PAGBASA

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 33

PAGBASA

Pagbasa ay nangangailangan ng mahusay na pagkilala,pagkuha at pag-unawa ng mga


ideya/ o kaisipan mula sa mga simbolong nakalimbag.

“Ang isang taong nagbabasa ay isang taong nangunguna”

- Lord Chesterfield

Ang pagbabasa ay isang psycholinguistic game na ang sinumang nagbabasa au


bumubuo muli ng isang ideya mula sa ideya ng awtor hango sa akdang binasa.

- Goodman

“ Nanganagilan ng imbak na kaalaman ang isang mambabasa upang maiugnay niya


ang kanyang mga binasa sa mga konspto o impormasyong namamasid.

- Coady1979
“Ang pagbasa’y isang bahagi ng pakikipagtalastasan na kahanay ng pakikinig, pagsasalita
at pagsulat”
- (Bernales, et.al)

” Mahalaga ang ginagampanan ng pagbabasa sa paghahasa ng talino at isipan. Kailangan


ang masidhi at malawakang pagbabasa na siyang magbububukas ng daan ng lahat ng
karunungan at disiplina tulad ng agham panlipunan, syensya, matematika, pilosopiya,
sining at iba pa…..(Bernales et.al 2001)
 
“Ang matagumpay na pagbasa au nakasalalaysa mismong pang-unawa sa proseso
ng pagbasa at nagpapahintulot na matuto ng mahuhusay na istratehiya sa pagbsa”
- Weaver, C.(1980)

“Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga karanasan; naglilimita sa depinisyon ng pagbasa


bilang interpretasyon ng mga grapikong simbolo.Kompleto ang isang pagbasa kung ang
komprehensyon ay narating”.
- (Dechant (1991)
“Ang mahusay na pagbasa ay nakadepende sa masusing pagkilala ng mga letra, salita at
kung paano binabaybay ang mga ito. Kapag ito’y nangyari, magiging pamilyar na ang mga
mambabasa sa pagkilala ng mga salita at magtutuloy-tuloy na ang daloy mula sa
pagkakasulat, pagkakalimbag hanggang sa pagbuo ng kahulugan”
- (Adams 1990)

“Isang aktibong proseso ang pagbasa kung saan ang mga mambabasa ay nag-iinterak sa
teksto upang magbuong muli ng mensahe ng awtor. Maraming nga sa mga riserta ang
napapatunayan na ang pagbasa ay nakadepende sa dating alam ng tagabasa. Ang mga
nakalimbag na simbolo ay nagpapahintulot sa utak naa magreflek sa mga alternatibo habang
nagkokontrak ng mga natutunan”.
- (Barr, Sadow, blachowich (1990)

“Ang pagbas ay nangangahulugang pagkuha ng kahulugan mula sa kombinasyon


ng mga letra at paano ito sinusulat at binabasa, siya’y makababasa”
- (Flesh (1995)

“Ang pagbasa bilang pag-unawa sa kahulugan ng nakalimbag o nakasulat at


pagbibigay ng interpretasyon dito”
-(Hank (1983)
 
“Ang pagbasa ay rekognisyon ng anumang nakasulat o nakalimbag na mga simbolo na
nagiging “stimuli” upang maalala ang kahulugan ng mga nakalimbag na kaalaman /
karunungan mula sa karanasan ng mambabasa.”

- (Bond at Tinker)

“ Ang pagbasa ay ang pinakapagkain ng ating utak (mental food) sapagkat ang
anumang binabasa o kaalamang inilagak sa utak ang pinakapagkain nito.
- G. James lee Valentine(2000)
 
 
PROSESO AT KATANGIAN( William Gray ,sa Bernales et.al )- Ama ng Pagbasa

Apat na hakbang sa pagbasa

Persepsyon.hakbang sa pagkilala sa mga nakalimnag sa simbolo at maging sa pagbigkas


nang wasto sa mga simbulong nababasa.

Komprehensyon. Pagpoprosesong ito ng mga impormasyong kaisipang ipapahayag sa


simbulong nakalimbag ng binasa.Ang prosesong ito ay nagaganap sa isipan. Ang pag-unawa
sa sa tekstong binabsa ay nagaganap sa hakbang na ito.

Reaksyon. Hinahatulan at pinagpapasyahan ang kawastuhan ,kahusayan at pagpapahalaga ng


isang tekstong binasa.

