Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

PARAAN NG

PAGHAHANDA NG
PERSONAL NA
SANAYSAY
1. PAGPILI NG PAKSA
ANG PAGPILI NG PAKSA PARA SA ISANG
PERSONAL NA SANAYSAY AY KINAKAILANGANG
BAHAGI NG ATING BUHAY. DITO NAKASALALAY
KUNG ANONG BAHAGI NG ATING BUHAY ANG
NAIS NATING IBAHAGI SA MAMBABASA.
2. PANGANGALAP NGA MGA
DATOS
ANG ISANG MANANAYSAY AY MAARI DING
MAGSALIKLIK SA MGA BAGAY NA NAIS NIYANG
ISULAT. ANG PANGANGALAP NG DATOS O KABATIRAN
AY MAKATUTULONG UPANG MAGING MALINAW AT
MAKATOTOHANAN ANG PERSONAL NA SANAYSAY.
3. PAGHAHANDA NG
BALANGKAS
ITO AY PARAAN NG PAGKAKAAYOS NG MGA
DETALYE AT ISTRUKTURA NG MGA BAGAY NA
TATALAKAYIN SA SANAYSAY. MAGHANDA NG
BALANGKAS O OUTLINE BATAY SA NAKALAP
NA MGA DATOS.
4. PAGHAHANDA NG UNANG
BURADOR
ITO ANG UNANG PRODUKTO NG PAGSULAT.
PANSAMANTALA LAMANG ANG NAKASULAT NA
TEKSTO. KAILANGAN ANG MULING PAGSUSURI
LALO NA SA PAGGAMIT NG MGA BANTAS.
DAGDAGAN PA ANG MAHIHINANG DETALYE.
5. PAGREREBISA
ITO ANG MULING PAGSULAT NG SANAYSAY
(RE – WRITING). ANG MANANAYSAY AY
HAHANAP NG UNANG TAGA – BASA (FIRST
READER) UPANG MAKAPAGBIGAY NG MGA
KOMENTO O MUNGKAHI.
MGA URI NG
PERSONAL
NA SANAYSAY
1. TALAARAWAN O JOURNAL

ISANG PERSONAL NA PANANAW NG


MANUNULAT SA BUHAY. ITO AY MAIKLI
LAMANG NA BUNGA NG KARANASAN NG
TAO SA BUONG MAGHAPON.
2. LIHAM

ANG URI NA ITO AY NASA ANYONG LIHAM


NA MAARING PILOSOPIKAL, PAMILYAR O
PANGKARANIWAN
3. PAKIKIPANAYAM
ITO AY ISANG PERSONAL NA SANAYSAY NA
ANG PANGANGALAP NG DATOS AY SA
PARAANG PAKIKIPANAYAM. ANG LAYUNIN
NITO AY BIGYAN NG KAKINTALAN ANG
PAGKATAO NG ISANG NILALANG
4. PAMILYAR NA SANAYSAY
ITO AY TUMATALAKAY SA KARANIWANG PANGYAYARI
SA BUHAY NG TAO NA KADALASANG NAISASAWALANG
BAHALA DAHIL SA KAPAYAKAN. ANG ILAN SA MGA
HALIMBAWA NITO AY TUNGKOL SA PANUNUOD NG TV,
PANANAMIT, UKOL SA PAGLILIBANG AT ANG MGA
KAHALINTULAD NITO.
5. TRAVELOGUE
SANAYSAY NA NAGSASAAD O NAGLALARAWAN
SA MGA KAGANAPANG NANGYARI SA ISANG
PAGLALAKBAY. NAGBABAHAGI RIN ITO NG MGA
ARAL SA MGA MAMBABASA NA NATUTUHAN SA
PAMAMAGITAN NG PAKIKISALAMUHA SA IBA.
6. DOKUMENTARYONG
SANAYSAY
ANG SANAYSAY NA ITO AY NAGTATALA NG MGA
DETALYADONG PANGYAYARI SA ISANG TRADISYON.
TULAD HALIMBAWA NG MGA RITWAL, SANAYSAY SA
PAG – AARAL SA ISANG KULTURA O PAMAYANAN,
GAYUNDIN AND PAGSASAGAWA NG MGA TRADISYON.
7. PHOTO ESSAY
ANG SANAYSAY NA ITO AY HINDI ISINUSULAT SUBALIT
NABIBILANG SA URI NG SANAYSAY SA KADAHILANANG
ANG MGA KUHANG LARAWAN ANG SIYANG
NAGSISILBING DAAN UPANG MAIPAHAYAG ANG MGA
KAGANAPAN AYON SA PAGKAKASUNOD – SUNOD.

You might also like