitang ginamit sa epiko.
c. Mapahalagahan ang mga paniniwala at kultura ng
epikong Tudbulul ng Mindanao.
Epikong TUDBULUL
( Epiko ng Mindanao )

Febie Marie E. Tejado


Ang epikong-bayang tudbulul ay mula sa
pamayanang Tiboli ng lalawigan ng Timog
Cotabato, Mindanao .

Isinasalin ang salaysay nitó sa iba’t ibang


pangkat at panahon sa pamamagitan ng pag-awit
o helingon.
Ang mga awit o lingon na bumubuo sa
epikong-bayan ay tinatawag sa loob ng
pamayanang Tiboli na Lingon Tuha Logi (“Awit
ng Matanda”).
Malawakan naman itong kinikilála bilang
Tudbulul dahil ito ang pangalan ng bayaning
tauhan.
Tinatayâng may 20 hanggang 24 na lingon ang
epikong-bayan, at bawat isa ay nagsasalaysay ng isang
buong kuwento.
Nagsisimula ang epikong bayan sa awit na Kemokul
Laendo nga Logi (“Walang Anak si Kemokul”) na
nakatuon sa pagnanais ni Kemokul na magkaroon ng
anak na lalaki na siyáng magtatanggol sa kanilang
pamayanan, ang Lemlunay.
Ang pag-awit ng Tudbulul ang siyáng pinakatampok sa
anumang pagtitipon ng pamayanan.
Isinasagawa ito tuwing Klalak, ang bahagi ng pagdiriwang
kung kailan tapos nang kumain ang lahat at wala nang iba
pang gagawin maliban sa pakikinig ng lingon.
Itinuturing na sagrado ang pag-awit ng epikong-bayan dahil
ang kanilang diwata ang nagsasabi kung ano ang kanilang
dapat isalaysay.
Ginagawa ang helingon hábang nakaupô at
mahigpit na ipinagbabawal ang paghiga.
Kaugnay nitó, mataas ang pagtingin ng mga
Tiboli sa umaawit ng epikong-bayan at
pinatutunayan ng paghahandog sa kaniya ng mga
pagkain at regalo sa katapusan ng pagtitipon.
Mga tauhan:
Kemokul
Tudbulul

Tema:
Kadakilaan na may kaakibat na paggalang.
Nagsisimula ang epikong-bayan sa awit na Kemokul
Laendo nga Logi (“Walang Anak si Kemokul”) na
nakatuon sa pagnanais ni Kemokul na magkaroon ng anak
na lalaki na siyáng magtatanggol sa kanilang pamayanan,
ang Lemlunay. Ang kapanganakan ni Tudbulul ang
magiging katuparan ng kaniyang nais. Ipinahihiwatig ang
kadakilaan ng sanggol ng mga kakambal nitóng gamit
pandigma: sombrero, kalasag, mamahaling gong, at isang
kabayo.
Ang pag-awit ng Tudbulul ang siyáng pinakatampok
sa anumang pagtitipon ng pamayanan. Isinasagawa
ito tuwing Klalak, ang bahagi ng pagdiriwang kung
kailan tapos nang kumain ang lahat at wala nang iba
pang gagawin maliban sa pakikinig ng lingon.
Itinuturing na sagrado ang pag-awit ng epikong-
bayan dahil ang kanilang diwata ang nagsasabi kung
ano ang kanilang dapat isalaysay.
Ginagawa ang helingon hábang nakaupô at
mahigpit na ipinagbabawal ang paghiga.
Kaugnay nitó, mataas ang pagtingin ng mga
Tiboli sa umaawit ng epikong-bayan at
pinatutunayan ng paghahandog sa kaniya ng
mga pagkain at regalo sa katapusan ng
pagtitipon.
Aral:

Mangarap hindi lamang paras sa sarili


kundi para sa ikakabuti ng lahat.
Ang epikong Tudbulul ay sumisimbolo ng
katangian at asal ng mga tao sa pamayanang Tiboli
sa lalawigan ng Cotabato sa Mindanao. Pinapakita
rin sa epikong ito ang kanilang tradisyon at
paniniwala. Hindi man lubos na buo ang epikong ito,
kung atin siyang himay himayin ang epikong
Tudbulul ay nagpapakita ng paggalang at pangarap
hindi lamang sa pansariling kapakanan kundi maring
kapakanan ng panlahat.
A. Panuto: Ipaliwanag ng may pag-unawa
ang katanungan.

1. Anong katangiang Pilipino ang makikita sa pangunahing tauhan


na si Kemokul?
2. Sa palagay mo ano-ano ang mga pagdiriwang at paniniwala na
makikita sa epikong binasa na makikita parin sa ngayong
henerasyon? Magbigay ng halimbawa at ipaliwanag.
3. Gumuhit ng simbolo na maglalarawan sa paniniwala at kultura ng
binasang epiko at ipaliwanag ito.

You might also like