Asimilasyon. Isinasama at iniuugnay ang kaalamang binasa sa mga dating kaalaman at /o


karanasan.
Ilang paglalarawan sa pagbasa ayon kay Badayos (2000)

1. Ang pagbasa ay walang kahingiang imposible para hindi ito maisagawa ng isang
mambabasa

2. Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-iisip.Utak ang ginagamit sa pagbabasa at hindi ang
mga bata na tagahatid lamang ng imahe o mensahesa utak. Sa mga bulag, pandamaang
pumapalit sa mga mata nang mga imahe mula sa braille na kanilang binabasa ay makarating
sa utak upang maiproseso.

3.Ang epektib na mambabasa ay isang interaktib na mambabasa. Sa pagbabasa, ang isang


mambabasa ay nakagagawa ng interaksyon sa awtor, sa teksto at sa kanyang sarili mismo.
Kung siya ay intektib sa kanyang pagbabasa, epektib siyang mambabasa.

4. Maraming iba’t ibang hadlang sa pag-unawa,bukod pa sa mga hadlang sa pagbasa.Hindi


dapat ipagkamali ang isa’t isa.

5.Ang magaling na mambabasa ay sensitib sa kayariang balangkas ng tekstong binasa.

6. Ang mabilis na pag-unawa sa teksto ay nakapagpapabilis sa pagbasa.


 
MGA TULONG SA PAG-UNAWA SA PAGBASA
1. Alamin ang kasingkahulugan o salungat na kahulugan ng salita. Diksyunaryo

2. Kaalaman sa palabuuan ng salita. Ang mga salitang Filipino ay nabubuo sa apat na


anyo;ang salitang –ugat, maylapi, inuulit at tambalang –salita.

3. Kunin ang context clue. Nauunawaan ang isang pahayag sa pagkuha ng pahiwatig na
kahulugan ng mga salitangb kasama nito sa pahayag. Ang mga salita sa pangungusap ay
nagkakaisa at nagtutulungan para maihatid ang buong diwa ng pangungusap.Sa pamamagitan
ng pagkaunawa sa ibang salita na kasama sa salitanf di nauunawaan ,mahiwatigan ang
kahulugan ng salitang di-nauunawaan ang kahulugan.

4. Kaalaman sa hiram na salita o panghihiram ng salita.

5. Kaalamanan sa kahulugang “denotasyon at konotasyon” ng salita.


MGA KASANAYAN SA PAGBASA ( Smith at Dechant,Sining sa Pakikipagtalastasan
,Alcomtiser P. Tumangan p. 106 )

1. Pagkilala sa salita

2. Pag-unawa sa salita

3. Tulin sa pagbasa ng tahimik

4. Yumayaman ang talasalitaan

5. Nagiging mapanuri sa pagbasa at pagpapahalaga

6. Sanay bumasa sa pagitan ng mga linya

7. Nakapagsusuri ng mga materiyal upang makuha ang mga pangunahing


kaisipan at layunin sa pagbabasa

8. Maliwanag na pagbasang pasalita

9. Natututong gumamit ng graft,mapa at tsart

10. Marunong gumamit ng aklatan at mga sangguniang aklat.


MGA TEORYA ng PAGBASA:
Ang Teoryang “ Bottom-Up”
Tradisyunal ang ganitong teorya na nagsasabing ang pagbasa ay mula sa mga limbag na
letra o na inuunawa ng mambabasa ayon sa tunog ng partikular na wika.Ang prosesong
nagsisimula ang komprehensyon sa mga nakalimbag na babasahin (ibaba) patungo sa kaisipan
ng mambabasa (itaas). Ayon kay Smith (1983) dapat tawagin itong outside-in o data driven
pagkat ang pagkaunawa sa informasyon ay hindi nagmula sa mambabasa kundi sa teksto.Ito
ang pangunahing dahilan kung bakit hanggang ngayon, palasak pa rin ang mga pagsasanay sa
tunog (phonics drill) pagsusuring istruktural at paggamit ng mga flash card.

