Oryentasyon Fil 101

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 42

Maligayang

pagbabalik
eskwela 2.0
#VirtualNaPagkatuto

#FilipinoAngPiniliKo

https://meet.google.com/qmy-wqsk-abx
PANALANGIN
Mga Paksang Tatalakayin:

Unang Bahagi - ORYENTASYON SA KURSONG KINUHA


1. Pagpapakilala ng Guro at Asignatura – FIL 101 – Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
2. Mga Pangangailangan ng Kurso at Iba Pa
3. Tanong-sagot
Ikalawang Bahagi – VIRTUAL NA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA
4. Maikling Pagtalakay tungkol sa Tema
5. Patimpalak
6. Parangal
7. Mensahe ng Guro
Republic of the Philippines
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION
BAAO COMMUNITY COLLEGE
San Juan, Baao, Camarines Sur
Pangalan ng Guro : KRIZA ERIN B. OLIVEROS /09353560869/kringbabs@gmail.com
Pamagat ng Kurso : Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Kodigo ng Kurso : FIL 101
Kinakailangan sa Kurso : wala
Bilang ng Yunit : 3
Kursong Kukuha : BSE Filipino Major - First Year
Semestre : First Semester
Oras/Lugar : Work from Home
Paraan ng Pakikipag-ugnayan : Facebook messenger GC
Oras ng Konsultasyon : 5:30-8:30 n.g. Biyernes
Lugar ng Konsultasyon : Work from Home – Google Meet. Facebook Messenger
LMS Link/Passcode : Google Classroom (76yubxx)
DESKRIPSYON NG KURSO

Ang kursong ito ay tumatalakay sa mga


teoryang (sikolohikal, sosyolohikal,
antropolohikal, lingguwistik, at iba pa)
nakaiimpluwensiya sa pagkatuto o
pagtuturo ng wika.
RASYONAL NG KURSO

– Ang Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika ay 3


yunit na kurso para sa mga nasa unang taon
na nagmemedyor sa asignaturang Filipino.
Ang kursong ito ay magbibigay ng mga
panimulang pagtalakay sa mga paksang may
kaugnayan sa simulain sa pagkatuto ng wika.
MGA INAASAHANG RESULTA NG KURSO

– Sa pagtatapos ng kurso, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:
1. maipahayag ang katuturan ng pag-aaral ng wika;
2. matukoy ang mga teorya, simulain at salik sa pagkatuto ng
wika;
3. matalakay ang mga makrong kasanayan sa wika; at
4. makabuo ng mga salita, pangungusap at akda batay sa mga
natutuhang mga pamantayan.
 
LUGAR NG SILID-ARALAN: Work from Home.
MGA PANGANGAILANGAN SA KURSO
– • Proyekto at Awtput
– • Katayuan sa Klase, Partisipasyon o Atendans
– • Mga Pagsusulit
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

– Awtput at maikling Pagsubok 20%


– Kalagayan sa Klase at Atendans 20%
– Proyekto at Mga natamong Pagganap 30%
– Eksaminasyon 30%
– 100%

Nilalaman ng Kurso
–Kabanata I: Ang Wika
–A. Wika: Katuturan at Katangian
–B. Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika
–C. Mga Tungkulin ng Wika
–D. Antas ng Wika
Nilalaman ng Kurso
–Kabanata I: Ang Wika
–A. Wika: Katuturan at Katangian
–B. Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika
–C. Mga Tungkulin ng Wika
–D. Antas ng Wika
Nilalaman ng Kurso
–III. Kabanata II: Filipino bilang Wikang Pambansa
–A. Kasaysayan ng Pag-unlad ng Wikang Pambansa sa
Pilipinas

–B. Tagalog, Pilipino, Filipino: Pagkakaiba-iba

–C. Kasaysayan ng Alfabeto at Ortograpiyang Filipino


Nilalaman ng Kurso
–Kabanata III: Dalawang Uri ng Komunikasyon
–A. Verbal
–•Kahulugan
–•Paraan ng pagpapakahulugan

