Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

• Ibigay ang kahulugan sa modelong SPEAKING

ni Dell Hymes.

• Gaano kahalaga ang modelong SPEAKING ni


Dell Hymes sa pakikisalamuha sa ibang tao?
Ayusin ang sumusunod na pangungusap upang
makabuo ng mga pahayag na nagtataglay ng
pagkamagalang.
• Isarado mo ang pinto

• Papasok ako sa bahay mo.

• Kunin mo ang aking relo.

• Tumayo na kayo para sa pag-awit ng “Lupang


Hinirang”.

• Pahingi ng donasyon para sa proyekto ng paaralan.


Layunin:
• Naipapaliwanag ang kahulugan ng kakayahang
pragmatiko; at
• Natutukoy ang kahulugan ng sinasabi, di-
sinasabi, at ikinikilos ng taong kausap.
Kakayahang
Pragmatiko
Punan ng karugtong na pahayag ang
sumusunod na senaryo:
• Kapag napansin kong hindi nababagay ang damit
ng aking kaibigan sa aming pupuntahang okasyon
subalit hindi ko direktang mabanggit sa kaniya
dahil baka masaktan ang kaniyang damdamin,
ang sasabihin ko nalang ay ______________.
• Kapag mababa ang nakuha kong grado sa
pagsusulit sa Matematika at nais kong ipaalam
ito sa aking mga magulang nang hindi
magreresulta ng biglaang galit, sisimulan ko ito sa
pamamagitan ng pagsasabi ng _______.
• Naranasan mo na bang magtampo sa iyong
kaibigan?

• Paano mo ito ipinabatid sa kaniya?


• Nakakasakay ka ba sa mga biruan?

• Paano mo nalalamang biro lamang ang sinabi


ng iyong kausap?
• Nakiusap ka na ba sa iyong guro sa anomang
pagkakataon sa iyong buhay-mag-aaral?

• Paano mo ito ginawa?


• Hindi lamang kaalaman sa bokabularyo at sa
pagbubuo ng mga pangungusap batay sa itinatakda
ng gramatika ang mahalaga para sa isang mag-aaral
ng wika. Mahalaga ring matutuhan ang kasanayan
sa pagpagtukoy sa mga pakiusap, magalang na
pagtugon sa mga papuri, paumanhin, pagkilala sa
mga biro, at pagpapadaloy ng usapan.
Samakatuwid, mahalagang matukoy ng isang tao
ang maraming kahulugan na maaaring dalhin ng
isang pahayag batay sa iba’t ibang sitwasyon.
• Halimbawa, ang tanong na “Sa iyo ba ang
bag na iyan?”

• Ano ang posibleng kahulugan ng tanong o


nais iparating ng nagtatanong?
• Pagtitiyak sa kung sino ang nagmamay-ari ng bag;
• Papuri o pagkutya sa estilo ng bag; o
• Pagkainis sa nakakalat na bag.
Pragmatiko
• Ay tumutukoy sa pag-aaral sa paggamit ng wika sa
isang partikular na konteksto upang magpahayag
sa paraang diretsahan o may paggalang.

• Ibig sabihin, ang isang taong may kakayahang


pragmatiko ay mabisang nagagamit ang yaman ng
wika upang makapagpahayag ng mga intensiyon
at kahulugang naaayon sa konteksto g usapan at
gayundin, natutukoy ang ipinahihiwatig ng
sinasabi, di-sinasabi, at ikinikilos ng kausap.
• Kadikit sa kakayahang pragmatiko ang
konsepto ng speech act.

• Ang pakikipag-usap ay hindi lamang paggamit


ng mga salita upang maglarawan ng isang
karanasan kundi “paggawa ng mga bagay
gamit ang mga salita” – speech act.
Tatlong sangkap ng speech act
• Sadya – pakiusap, utos, pangako

• Anyong lingguwistiko – patanong, pasalaysay

• Epekto sa tagapakinig – pagtugon sa hiling,


pagbibigay-atensiyon
Ilustrasyon
• Isang kostumer sa restoran ang nagpahayag sa
weyter ng ganito: “Mayroon ba kayong tubig
na walang yelo?”