2. Ang Teoryang “Top-Down”


Kabaligtaran ito ng nauna, hindi lamang sa istruktura kundi maging sa
paniniwalang holistic ang ganitong proseso (sikolohiyang Gestalt). Pinaniniwalaang bago pa
man magbasa ang isang tao,mayroon na siyang imbak na kaalamang kanyang ginagamit
upang matutuhan ang kanyang binabasa. Anf teoryang ito ay pinaninindigan ni Goodman na
para sa kanya ay inside-out o conceptually-driven naman. Ang informasyon ay nagmumula sa
mambabasa patungo sa teksto.
3. Ang” Teoryang Interaktib”
Ang teoryang ito ito ay ang “pinagsama” ang dalawang naunang teorya.Ayon
kay Badayos “Pumapasok na rin ito sa larangan ng metakognisyon ….ang kamalayan at
kabatiran sa taglay na kaalaman”
METAKOGNISYON( Stewart at Tei (1983)
“Ang metakognisyon ay tumutukoy sa pagkakaroon natin ng kasanayan;
”Ang metakognisyon ay kamalayan sa angkingkasanayan at ang pagkontrol sa mga kasanayan
ito”.
Brown (1985)
“Ang metakognisyon ay tumutukoy sa ating kamalayan sa mga proseso sa pag-iisip habang
gumagawa tayo ng pagpapakahulugan”.

4. Ang teoryang Iskema


Ito ang pinagbabatayan ng mga paniniwala sa imbak na kaalaman na
binanggit natin sa mga unang bahagi ng aking lektyur.Para kina Barlett at Rumelhart. Ang
imbak na kaalaman ay ang sanligan (background knowledge) at ang balangkas ng dating
kaalaman ay isang iskema (plural ng iskema). Para kay Shanklin (1982)” ang mga iskema ay
nabubuo mula sa mga karanasan subalit nagkaroon ng abstraktong representasyong hiwalay sa
orihinalna konteksto at karanasan.”
PORMULASYONG SM3B SA PAGBASA
 
S- Survey .binubuo ng tatlong gawain gaya ng: 1. BAlik-gunita sa ating nalalaman
kaugnay ng paksang babasahin; 2. Pagkilala sa mensaheng ibig ipabatid ng awtor 3.
Pagpapasya sa layunin natin sa pagbasa.

M- magtanong . pagkatapos ng sarbey, magtanong ng nais mong malaman sa teksto.


Mahalaga ang mga tanong na sino,saan,ano,kailan,paano, at bakit.

B- Pagbasa. Simulang basahin ang teksto pagkatapos na mapili ang pamamaraang angkop
sa layunin

B- Balik-basa. Basahing muli ang teksto upang matiyak kung nakuha ang kasagutan sa
mga tanong.

B- Buod. Ayusin ang mga ideyang napili upang magamit sa maayos na pag-uulat.Ang
paggawa ng buod sa binasa at katiyakan na nauunawaan ang binasa.Nakatutulong sa
paggawa ng buod o lagom ang paggawa ng balangkas ng binasa.
 
MGA ISTILO NG PAGBASA
 ISKANING- istilo ng pagbasa ay gawaing napakabilis ito na hindi naisasakripisyo ang
pagkilala at pag-alam sa layunin.Nagagamit din ito sa paghahanap mula sa maraming
babasahin ng mga artikulo sa riserts, pagkuha ng pangkahalatang impresyon sa
nilalaman at iba pa.

 ISKANING- higit na nakafokus sa isang tiyak na imformasyon sa isang pahina.Ang


mahalaga ay Makita ang isang tiyak na nais sa pinakamabilis na paraan.

 PREVYUWING- ang unlaping pre_ ay nangangahulugang bago gawin.

 KASWAL- ito ay bihirang manyari sa modernong mundo ngayon, ang pagbasang


pansamantala o di palagian lamang.

 INFORMATIV- ang layunin ay maragdagan pa ang kaalaman.Ganito ang dapat na


pagbasa ng isang pahayagan, librong pinaghahanguan ng impormasyon nauukol sa
iyong asayment o anumang layuning makapagbigay ng wastong kabatiran.
 KRITIKAL- Istilong dapat gamitin kung ang layon ay makagawa ng isang
komprehensibong report, riserts at iba pang dokumentong nangangailangan ng
matibay na batayan.Sa kritikal na pagbasa, sinusuri nang husto ang bawat pahayag
upang hindi maligaw sa pag-alam ng tunay na kahulugan.

 MULING- BASA- ay kinakailangan kung nagkaroon ng iba pang bagay na dapat


kumpirmahin.MAkabubuti ang ganitong istilo upang matiyak ang mga impormasyong may
kaunting kalabuan pa sa mambabasa.Inirerekomenda rin ang ganitong pagbasa lalo na sa
akdang pamoanitikan,particular sa tula, na tunay na binabalot ng matatalinghagang
pahayag.