–B. Di-Verbal
–•Kahulugan
–•Iba’t Ibang Anyo
–•Itnograpiya
Nilalaman ng Kurso
–Kabanata IV: Ang Pagtuturo at Pagkatuto ng
Wika
–A. Ang mga Batang Mag-aaral at ang
Pagtuturo ng Wika
–B. Ang mga May-edad na Mag-aaral
–C. Ang mga Tinedyer na Mag-aaral
Nilalaman ng Kurso
–Kabanata V: Mga Pananaw at Teorya sa Pagkatuto ng
WIka
–A. Teoryang Behaviorist
–B. Teoryang Innative
–C. Teoryang Kognitib
–D. Teoryang Makatao
–E. Pagkatuto vs. Akwisisyon ng Wika
Nilalaman ng Kurso
–Kabanata VI: Mga Salik sa Matagumpay na
Pagkatuto ng Wika
–A. Motibasyon
–B. Ang mga Guro
–C. Ang mga Mag-aaral
–D. Mga Estilo sa Pagkatuto
Nilalaman ng Kurso
–Kabanata VII: Mga Yugto sa Pagkatuto ng Wika
–A. Pasumala (Random)
–B. Unitary
–C. Ekspansiyon at Delimitasyon
–D. Kamalayang Istruktural
–E. Otomatik
–F. Malikhain
Nilalaman ng Kurso
–Kabanata VIII: Ang Limang Makrong Kasanayang Pangwika
–Panimula
–A. Pakikinig
–• Kahulugan at Kalikasan
–• Proseso ng Pakikinig
–• Mga Salik na Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig
–• Mga Uri ng Pakikinig
–• Katangian ng Kritikal na Pakikinig
Nilalaman ng Kurso
–B. Pagsasalita
–•Kahulugan at Pangangailangan
–•Katangian ng Mahusay na Tagapagsalita
Nilalaman ng Kurso
–C.Pagbasa
–• Pilisopiya ng Pagbasa
–• Kahulugan
–• Mga Hakbang sa Pagbasa
–• Mga Teorya sa Pagbasa
–• Mga Antas ng Pagbasa
–• Ang Balangkas sa Pagbasa
– • Iba’t Ibang Uri ng Tekstong Akademiko
– Mga Kasanayan sa Akademikong Pagbasa
Nilalaman ng Kurso
–D. Pagsulat
–• Pilosopiya ng Pagsulat
–• Kahulugan at Kahalagahan
–• Mga Layunin sa Pagsulat
–• Pamamaraan sa Pagsulat
–• Ang Pagsulat Bilang Multi-Dimensyonal na Proseso
–• Sosyo-Kognitibong Pananaw sa Pagsulat
–• Mga Uri ng Pagsulat
–• Akademikong Pagsulat
Nilalaman ng Kurso
–E. Panonood
–•Pilosopiya ng Panonood
–•Kahulugan at Kahalagahan
–•Mga Antas ng Panonood
–•Panonood Bilang Multi-Dimensyonal
–•Mga Adbentahe ng Panonood Bilang Isang
Kasanayan
Pamantayan at Panuntunan para sa
Virtual na Pag-uulat
– May maitatalagang dalawa mag-aaral sa bawat paksa ng nilalaman ng kurso
– Sila ay maghahanda ng isang outline o balangkas (para sa guro) at handout (para
sa kamag-aral) ng tatalakaying paksa.. Kalakip nito inihandang slide o video
presentation.
– Ang guro ang maghahanda ng mga gawain at ebalwasyon sa bawat pagkikita
subalit ang mga naatasang mag-ulat ay maghahanda pa rin ilang pagsasanay, laro
o maikling pagsubok para sa kanilang kamag-aral.
– Dapat na recorded ang mga ito upang magkaroon ng pagkakataon na mabalikan at
mapag-aralan ito ng mga kamag-aral. 30 min-1 oras lamang.
– Ang handout at outline ay nararapat na maipasa at maipamudmod tatlong araw
bago ang takdang pagkikita.
Pamantayan at Panuntunan para sa
Virtual na Pag-uulat
– Nilalaman ng Balangkas o Outline ng Paksa
1. Pamagat ng Paksa
2. Motibasyon – isang maikling gawain upang mapukaw ang interes ng kamag-
aral
3. Pagtalakay –nakalahad ang lahat ng mahahalagang impormasyon o detalye
tungkol sa paksa na mula sa iba’t ibang sanggunian
4. Pagsasanay – malikhain at naaangkop na gawaing indibidwal
5. Mga Sanggunian (APA Format)
Pamantayan at Panuntunan para sa
Virtual na Pag-uulat
– Nilalaman ng Handout – ang nasa “Pagtalakay”
– Nilalaman ng PPT – Motibasyon, Buod ng Pagtalakay, pagsasanay, mga larawan,
video clip at iba pa