• Sa nasabing halimbawa, alin dito ang


tumutukoy sa:
• Sadya
• Anyong lingguwistiko
• Epekto sa tagapakinig
• Sadya
• Ang paghiling na madalhan ang kostumer ng
inuming tubig na walang kasamang yelo.

• Anyong lingguwistiko
• Patanong

• Epekto ng tagapakinig
• Ay ang pagsunod ng weyter sa kaniyang kahilingan.
Interlanguage pragmatics
• Ang pag-aaral sa kung paano ang mga hindi
taal na tagapagsalita ng partikular na wika at
nagsisimulang matuto nito ay umuunlad ang
kakayahan sa pagpapahayag ng kanilang
intensiyon sa pamamagitan ng iba’t ibang
speech act.
• Halimbawa, sa mungkahing kurso ng tagapayo,
ang isang di-taal na tagapagsalita ng Ingles ay
magpapahayag ng, “I think I am not interested
in that course”, na kaiba sa sasabihin ng taal
na tagapagsalita na nagbibigay suhestiyon sa
anyong, “I think this other course is better and
will meet my needs.”
• Sa nabanggit na sitwasyon, mahihinuha kung
gaano kahalagang linangin ang kakayahang
pragmatiko upang umayon sa hinihingi ng
konteksto at makamit ang inaasahang salita
mula sa kausap.
Berbal at Di-berbal na komunikasyon

• Sa paglilinang ng kakayahang pragmatiko,


mahalagang isaisip ang pag-iral ng dalawang
uri ng komunikasyon.

• Ang berbal na komunikasyon ay ang uri ng


komunikasyong gumagamit ng salita – pasalita
o pasulat man.
• Nagagawa ang paraang oral sa pamamagitan ng
pakikipag-usap sa kaanak, kaibigan, at kakilala,
pakikipagtalakayan sa klase, at paglahok sa mga
usapan sa kumperensiya at seminar.

• Pasulat naman itong napadadaloy sa mga


sulatin, paglikha ng blogspot, pagbuo ng
manifesto at bukas na liham, at iba pa.
• Ang di-berbal na komunikasyon naman ayon
sa pag-aaral ay lubhang napakalaki ang
elemento sa pakikipag-usap sa mga taong
nakapaloob sa sariling kultura.

• Ang iba’t ibang anyo ng di-berbal na


komunikasyon ay ang sumusunod:
• Kinesika – tumutukoy sa kilos o galaw ng katawan.
Bahagi nito ang ekspresyon ng mukha, galaw ng
mata, kumpas ng mga kamay, at tindig ng katawan.

• Proksemika – tumutukoy sa oras at distansiya sa


pakikipag-usap. Kapansin-pansing ang mga bagong
magkakilala ay may mas malaking distansiya
kumpara sa mga taong matalik na magkaibigan.
• Pandama – itinuturing na isa sa mga
pinakaunang anyo ng komunikasyon.
Kadalasang nagsasaad ito ng positibong
emosyon o pakikiramay sa mga hindi
magandang karanasan. Halimbawa nito ay
pagtapik sa balikat o pagyakap sa kausap.
• Paralanguage – tumutukoy sa tono ng tinig at
kalidad at bilis ng pagsasalita.

• Katahimikan o kawalang-kibo – lubhang


makahulugan na karaniwang ginagawa upang
mag-isip at paghandaan ang sasabihin, o di
kaya ay magparating ng tampo o sama ng
loob.
• Kapaligiran – tumutukoy sa pinagdarausan ng
pakikipag-usap at g kaayusan nito.
Mahihinuha ang intensiyon ng kausap batay sa
kung saang lugar kiya nais makipag-usap.

You might also like