 PAGTATALA- Sa mga mahahaba at kumplikadong artikulo, ipinapayo ang ganitong istilo


lalo pa’t may layuning maisaulo ang mga bagay na nabasa. Makabubuti kung gagamit ng
mga nowt pad o kaya naman, kung pag-aari ang libro ay lagyan ng mga marker na
magpapaalala sa mga datos na nais tandaan.
 INTERPRETING/INTERPRETASYON- nakakatulong ito upang unawain ang
mga detalye, masabi ang kaibaham ng pangunahin at sekondaryang ideya,malaman
ang lahat tungkol sa teksto-ang rason ng pagkakasulat nito, ang mga faksyonal na
salitang ginagamit at iba pang bokabularyo.Mapaghuhusay ang interpretasyong
gagawin sapagkat mapagkukumpara ang kasalukuyang binabasa sa dati nang nabasa.

 PREDIKTING- Nakatutulong ito upang magamit ng mambabasa ang mga


klu.NAgprepredik siya ng maaaring kalabasan ng binabasa.

 ANOTEYTING- Nagbibigay ng mga paliwanag, sinasalungguhitan angmga tuwirang


sabi hinahaylat ang mga mahahalagang datos na dapat tandaan at nagsususlat sabi sa
mgamargin ng aklat kapag gustong mag-anoteyt.

 PAGBABALANGKAS-Isang paraang pormal ito upang iorganisa ang mga material sa


malinis at maayos na pamamaraan upang matandaan ang mga ideyang gustong tandaan.
Mula sa mga panlahat patungo sa ispesipiko ang agos ng balangkas.
MALALIM na PAGBASA ( In-depth Reading)- Kapag natukoy na ang mga seksyon na
gustong maintindihang mabuti,kailangan basahin muli ang buong nilalaman ng seksyon at
magtanong:

REFLEKTING- Nagrereflek ang tagabasa sa kanyang binasa lalo’t kritikal ito sa mga
kumokontra sa kanyang mga ideya at opinyon.Dapat matanto ng isang nagsusulatna hindi lahat
ng tagabasa ay sasang-ayon sa inyong sinasabi. May iba rin silang opinyon
ANG PAGKUHA NG KAHULUGAN (Resuma at Semorian, Kominikasyon sa Filipino
(2002)

Pahiwatig na Kontekstwal (Context Clues). Ang salita ay hindi lamang iisa ang
kahulugan nababatay mangyari pa , ang kahulugan sa konteksto o gamit nito sa isang pahayag.
Mula, dito ang pahiwatig na kontekstwal ay anyong:
a. Depinisyon: Ang kahulugan ay mababasa rin sa ibang bahagi ng pangungusap.

b. Karanasan: Nahango ang kahulugan batay sa mismong karanasan nabanggit sa


pangungusap.

c. Salungatan: Bukod sa kasingkahulugan, higit na mabuting malaman din naman ang


kahuluga sa pamamagitan ng kasalungat nito.

d. Pahiwatig: Mababatid ang kahulugan kung matitiyak ang sanhi at bunga ng pahayag.

e. Pagsusuri: Lubhang kailangan sa paraang ito ang kakayahang linggwistika upang


ganap ma suri ang salitang binabasa.
1. Kolokasyon:
iniisip muna rito ang pangunahing kahulugan ng isang salita bago pa ilang
subordineyt na kahulugan.

2. Cline:
Nababatay ang kahulugan ng salita sa intensidad ng kahulugan nito sa pahayag.

3. Klaster:
Napag-uugnay ang mga salita na hindi kailangan magkakatulad ang bahagi ng
pananalita. Kaya klaster pagkat kailangang partnet o magkatambal ang mga salita sa lalo
pang ikalilinaw ng kahulugan.

4. Cloze:
Kilala ang ganitong paraan sa mga pagsusulit na nilalagyan ng patlang o puwang ang
isang pahayag upang matiyak ang kahulugan sa paraang sintaksik(anyo o kayarian) o
kaya’y semantic (kahulugan).
 
 
MGA LEBEL 0 ANTAS NG PANG-UNAWA

Maitutulad ito sa isang baligtad na piramid.

Literal ang nasa ibaba pagkat ito ay minimum na pag-unawang maaaring gamitin sa isang
akda.Sakop lamang nito ang denotatibong kahulugan.

