Tuntunin Sa Paghahanda NG Pakikipanayam

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

TUTUNTUNIN SA

PAGHAHANDA NG
PAKIKIPANAYAM
1. Tiyakin ang paksang tatalakayin at maging handa sa mga
makabuluhang tanong sa kakapanayamin.
2. Tiyakin na ang kakapanayamin ay may malawak na
kaalaman sa paksa.
3. Makipagtipan ng maayos tungkol sa petsa, araw, at oras
upang mabigyan ng sapat na panahon na makapaghanda
ang kakapanayamin.
4. Mag-imbestiga sa personalidad ng taong kakapanayamin.
5. Maging magalang sa pagtatanong.
6. Kung may impormasyon na hindi naitala sa mga
sinabi, hilingin na ulitin muli ito.
7. Upang matiyak na wasto ang naitala, basahin ito sa
kinapanayam.
8. Katapusan, magpasalamat sa taong kinapanayam.
MGA DAPAT
TANDAAN SA
PAGSULAT NG
BALITA BATAY SA
PAKIKIPANAYAM
1. Sundin ang pagkakasunod-sunod ayon sa kahalagahan ng
interbyu.
2. Para sa lathalaing interbyu, gamitin ang pinaka-orihinal
upang mabatid ang mabisang pagkasunod-sunod.
Karaniwang naiiwan ang mahalagang pananaw ng
kinapapanayam na makatutulong nang malaki.
3. Magsimula sa angkop na pamatnubay. Karaniwan, ang
tuwiran o di tuwirang pagsipi ng sinabi, ang paglalarawan sa
nakaraan o ang maging ibang pamamaraan ng pagsulat ay
epektibo.
4. Pag-ugnayin ang pamatnubay at ang unang talata ng paksa.
5. Tiyakin na kayang suportahan ng pamatnubay ang buong istorya.
6. Ayusin ang pagtalakay, magsimula sa pinakamahalagang
impormasyon, mga opinyon sa mga kasunod na talata ng tuwirang sipi
ng sinabi at ang buod ng pahayag. Ang lathalaing interbyu ay walang
itinalagang batayan; ito ay malaya, batay sa pagkatao ng
kinapapanayam at sa orihinalidad ng kumapanayam.
a. Iwasto ang lahat ng pagkakamaling pang-gramatika na nagawa ng
kinapanayam maliban na lamang kung kinakailangang ilantad ang
pagkatao ng kinapanayam.
b. Sipiin ng buo ang sinabi ng kinapanayam kung kinakailangan.
c. Tiyaking hindi binago ang nais na ipakahulugan ng kinapanayam.
7. Huwag isama sa ilalahad ang mga katanungan sa panahon
ng panayam.
8. Iwasan ang anumang paghahambing sa sarili maliban na
lamang kung may magandang dahilan upang gawin.
PAGSULAT NG
INTERBYU
1. Isulat kaagad ang salaysay matapos ang interbyu.
2. Uriin ang interbyung isusulat tulad ng; nagbibigay ng
impormasyon, opinyon, lathalain o ang lahat ng ito.
a. Impormasyon o nagbibigay kaalaman- ito’y naglalahad
sa mahalagang pangyayari.
b. Opinyon- Interbyu- naglalahad sa mahahalagang
pananaw o palagay.
c. Latahalain o featured Interbyu- naglalahad ng pagkatao
ng kinapanayam, ang mga gawain at mga interes.
3. Piliin at suriing mabuti ang mga naitala. Isama lamang
ang mga materyales na may kinalaman sa paksa upang
maiwasan ang pagmamalabis. Kung ang interbyu ay nasa
uring lathalain, hayaan ang istorya na uminog sa
pagkatao ng kinapapanayam. Iwasan ang paulit-ulit na
impormasyon na may kinalaman dito.
4. Bumuo ng mga tala at sumulat ng balita.
5. Hangga’t maaari ipakita ang mga siniping salita sa
kinapanayam.

You might also like