HAMON…
– DAPAT na ang lahat na ibibigay na pagpapaliwanag at halimbawa (SITWASYON
O KARANASAN) ay ibabatay sa nangyayari sa lokalidad o lipunang
kinabibilangan. NARARAPAT na magkaroon ng kaugnayan ang tatalakaying
paksa sa KULTURA, PANINIWALA AT KATOTOHANANG nagaganap sa inyong
komunidad.
MGA PATAKARAN SA SILID-
ARALAN
– Mga awtput, maikling pagsubok at eksaminasyon
- Magkakaroon lamang ng dalawang pagsusulit (Panggitna at Pinal).
- Ang mag-aaral na nabigong kumuha ng eksaminasyon sa itinakdang panahon
ay nararapat na mabigyan ng pagkakataon makasagot nito kapag siya ay
mayroong katanggap-tanggap kadahilanan kalakip ang mga sumusunod na
katibayan:
• Sakit (Sertipikasyon/Reset ana may Lagda ng Doktor)
• Naospital (Sertipikasyon ng Paglabas sa Ospital)
• Pagkamatay ng malapit na kapamilya
• Mga kaso ng emergency (hal. sunod, lindol. aksidente, at iba pang
katulad)
• Mga kukuha ng mga pambansang pagsusulit tulad ng Civil Service
Examination, TESDA Assessment at iba pang katulad
MGA INAASAHANG MGA POSIBLENG SOLUSYON
KAHIRAPAN AT HAMON

1. Mahina o walang - Magbigay ng sapat na panahon sa mga mag-aaral na makatugon


internet koneksyon. at makapasa sa bawat gawain upang makahanap ng mabilis na
internet o iba pang mapagkukunan.
- Irekord ang bawat sesyon ng webinar maging chat sesyon upang
magkaroon ng pagkakataon ang ilang mag-aaral na hindi naging
presente sa itinakdang iskedyul.

2. Magkasabay-sabay - Magtakda ng regular na iskedyul ng klase at siguraduhing naka-


na iskedyul ng sesyon post ito. Mag- anunsyo rin sa mga magaganap na face-to-face o
ng webinar online session
- Muling ianunsyo ito sa unang pagkikita. Ipaliwanag na ang
iskedyul ng webinar ay maaaring mabago (ibabagay sa
pagkakataon), ngunit nararapat laging bukas ang itinakdang oras
ng klase.
- Buksan ang sarbey para sa webinar skedyul dalawang linggo bago
ito maganap.
- Maghanap ng iba pang alternatibong paraan para sa mga mag-
aaral na hindi makakadalo sa webinar.
3. - Payagan ang mga mag-aaral na magpulong
Koordinasyon sa chat o nang harapan.
sa mga - Hikayatin ang mga mag-aaral na magkaraon
miyembro ng ng iba pang alternatibong paraan ng
pangkat para pakikipag-ugnayan tulad ng Viber, Skype,
sa mga Facebook Messenger, Google Hang-outs, o
pangkatang iba pang online platforms na maaari nilang
gawain gamitin.
 