Ang makahulugang pag-unawa ay ginagamitan ng kaukulang interpretasyon .MAaaaring


dito magkaroon ng problema, lalo pa’t may kumplikadong akdang tulad ng Bibliya na may
iba’t ibang uri ng interpretasyon.Nangangailangan dito ng iba’t ibang kasanayan tulad ng
paghinuha, pagtukoy sa mga pangunahing kaisipan at iba pa.

Mapanuri. Lubos ang magiging pag-unawa kung gagamitan ang ganitong level ng mga
simulain sa panunri.Bigyan ng kaukulang ebalwasyon ang istilo at ideya ng awtor.
Pinagsanib ang pag-unawa kung nailalapat ang iba pang kaalamang makakatulong sa lalo pang
ikauunawa ng binasang akda.Lalo pa itong mapahuhusay kung magagamit sa mga tiyak at
tanging sitwasyon ang mga binasa.

Ang pinakamataas ay ang malikhain.Ang paglikha ay isang kapangyarihang gumawa ng isang


bagay mula sa kawalan .Hindi man ito ganito ka istriktong pakahulugan ditto, sinasanay sa
ganitong uri ng pang-unawa ang bumabasa na gumawa ng mga bagay na artistic tulad ng
pagbabago sa kinahihinatnan ng wakas o mismong paggawa ng isa pang anyo ng panitikang
kaugnay ng binasa.
Mga Istratehiya sa Pagtuturo ng Pagbasa

May iba’t ibang yugto ng pagbasa at nakasalalay sa mga yugtong ito ang nararapat gamiting
istratehiya. Sa araw-araw na pagpapabasa, mahalagang isaalang-alang ang mga yugtong ito.

a. Paghahanda-Pagpili ng teksto, pag-uugnay sa karanasan, paghahawan ng mga balakid,


pagbibigay ng layon sa pagbasa

b. Pagbasa-Pagbasang Pabigkas, pinatnubayang pagbasa at pag-iisip at malayang pagbasa

c. Pagtugon-Pagsulat sa mga log at pagtatalakayan

d. Pagpapalawak-Muling pagbasa upang gumawa ng pag-uugnay, palalimin ang interpretasyon


at suriin ang kahusayan ng awtor

e. Ekstensyon-Pagbubuo ng mga proyektong tulad ng drama, pagguhit, paglikha ng awit, atbp.,


bilang pagpapalalim ng interpretasyon
Panimulang Pagbasa
Dalawa ang larangan ng pagkilala ng salita na kung tawagin ay kasanayan sa pag-decode
(Morrow, 1993).

Ang isa ay pagkilala ng mga titik na kaugnay ng tunog (phonics/phonemic awareness) at


ang isa ay istruktural na analisis.
Sa istruktural na analisis ay kinikilala ang anyo at pagkakabuo ng titik na simbolo ng
tunog. Sa kamalayang ponemika ay iniuugnay ang titik sa mahalagang tunog.

Ang mga hakbang sa pagtuturo nito ay:

Panimula-Pagpapaliwanag ng pag-aaralan

Pagtuturo-Pagkilala ng tunog at pag-uugnay ng tunog sa simbolo

Pinatnubayang pagsasanay-Pagkilala ng nakalimbag na tunog sa mga salita

Paglalagom -Paglalahat sa natutuhan at paano ito magagamit


Mga Istratehiya sa Paglinang ng Komprehensyon
Pag-iisip na Pabigkas o Think-Aloud (Pang-elementarya)

Iminomodelo ng guro ang proseso ng pag-iisip na ginagawa habang nagbabasa sa pamamagitan


ng pag-iisip nang pabigkas habang may binabasa.
Pinapatnubayan ang bata sa istratejik na pagtatanong habang nagbabasa.

Pagsusuri ng Kayarian ng Kuwento o Story Grammar


Sinasanay ang mga mag-aaral na suriin ang mga sumusunod na elemento ng kuwento: 1) paksa
2) serye ng mga pangyayari 3) tagpuan at tauhan at 4) kinalabasan.

Pamagat ng Kuwento

    Mga  
Tagpuan Suliranin Pangyayari Wakas
KWL (Known, Want to Know, Learned) o ANNA (Alam na, Nais Malaman, Nabatid)
Tulad ng paliwanag sa istratehiya sa pagsasalita, itinatala sa tsart ang Alam Na, Nais
Malaman at Nabatid ng mga Mag-aaral sa binasa.

