Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

MALIKHAING

PAGSULAT
LAYUNIN:

• Nakahuhugot ng mga ideya mula sa mga


karanasan;
• Nagagamit ang wika upang mag-udyok ng
mga emosyonal at intelektwal na tugon
mula sa mambabasa.
• Maganda ba ang awitin?
• Ano ang nagpapaganda sa awitin?
• Ano ang mensaheng nakapaloob sa awitin?
• Kung ikaw ang tagapakinig, ano ang masasabi
mo sa liriko ng awit?
• Bakit kaya naisulat ang ganitong klaseng awitin?
Pagsulat Batay sa Karanasan at Pandama

2
Pandama bilang daluyan ng imahinasyon

Ang limang pandama ay kailangang Dila upang malasahan ang hapdi at


gamitin sa malikhaing pagsulat. sakit ng akda

Hipo upang maramdaman ang Tainga upang marinig ang kaluskos ng


nangyayaring init, lamig,sakit sa natatanging nilalang
loob ng teksto

Mata upang bigyang lente ang Ilong upang maamoy ang hindi
pinakadetalye ng sinusulat naamoy ng mga mambabasa
Ang Konteksto ng Malikhaing Pagsulat
PAGKILALA SA
IMAHEN
1
PERSONA
Ang tawag sa nagsasalita sa loob ng awit o tula. Maaari
ring ang makata o komposir ang persona subalit
maaaring maging magkaiba ang dalawa o di naman
kaya maaaring marami ang persona sa loob ng awit.

Ang puno’t dulo ng paglikha ng persona ay upang


lubusang idikit ang teksto sa nagbabasa o tagapakinig.
Maaari ring bagay ang persona o di naman kaya ay

anumang nilikha na maaaring saniban ng may-akda

sa kaniyang

komposisyon.
Sa paglikha ng persona kailangan:

A B
E
Pagpili ng salita o Kailangang may salitang
ginagamit niyang tutukoy sa persona sa
salita loob ng pahayag

C
Maaari ring gumamit ng persona
na taliwas sa kaniyang ginagawa
sa awit.
D
Kailangang ipadama ng Kailangang paghandaan ng
persona ng awit ang tagpuan o awit ang kinakausap ng
kuwento ng kaniyang awit sa persona
pamamagitan ng maingat na
pagpili ng mga salita
Ang Konteksto ng Malikhaing Pagsulat

3 4
KATAHIMIKAN NG AWIT KUWENTO NG AWIT

Ang katahimikan ay kusang Ang isang magandang awit ay


nararamdaman sa bawat linya ng kailangang magtaglay ng kuwento:
kuwento ng pakikipagsapalaran o
awitin. Ito ang nagbibigay ng kuwento ng kabiguan upang ipadama
pansamantalang pagtigil upang ang mas malalim na nais
manamnam ang kahulugan ng liriko ipakahulugan ng persona.
ng awitin. Ang umaawit ay laging
sumisilip sa persona at sa kaniyang Maaaring kuwento ng pag-asa o
inilalahad na kuwento. paghahangad o kuwento ng tagumpay
o pag-ibig.
Suriin ang awit: Alamin ang persona, imaheng nabuo, katahimikan,
kuwento at kariktan ng awit sa pamamagitan ng pagbibigay ng puntos
sa bawat elemento. Ipaliwanag ang pagbibigay puntos sa bawat
elemento.

Persona -10 pts (Ibigay ang persona)


Imahen -10 pts (Ilarawan ang imahen)
Katahimikan -10 pts (ano ang kahulugan ng katahimikan sa teksto)
Kuwento -10 pts (ano ang kuwento ng awit)
Kariktan -10 pts (may kagandahan ba ang akdang sinong na ito?)

Ibigay kung ilang puntos ang nakamit ng awit.


Ilahad ito sa loob ng klase.
Blangkong -
papel
• Titigan nang maigi ang blangkong papel.
• Isipin mong isang bukas at malawak na espasyo ito, walang hangganan, walang
lalim, walang lawak.
• Dahan-dahang ipikit ang iyong mga mata. Sa iyong pagpikit ay biglang may
tumubo na kakaibang halaman o puno, o kaya nama’y may lumitaw na
kakaibang gusali, may nagsasayawang napakagandang mga babae o batang
may makapangyarihang mahika o isang matandang tumatagos ang titig.
• Ipagpalagay na ang papel na ito ay isang lagusan. Pumasok ka rito at
maglakbay sa kalawakan nito o kaya nama’y lumangoy sa mga tubig na
naririto.
• Ilagay ang sarili sa mundong ito, katulad ng isang batang nangangarap maging
isang doktor, isang milyornaryo. Sa kabilang banda ikaw’y ay isang pulubi at
ang mas matindi ang biktima ng karahasan.
• Ngayon, lumikha ka ng bagong daigdig. Kung handa ka na, buksan ang iyong
mga mata at iguhit ito sa blangkong papel. Magbigay ng maikling paliwanag.

You might also like