Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Panuto: Tukuyin kung pahayag ay Diagnostic o

Power test

 1. Ito ay ibinibigay bago talakayin ang isang paksa.


Sagot: Diagnostic test

 2. Ang test na ito ay kinapalolooban ng iba’t ibang antas ng difficulty na


mga aytem
Sagot: Power test

3.Ito ay nagbibigay ng detalyadong datos na tumutulong sa mga guro


upang makabuo ng pamamaraang nararapat tungo sa mabisang pagkatuto
ng mga mag-aaral
Sagot: Diagnostic test
 4. Ito ay hindi masyadong komplikado o hindi
nangangailagan ng mahabang oras.
Sagot: Diagnostic test
 5. Ang mga aytem sa pagsusulit na ito ay inaayos mula sa
hindi gaanong mahirap na tanong na sinusundan ng mga
mahihirap na mga katanungan hanggang sa pinakamahirap
Sagot: Power test
Diagnostic at Power Test
Mga Layunin
 Naipaliliwanag ang layunin sa paggamit ng
diagnostic test
 Nailalahad ang epektibong gamit ng datos
mula sa resulta ng diagnostic test
 Naibibigay ang depinisyon ng power test
Diagnostic Test
Ang paggamit ng test na ito ay ibinibigay
bago simulan ang pagtuturo ng isang
kasanayan upang matiyak o malaman
kung taglay na ng mga mag-aaral ang
mga panimulang kakayahan.
Diagnostic Test

Ito ay ginagamit upang malaman ang


kaalaman at mga bahagi ng kailangan
linangin sa mga mag-aaral sa isang
partikular na asignatura.
Diagnostic Test

Nagbibigay ito ng mga detalyadong datos na


tumutulong sa mga guro upang makabuo ng
pamamaraang nararapat tungo sa mabisang
pagkatuto ng mga mag-aaral
Katangian ng Isang
Diagnostic Test

1. Sinusukat ang kaalaman ng mga


mag-aaral sa isang partikular na
asignatura o paksa
Katangian ng Isang
Diagnostic Test
2. Binubuo ng sapat na bilang ng mga tanong na
makapagbibigay ng makatwiran at tamang datos sa
kasanayan at kaalaman ng mag-aaral
Katangian ng Isang
Diagnostic Test
3. Inilalahad nang malinaw kung ano ang
sinusukat ng pagsusulit

4. Hindi masyadong komplikado o hindi


nangangailagan ng mahabang oras.
Mga Layunin ng
Diagnostic Test

1. Para magbigay ng impormasyon sa mga guro


tungkol sa kaalaman o prior knowledge ng mga
mag-aaral
Mga Layunin ng
Diagnostic Test
2. Para magbigay ng puna o fidbak sa mga
kumuha ng pagsusulit at rekomendasyon para sa
mas mabisang paraan ng pagkatuto
Mga Layunin ng Diagnostic
Test
3. Upang alamin ang lakas at kahinaan ng kanyang
mga mag-aaral tungkol sa ituturong leksiyon

4. Ginagamit ito upang mabatid ng guro ang


nalalaman ng mag-aaral at ano pa ang dapat malaman
Mga Layunin ng
Diagnostic Test
5. Ipakita ng guro sa kanyang mag-aaral ang pag-
unlad ng kanyang pagkatuto
Ang epektibong gamit ng datos
mula sa resulta ng diagnostic test
1. Sinisigurado na ang pamamaraan ng pagtuturo ay napupuna
ang kahinaan ng mag-aaral
2. Naiiwasang magsayang ng oras ng mag-aaral sa pagtuon ng
mga paksang alam na nila
3. Nababawasan ang posibilidad na ang isang mag-aaral ay
mabigo sa isang gawain
GRADED BA ANG
TANONG ISKOR o RESULTA NG
DIAGNOSTIC TEST?
Diagnostic test Formative test Summative test

Pagkakaiba ng diagnostic, formative at summative


test
POWER TEST
Isang pagsusulit na may iba’t ibang antas ng
difficulty ang napapaloob na mga aytem.

Ang mga aytem sa pagsusulit na ito ay inaayos


mula sa hindi gaanong mahirap na tanong na
sinusundan ng mga mahihirap na mga katanungan
hanggang sa pinakamahirap.
POWER TEST

• Bibigyan ng sapat na oras ang mga kumukuha ng


pagsusulit upang masagot ang lahat ng mga aytem.

• Inaasahang masagot nang tama ang iilang


katanungan at hindi naman ang mga aytem na may
kahirapan.
POWER TEST

• Sinusukat sa pagsusulit na ito ang kakayahan ng isang


indibidwal na masagutan nang tama ang mahihirap na mga
katanungan.

• Madalas ibibigay ang power test sa mga aplikanteng


nakapagtapos ng kolehiyo o propesyonal na nag-aaplay
para sa managerial position.
POWER TEST
 Kabilang sa mga halimbawa ng power test ang:

 general vocabulary test


 intelligence test na mas kilala sa tawag na iq test

 http://www.free-iqtest.net
 http://www.intelligencetest.com/questions/
https://www.slideshare.net/kennjjie/sining-at-agham-ng-pagsusulit-
pangwika-26994289

https://www.researchgate.net/figure/Relationship-between-diagnosti
c-formative-summative-assessment-and-learning_fig1_318731331

You might also like