Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 38

Tula

Tula
Akdang binubuo ng mga
taludtod at saknong

Pinakamakapangyarihang anyo
ng panitikan
Denotasyon at
Konotasyon
Denotasyon
Ang literal o pandiksyunaryong
kahulugan ng mga salita.

Konotasyon
Nakatago o di direktang
kahulugan ng salita
Denotasyon

Mabangis ang buwaya sa zoo.


Hayop sa tubig
Konotasyon
Maraming buwaya sa gobyerno.
kurap
Mabango ang bulaklak sa hardin.

Isang magandang bulaklak si Ana.

Nalagpasan niya ang pader tungo


sa kanyang kinabukasan.

May pusong bato si Ria.


Tayutay
Tayutay
Malikhain o matulain na
paglalahad

Hindi tuwirang
pagpapakahulugan sa mga salita
Tayutay
Pagtutulad o Simili
Pagwawangis o Metapora
Pagsasatao o Personipikasyon
Pagmamalabis o Eksaherasyon
Panawagan o Apostropi
Pagpapalit-saklaw o Sinekdoki
Pag-uyam o Ironya
Alusyon
Antonomasiya
Pagtutulad/Simili
Simpleng paghahambing ng
dalawang bagay
Gumagamit ng mga salitang
naghahambing:
parang, kawangis, animo,
gaya/kagaya, mistula, atbp.
Pagtutulad/Simili
Si Rosa ay tila bituin na
nagniningning sa kalangitan

Ang buhay ay parang gulong,


minsan nasa itaas at minsa’y
nasa ilalim.
Pagwawangis/Metapora

Tuwirang naghahambing sa mga


bagay.

Hindi gumagamit ng mga


salitang naghahambing.
Pagwawangis/Metapora

Si Rosa ang bituin ng aking


buhay.

Siya’y may pusong ginto.


Pagsasatao/Personipikasyon

Pagbibigay ng katangian ng tao


sa mga bagay na walang buhay.
Pagsasatao/Personipikasyon

Umiiyak ang kalangitan noong


panahong iyon.

Sumasayaw ang mga puno sa


lakas ng hangin.
Pagmamalabis/Eksaherasyon

Pagpapasobra sa normal na
pagpapahayag upang bigyang-
diin ang mensahe
Pagmamalabis/Eksaherasyon
Bumaha ng dugo noong panahon
ng digmaan.

Susungkitin ko ang bituin para


lang ika’y mapasaakin.
Panawagan/Apostropi

Oh, Bathala!
Wag mo kaming pabayaan.

Oh, sinta ko!


Tanggapin mo ang pagmamahal
ko.
Pagpapalit Saklaw/Sinekdoki

Pagtukoy sa isang bagay bilang


katapat ng isang kabuuan.
Pagpapalit Saklaw/Sinekdoki

Napakaraming bunganga ang


kanyang pinapalamon.

May mga matang mapanghusga


saan man sa lipunan.
Pang-uyam/ Ironya

Pangungutya sa isang tao, bagay


o pangyayari.

Maaring pumupuri sa simula


ngunit nangungutya sa dulo.
Pang-uyam/ Ironya
Makinis ang kanyang mukha,
daig pa ng kanyang tigyawat ang
lubak na daan.
Ang husay niyang
magpaliwanag,
sa husay ay wala kaming
naintindihan
Alusyon

Tumutukoy sa historical, biblical


o literari na katauhan, pangyayari
o bagay
Alusyon

Maraming Andres Bonifacio


noong Edsa I.

May natitira pa ring Maria Clara


sa panahon ngayon.
Antonomasiya

Paggamit ng tatak sa pagtukoy sa


isang tao, lugar o bagay.
Antonomasiya

Nagbakasyon sila sa City of


Waterfalls.

Masarap ang tinaguriang King


of Fruits.
Metonimi/Pagpapalit tawag

Pagpapalit ng pangalan o tawag


ng tao o bagay na tinutukoy
Metonimi/Pagpapalit tawag

Ipinasa niya ang korona ng


pagka-pangulo sa kanyang
kasama.

Tumanggap siya ng palakpak sa


kayang napagtagumpayan.
Aliterasyon

Pag-uulit ng magkaparehong
tunog na pagsisimula sa
magkakasunod na iba-ibang
salita.
Aliterasyon

Kaakibat ng kahapon ang


karanasang nais kalimutan.

Malalaman ng mamamayan ang


mangyayari sa may-sala.
Anapora

Pag-uulit ng isang salita o


parirala sa simula ng sunod-
sunod na parirala, sugnay o
taludtod
Anapora

Pag-ibig na masaya
Pag-ibig na maligaya
Pag-ibig na kay ganda
Pag-ibig ng mag-asawa
Onomatopeya/Paghihimig

Paggamit ng mga salitang kung


ano ang tunog ay siyang
kahulugan
Onomatopeya/Paghihimig

Lagislis ng ng mga puno’t


kawaya’y pagdurusa ng
kalikasan.
Anadiplosis

Paggamit ng huling salita sa


naunang talutod sa pagsisimula
ng panibagong taludtod
Anadiplosis

Pag-ibig na kay saya


Saya ng pagsasama
Pagsasama na magpakailanman
Magpakailanmang may hangganan
Eupemismo

Pagpapagaan sa mga salitang di


kaaya-aya o masakit ang
kahulugan
Eupemismo

Pumanaw ang kanyang magulang.

Di man kagandaha’y busilak ang


kalooban

You might also like