Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 31

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KAGAWARAN NG EDUKASYON
SAN JOSE NATIONAL HIGH SCHOOL-
Annex
PILI, CAM. SUR

FILIPINO 7
IKALAWANG MARKAHAN
ARALIN 2.2
ALAMAT NG ISLA NG PITONG
MAKASALANAN
ISLA SIYETE PECADOS
Nasubukan mo na bang sumuway sa inyong magulang?
Paano mo sila sinuway?
Ano ang ibinunga ng iyong pagsuway
Sa iyong palagay, paano maiiwasan ng pamilya ang mga
sitwasyong maaaring humantong sa pagsuway ng anak sa
magulang?
MAGBIGAY NG SARILING
INTERPRETASYON SA MGA SUMUSUNOD
NA SALITA

MAPAGKALINGA MAUNAWAIN

MAPAGMAH
AL
RESPONSABLE
MAPAGBIGAY
MAGBIGAY NG SARILING INTERPRETASYON
SA MGA SUMUSUNOD NA SALITA

DAYUHAN BAGUHAN

ESTRANGHE
RO
HINDI KILALA WALANG
NAKAKAALAM 
MAGBIGAY NG SARILING INTERPRETASYON
SA MGA SUMUSUNOD NA SALITA

MATIGAS ANG ULO IRESPONSABLE

SUWAIL
PASAWAY
HINDI MASUNURIN
“SINING-BASA”.

• Babasahin ng isang pangkat ang alamat habang ang


isang pangkat ay isinasakilos ang mga pangyayari
DISKUSYONG PANEL

PARA SA IKATLONG PANGKAT:


SILA AY GAGANAP SA MGA TAUHAN NG BINASANG
ALAMAT AT ANG IBANG PANGKAT AY MAGTATANONG SA
KANILA.
PANONOOD NG ISANG ALAMAT MULA SA
YOUTUBE
PAGHAMBINGIN ANG DALAWANG ALAMAT
AYON SA ELEMENT NG MGA ITO

ELEMENTO ALAMAT NG ISLA NG ALAMAT NA NAPANOOD


PITONG MAKASALANAN
TAUHAN
TAGPUAN
BANGHAY
SIMULA
TUNGGALIAN
KASUKDULAN
KAKALASAN
WAKAS
MAHAHALAGANG ARAL NA
TAGLAY NG ALAAMT
MAGAGAWA NATIN!

ANO ANG GAGAWIN MO SA SUMUSUNOD NA


SITWASYON?
Kahit hindi ka pa nakapagpapaalam sa iyong magulang ay nangako
ka na sa iyong kaklaseng sasama sa sleepover sa kanilang bahay
para ipagdiwang ang kanyang karawan. Nang magsabi ka sa iyong
magulang ay hindi ka nila pinayagan dahil ayaw nilang nakikitulog
ka sa ibang bahay. Ano ang gagawin mo?
Sabado ng gabi, abala sa panonood ng telebisyon habang
naglalaro ng iyong paboritong video game sa iyong tablet
nang tawagin ka ng iyong nanay upang tumulong sa
paghahanda ng mesang kainan. Ano ang gagawin mo?
Napapansin ng magulang mong labis kang nagbababad sa harap ng
computer o kung hindi naman ay nawiwili sa pagte-text, panonood ng
telebisyon at pakikipagtawagan sa iyong mga kaklase. Dahil dito’y
kapansin-pansin ang pagbaba ng iyong mga marka sa paaralan.
Sinabi nilang mula ngayon ay bibigyan ka na lang ng isang oras na
paggamit ng computer sa bawat araw, ang cellphone ay mahahawakan
mo na lang din ng isang oras sa maghapon, at ang telebisyon ay dapat
nakasara na pagdating ng ikawalo ng gabi. Ano ang gagawin mo?
PAGSULAT NG JOURNAL

Bakit kailangang igalang at sundin ang payo ng ating mga


magulang?
Maglahad ng sariling karanasan na ang pagsunod sa kanila
ay nakabuti sa iyo?
MGA PAHAYAG SA
PAGHAHAMBING AT IBA
PANG KAANTASAN NG
PANG-URI
PAGHAMBINGIN ANG MGA
SUMUSUNOD NA LARAWAN
KAANTASAN NG PANG-URI