4. - Maghanda ng Support Forum upang
Pangangailang magkaroon ng pagkakataon ang mga mag-
an ng aaral na magtanong o magbigay linaw
klaripikasyon tungkol sa mga gawain.
sa naitalagang - Ibigay ang numero sa cellphone o landline
gawain ng ng guro maging ang email address nito.
guro
 
MGA PATAKARAN SA SILID-
ARALAN
- Ang mag-aaral na kukuha ng espesyal na eksaminasyon ay
kinakailangang gumawa ng liham na pirmado ng Dekana/o ng Kolehiyo
bago siya pahitulutan ng kanyang instruktor na sagutan ang pagsusulit.
- Walang ibibigay na espesyal na pagsubok, takdang-gawain o mga
pagsasanay. Ang pagliban sa klase nang magkaroon ng pagsubok o
pagsasanay ay mamarkahan ng zero.
- Magkakaroon ng bagsak na markang 5.0 ang sinumang may kulang ng
higit sa isang medyor eksam; may mababang bilang ng sinagutang mga
takdang gawain at pagsubok; o may kakulangang tatlong pagsasanay.
- Maging responsable sa lahat ng pagkakataon
PAGKILALA SA SILABUS

Natitiyak kong nabasa ko ang buong nilalaman ng silabus ng kursong, FIL 101 – Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika at akin ding nauunawaan ang mga
impormasyon at responsibilidad na dapat kong matamo.

BUONG PANGALAN AT LAGDA


PETSA:
PAGDIRIWANG
NG BUWAN NG
WIKANG
PAMBANSA 2020

TEMA:
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
SANGAY NG EDUKASYON AT NETWORKING
BUWAN NG WIKA 2020
“Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika”
Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya

– Nakasentro ang tema ng Buwan ng Wika 2020 sa halaga ng Filipino at mga


katutubong wika sa bansa bílang mabisang sandata sa pakikidigma laban sa
pandemya.
– Layunin nitóng himukin ang BAYANIHAN ng sambayanan upang masugpo ang
patuloy napaglaganap ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga
impormasyon opabatid-publiko na nása Filipino at mga katutubong wika.
– Pagbabantayog itó sa kahalagahan ng mandato ng Komisyon sa Wikang Filipino
(KWF) na itaguyod angpagpapalaganap ng Filipino at mga katutubong wika sa
bansa bílang pinakamabisangmidyum sa pagkakaroon ng kolektibong pag-
uunawaan ng sambayanan.
Ano ang kaugnayan ng wika sa BAYANIHAN?

– Ang pagresolba sa pandemyang dinaranas ng buóng mundo ay hindi lámang nakasalalay sa


