Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

WASTONG

WASTONG
GAMIT
GAMIT
NANG
NANG at
at NG
NG
GAMIT NG “NANG”

1. Makikita sa unahan ng pangungusap o bilang


katumbas ng salitang “noong”.

a. Nang dumating ka sa buhay ko, naging makulay


ang mundo.
b. Nang magalit ang ina, kumilos na ang mga anak.
GAMIT NG “NANG”
2. Gamit sa pang-abay na pamaraan

a. Nagsalita siya nang pautal-utal.


b. Ang tumatakbo nang matulin kung matinik ay malalim.
c. Kumain nang mabilis si Lydia.
d. Hininaan nang bahagya ang kanyang boses.
GAMIT NG “NANG”
3. Gamit sa pagitan ng inuulit na pandiwa.

a. Talon nang talon ang mga bata sa kama.


b. Kanina pa siya lakad nang lakad.
c. Tawa nang tawa ang mga manonood sa sinehan.
d. Ulan nang ulan kahapon.
GAMIT NG “NANG”

4. Ginagamit ang “nang” bilang katumbas ng


salitang “upang”.

a. Uminom ka ng gatas nang ikaw ay lumakas.


b. Kumain ka ng itlog nang ikaw ay lumusog.
GAMIT NG “NANG”
5. Ginagamit ang “nang” bilang kapalit ng pinagsamang “na
at ang” sa pangungusap.
a. Sukdulan “na ang” kahirapang ito.
 Sukdulan nang kahirapang ito.
b. Marami “na ang” nagkakasakit.
 Marami nang nagkakasakit.
GAMIT NG “NANG”

6. Ginagamit ang “nang” bilang kapalit ng


pinagsamang “na at na” sa pangungusap/pahayag.

a. Huminto ka “na na” magsugal.


 Huminto ka nang magsugal.
GAMIT NG “NG”
1. Ginagamit ang “ng” kung ang pangungusap ay
nagpapahayag ng pagmamay-ari.

a. Ang mansyon ng mga Lopez ay tunay na napakalaki.


b. Bakit nasira ang sapatos ng bata?
c. Nililinis ng ina ang silid ng anak..
GAMIT NG “NG”

2. Ginagamit ang “ng” kung ang sumusunod na


salita ay pangngalan.
a. Umiinom ng milk tea si Rowena.
b. Naglalaro ng Mobile Legend si Percy.
c. Nagbibilang ng pera si Edgar.
GAMIT NG “NG”

3. Ginagamit ang “ng” kung ang sumusunod na salita


ay pang-uri.

a. Nag-aayos ng magulong silid-aralan ang guro.


b. Nagtimpla ng matamis na juice si Susan para
kay Gigi.
GAMIT NG “NG”

4. Ginagamit ang “ng” kung ang sumusunod na salita ay


pang-uring-pamilang.

a. Binigyan ni Martin si Jessica ng isang dosenang rosas.


b. Naghandog ng isang daang damit ang pamunuan sa
mga nasalanta ng bagyo.

You might also like