PANG-URI
 bahagi ng pananalitang naglalarawan o nagbibigay-
turing sa pangngalan o panghalip
Halimbawa:
LANTAY 1.Malaki ang
Naglalarawan responsibilidad ng
lamang ng iisang magulang sa pagpapalaki
pangngalan o ng mga anak.
panghalip. 2.Mahirap ang tungkuling
ito.
PAHAMBING
Halimbawa:
Palamang o Pasahol
1. Mas mahirap ang hamon sa mga
Nagsasaad ng nakahihigit o magulang ngayon kaysa noon.
nakalalamang na katangian
ng isa sa dalawang
pangngalan o panghalip na 2. Mas Mabuti pa rin ang pagbabasa ng
pinaghahambing. aklat kaysa pagbababad sa harap ng
Ginagamit ang mga Internet.
katagang higit, mas, lalong,
di gaano, di gasino at iba pa.
PAHAMBING
PATULAD Halimbawa:
Nagsasaad ng magkatulad Ang telebisyon at Internet ay parehong
o magkapantay na masama kapag nasobrahan.
katangian ng dalawang
pangngalan o panghalip.
Ginagamit ang mga Ang impluwensiyang dulot ng mga ito
panlaping tulad ng sa isipan ay magsindami
sing/sin/sim,
magsing,kasing o ng mga
salitang kapwa, pareho
PASUKDOL
Nagpapakita ng pinakamatindi o
pinakasukdulang katangian sa Ang pinakamalaking hamon para sa
paghahambing ng higit sa dalawang lahat ng magulang ay kung paano
pangngalan o panghalip. mapapalaki nang Mabuti at ng may
magagandang asal ang mga anak sa
Ginagamit ang mga panlaping panahong nagkalat ang masasamang
pinaka, napaka, pagka- kasunod ng
impluwensiya sa lipunan.
pag-uulit ng salitang-ugat o ng mga
salitang ubod ng, hari ng, sakdal,
sobra.
PAGBUO NG PANGUNGUSAP
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod sa
paghahambing. Gawing paksa ang pagiging mabuting anak, kapatid, o
kapamilya.
1. Higit na Mabuti
2. Di-gaanong malakas
3. Mas masaya
4. Lalong mahirap
5. magsinghalaga
MADALI LANG ‘YANG
Panuto: Tukuyin ang mga pang-uring ginamit sa bawat pangungusap.
Pagkatapos ay suriin ang kaantasan nito.
1. Ang dalisay na pagmamahal ng magulang ay kailangan ng mga anak.
2. Mas makabubuti sa mga anak kung palakihin silang may disiplina kaysa
palakihin sila sa layaw.
3. Magsinghalaga ang ama at ina sa buhay ng kanilang mga anak.
4. Maraming libangan ang nagtuturo ng maling pagpapahalaga sa kabataan.
5. Pinakamahirap iwasan sa lahat ng makabagong gamit ang telebisyon dahil
lagi itong nakikita at sa isang pindot lang sa remote ay bubukas na ito.
SUBUKIN PA NATIN
Panuto: Punan ng wastong kaantasan ng pang-uri ang bawat
pangungusap. Gawing gabay ang salitang-ugat sa loobng
panaklong gayundin ang diwang taglay ng pangungusap.
1. Ang (buti) _________ anak ay marunong sumunod sa
payo ng magulang.
2. Sa ngayon, (marami) _________ kabataan na ang
nalululong sa paglalaro ng video games kaysa noong
nagdaang panahon.
3. Ang tamang paggabay sa mga anak ay (mainam) ________ pa
ring paraan ng pagtuturo kaysa sa labis na pamamalo o pananakit
ng bata.
4. Natutuhan natin mula sa binasang alamat na sa lahat pala ng
maaaring gawin ng anak, ang (masakit) ___________ sa isang
magulang ang pagsuway ng anak na humahantong sa sarili niyang
kapahamakan.
5. Kaya bata, pilitin mo sanang maging (msunurin) ___________
ngayon kaysa noong bago mo mapag-aralan ang ating aralin.
 PANOORIN
Kung ikaw ay gagawa ng sariling
alamat, ano magiging paksa mo na
makapagbibigay-aral sa mga
kabataang tulad mo?
PAGSULAT NG ALAMAT SA ANYONG KOMIKS
Mga Pamantayas 4 3 2 1

Malinaw na nailalahad ang nilalaman ng komiks.


Malikhain at masining ang presentasyon ng binuong komiks.
Maikli ngunit nakakukuha ng interes ang kwento at pamagat
Ang guhit kahit simple lang ay angkop na angkop sa
kwentong inilalahad
Lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga panyayari.
Kabuuang puntos
4- Napakahusay 2- katamtaman
3- Mahusay 1- kailangan pa ng kasanayan

You might also like