pagdiskubre ng “bakuna”— malaking papel ang ginagampanan ng kamalayan o awareness
ng bawat tao ukol sa virus na sa tamang impormasyon aymagkakaroon ng kolektibong
hakbang pára sa prebensiyon ng nakamamatay na sakít.
– Wika ang tuláy sa paghahatid ng kamalayan sa sangkatauhan upang ang COVID-19
aymapigilan. Tinitingnan dito ang Filipino at mga katutubong wika sa bansa
bílangtagapamansag ng kolektibong paghahanap ng pag-asa sa gitna ng krisis o matinding
pangangailangan.
– Hindi nga ba’t sa pagpapaunawa sa mga Filipino, sa anumang antasng búhay, hinggil sa
kinakaharap na sitwasyon, kadalasang napag-iiwanan ang mga nása laylayan ng lipunan
lalo’t banyaga ang wikang ginagamit sa pagpapaliwanag?
– Ngayong taón ay humarap at kasalukuyang humaharap
sa maraming pagsubok angating bansa tulad ng
pagputok ng Bulkáng Taál at pagkakaroon ng
maraming káso ngCOVID-19.
– Sa araw-araw na humaharap ang mga Filipino sa
pagsubok na itó,humaharap din ang (mga) wika sa
mabigat na isyung hatid ng pandemyang itó. Dahildito,
naging mahalaga ang pagpapása at paghahatid ng mga
impormasyon samamamayán.
– Nagbigay-daan itó upang makita ang pangangailangang
maibantayog ang
bawat wika bílang pagtugon sa ibá’t ibáng kalamidad at p
andemya. 
– Ang pagsandig sa wikang sinasalita ng isang pamayanan
ay higit na epektibo hindi lámang sa paghahatidng
impormasyon sa bawat mamamayán nitó kundi sa pag-
aalis ng tákot o stigma dahilnagagawang pag-usapan ang
pandemya sa mga wikang komportable ang mamamayán.
Bakit kailangan ang Maka-
bu o buong Kabisayaan
Filipinong BAYANIHAN?
anap na ginagamit ang
– Ang BAYANIHAN ay tatak Filipino na malawakang nauunawaan at
nagpapatatag samga lokal na komunidad sa buóng bansa. Pagbabantayog

nya kontra COVID-


itó sa kahalagahan ngpaggamit ng Filipino at katutubong wika sa
pagpapalaganap ng impormasyon sapanahon ng pag-iral ng kuwarentena o
quarantine upang bigyang-daan ang pagsibol ng BAYANIHAN.
– Maging sa Cebu o buong Kabisayaan hanggang Mindanao aymalaganap na
ginagamit ang BAYANIHAN sa mga kampanya kontra COVID-19.Pagpupugay
din itó sa mga frontliners na itinuturing nating BAYANI sa panahon ng
pandemya.
– Binibigyang-pansin ng BAYANIHAN ang idea ng pagbibigay ng
impormasyon nanaaayon sa wika ng pamayanan. Patunay dito ang
isinagawang malawakang pagsasalinsa mga katutubong wika sa bansa bílang
paunang inisyatiba ng Kagawaran ngKalusugan kaugnay ng mga bagay na
mahalagang mabatid ng publiko ukol sa COVID-19.
– Itó rin ang itinatagubilin ng Senate Bill No. 1539 (Language Accessibility of
Public Information on Disasters Act) na isinusulong ni Sen. Manuel “Lito"
M. Lapid upang higit na mapalakas ang mga pagsisikap na pahalagahan ang
Filipino at mga katutubongwika ng pamayanan dahil madali at mabilis
nitóng naitatawid ang mensahe ng pamahalaan tungo sa komunidad.
Ang BAYANÍHAN ay para sa lahat, itó ang pagkakaisang
lubhang kailangan upangmapagtagumpayan ang pandemya
sa pamamagitan ng pagdadamayan.

PINAGKUNAN:
https://www.thesummitexpress.com/2020/07/buwan-ng-wika-20
20-theme-official-memo-poster-sample-slogan.html
Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan
Kontra Pandemya

– Ang tema ng Buwan ng Wika 2020 ay hinati sa apat na lingguhang tema:


 

Pagtangkilik sa Katutubong Wika bílang Pagpapahalaga sa mga Pamanang Pangkultura


sa Panahon ng Pandemya

Katutubong Wika: Wika ng Pagtugon at Artikulasyon ng Bayanihan sa Panahon ng Krisis


at Pandemya

Kasaysayan ng Wika, Wika ng Kasaysayan Kamalayan sa Kasaysayan sa Pagsasawika ng


Karanasan tungo sa Bayanihan sa Panahon ng Pandemya

Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya


GAWAIN

PAGBUO NG ISLOGAN
PAMANTAYAN

– KAUGNAYAN – 40%
– PAGPILI NG SALITA AT PAGGAMIT NG WIKA – 40%
– DATING SA MADLA – 20%

You might also like