Ugnayang Tanong-Sagot
Sa pamamagitan ng kagyat na fidbak, natuturuan ang mag-aaral na tukuyin kung ang
mga tanong sa binabasa ay nasa teksto mismo, kailangang isipin at hanapin ang sagot,
binubuo sa isipan ng mambabasa o mabubuo sa isipan sa tulong ng mga impormasyong
inilahad ng awtor.

Pinatnubayang Pagbabasa-Pag-iisip (Directed Reading-Thinking Activity)


Magbibigay ng hula ang mga mag-aaral tungkol sa teksto batay sa karanasan at
impormasyong galing na rin sa teksto
Babasahing muli ang teksto upang patunayan ang hula / hinuha
Magbibigay ng suporta at patunay sa ibinigay na hula batay na rin sa tekstong binasa
Pinatnubayang Pagbasa o Directed Reading Activity (DRA)

Paghahanda sa pamamagitan ng pag-uugnay ng babasahin sa dating


karanasan ng mag-aaral

Pagbibigay ng mga tanong na magiging patnubay sa pagbasa

Pagtalakay/Pagsagot sa mga pamatnubay na tanong

Muling pagbasa sa seleksyon

Makabuluhang gawaing pasulat o pagpapalawak ng talasalitaan


Group Mapping Activity
Sa istratehiyang ito, magbubuo ang mga mag-aaral ng mapa ng kanilang interpretasyon sa
nilalaman ng tekstong binasa. Kung ang binasa ay tekstong naratib, maaaring ilahad sa grap
ang story map. Kung ekspositori naman ang teksto, iba’t ibang uri ng mapa ang magagamit
upang bumuo ng sintesis ng mga impormasyon.
Mga Pagdulog sa Pagtuturo ng Panitikan (Pansekundarya)
Pagdulog Historikal
Ang talakay ay umiikot sa buhay at panahong iniikutan ng mga tauhan at pangyayari
sa akda. Sinusuri ang akda bilang kaugnay ng mga tunay na pangyayaring naganap.

Pagdulog Sosyolohikal
Ipinakikita ang mga katauhan at pagpapahalagang nauugnay sa iba’t ibang
sektor ng lipunan.

Pagdulog Moralistik
Binibigyang-pansin ang pagsusuri sa bisa ng panitikan na itaas ang kaasalan, kaisipan
at damdamin ng tao.

Pagdulog Istaylistiko
Sumusuri ito sa istilo, mga kagamitan at pamamaraang ginagamit ng may akda.
Binibigyang pansin din ang wikang ginamit ng awtor, pananaw, paraan ng paglalarawan ng
mga tauhan, tayutay, simbolo at mga teknik sa pagpapayaman ng kahulugan.
Pagdulog Peminismo
Binibigyang-pansin sa dulog na ito ang kakayahan ng mga manunulat na babae at ang
sensibilidad, diwa at kalagayan ng kanilang akda, katayuan ng mga tauhang babae sa lipunan at
mga isyung may kaugnayan sa usaping pangkababaihan.

Klasisismo
Pinangingibabaw ang bisa ng panitikan sa isip kaysa damdamin. Mahalaga at pili ang mga
kilos, galaw at salita ng mga tauhan sa akdang klasiko, kayat ang mga ito rin ang sinusuri.

Romantisismo
Nangingibabaw ang damdamin kaysa isip sa ilang mga akda. Pag-ibig ang pangunahing
paksa ng ilang teksto kayat ang pamamayani ng damdamin sa isip ang sinusuri.

Moral-Filosopikal
Pinipiga ng isang manunuri ang akda batay sa mga dayalog dito o sa mga siping sabi na
siyang magpapatibay ng malalim na layunin ng may-akda.
Formalistik
Sinusuri ang mga lantad na katangian ng akda tulad ng anyo, pamagat, bilang ng mga
taludtod, bilang ng mga kabanata, atbp.

Sikolohikal
Isinasailalim sa pagsusuri ang mga kilos, pananalita, paniniwala at gawi ng mga tauhan sa
akda. Binabasa ng manunuri kung umaayon sa takbo ng kanyang kaisipan at mga paniniwala
ang tauhan.

Historikal-Biografikal
Tunguhin nito ang alamin ang nakalipas lalo na kung ang akda ay sumasalamin ng
karanasan ng sumulat o kaya ay repleksyon ng isang tao sa isang

You might also like