Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

Layunin:

Nakakapili ng
halamang gulay
na itatanim
Balik-aral

Ano-ano ang mga pamamaraan


sa pagsasagawa ng survey?

Ano-ano ang mga dapat isaalang


alang sa pagsasagawa ng survey?
Tingnan ang larawan. Ano ang inyong napansin?
Ano-ano ang mga gulay na nakikita
sa sariling pamayanan?

Ano-anong mga uri ng gulay ang


nakatutulong sa ating katawan?

Alam mo ba ang mga gulay na


mayaman sa protina, karbohaydrato
at bitamina?
Marami ang dapat na
isaalang-alang sa pagpili
ng mga halamang gulay
na itatanim upang ang
magiging kapakinabangan
nito ay makabuluhan.
Ang gulay ay pinagkukunan
ng masustansyang pagkain.
Pinagkukunan ng pagkaing
masustansya ang mainam na
gulay. Kailangan ang gulay
upang tayo ay lumaking
malakas at malusog.
Alam mo ba ang mga
gulay na mayaman sa
protina,karbohaydrato
at bitamina?
Gulay na mayaman sa Protina

Ang mga sumusunod na gulay ay mayaman sa protina:


sitaw, munggo, mani at ibang butong gulay.
Ang protina ay responsable sa pagpapalaki ng mga
kalamnan at ng buong katawan.
Gulay na mayaman sa Karbohaydrato

Nagbibigay ang mga ito ng enerhiyang


nagpapalakas at nagpapasigla ng katawan.
Nakukuha natin ito sa kamote, kamoteng kahoy,
gabi, saba, saging, dilaw na mais, at iba pang
halamang ugat.
Gulay na mayaman sa Bitamina

Ang mga halamang gulay na mayaman sa


bitamina ay nagsisilbing pananggalang ng
ating katawan sa sakit at impeksiyon.
Matatagpuan ito sa kalabasa, kamatis,
okra , sibuyas, bawang at iba pang gulay.
Iba’t ibang uri ng gulay ang
maaaring itanim ng mag-anak
batay sa kanilang hilig at
pangangailanagan. Ang mga
sustansiyang makukuha sa mga
halamang gulay ay maaaring
gamiting gabay sa pagpili ng
gulay na inyong itatanim.
Ang mga sustansiyang ito ay
makakatulong magpalakas ng
inyong katawan at maging
pananggalang sa sakit at
impeksiyon.
PANGKATANG GAWAIN
Isulat ang P kung ito ay gulay na
mayaman sa protina, K kung
karbohaydrato at B kung mayaman
sa bitamina.
____1, sitaw,
____2.Kamote
____3.Sibuyas
____4. Kalabasa
____5. munggo
Layunin

Nakakagawa ng
plano ng plot o
taniman.
Balik-aral
Ano-anong mga halamang gulay
ang mayaman sa protina?
Karbohaydrato?bitamina?
Balik-aral
Sitaw saba
talong labanos
sibuyas patatas
Mais na pula mani
kamatis kalabasa
Ano-anong
pamamaraan ang
ginagawa sa lupa bago
ito pagtaniman ng mga
halamang gulay?
Ang lupa ay inihahanda muna
bago ito taniman ng gulay. Higit na
maraming uri ng gulay ang
maitatanim kung maayos at
nakahanay ang mga halamang
gulay. Ito ay magagawa kung
ilalagay sa kamang taniman o
vegetable plot ang mga pananim.
Ang pagpaplano sa paggawa ng
vegetable plot ay makatutulong
upang mas maging maayos at
higit na mas maraming gulay ang
maitanim sa lupang taniman.
Ang mga sumusunod ay gabay sa pagplano ng
paggawa ng plot o taniman:
1. Sukat ng lupang tataniman ng gulay.
- alamin ang sukat at hugis ng lupang tataniman upang
makita ang disenyo ng plot na gagawin.
- kinakailangang sapat ang lapad at laki ng bawat
kamang taniman
upang maluwag na makagalaw ang sinumang gagawa
rito.
Karaniwang may isang metro ang lapad ng bawat
kamang taniman.
Ang haba nito ay nakabatay sa laki ng lugar na
pagtataniman.
2. Uri ng lupa.
- ang matagumpay na paghahalaman
ay nakasalalay sa uri ng lupang
tataniman.
3 uri ng lupa
a. luwad
b. buhangin
c. loam – pinakaangkop na pagtamnan
dahil ito buhaghag,
magaan at madaling bungkalin.
3. Sikat ng Araw –
Mahalagaang sikat ng araw upang
makapag-ani ng malusog at mataas
na uri ng gulay. Ang init ng araw ay
nakatutulong sa mga dahon ng
gulay na makagawa ng sariling
pagkain na nakukuha sa luntiang
kulay ng dahon na tinatawag na
chlorophyll.
4. Pinanggagalingan ng Tubig at
daluyan ng tubig
– Ang isang halamanan ay kailangang
itatag sa isang lugar na may
pinanggagalingan ng tubg ng balon, ilog
o sapa. upang magkaroon ng sapat ng
pandilig. Ang kalamanang salat sa tubig
ay hindi magtatagumpay lalong lalo na
sa panahon ng tag-init.
Magbigay ng limang
paraan ng
pagpaplano sa
paggawa ng plot o
taniman.

You might also like