Fil 10 Module 2

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Modyul 2: Mga Parabula mula sa mga Bansa sa

Mediterranean
PARABULA
- Ito ay isang maikling kuwentong hango sa Bibliya na nagtataglay
ng aral. Kadalasan, ito ay napagkakamalang maikling kuwento,
pabula, alegorya, talinghaga, at mito. Subalit kung atin itong
susuriing mabuti ay ating makikita na ang mga parabula ni Hesus
ay kadalasang kakaiba, malalim, o matatalinghaga.
Elemento ng Parabula
Tauhan – hango ang mga tauhan sa Bibliya na kapupulutan ng aral
ng mga mambabasa.
Tagpuan – kaiba sa mga karaniwang akdang isinusulat, ang tagpuan
sa mga parabula ay hindi minsang hindi tukoy sa simula o kaya ay
kailangang unawaing mabuti upang matukoy kung saan naganap
ang mga pangyayari.
Banghay – ito ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
parabula.
Aral – ito ang pinakalaman at sentro ng parabula, ang aral na
umaakay sa mga tao o mga mambabasa tungo sa tamang landas
upang gumawa ng mabuti.
MGA PANG-UGNAY
- ang tawag sa salitang nagpapakita ng relasyon ng
dalawang yunit sa pangungusap – maaring mga salita,
dalawang parirala, o dalawang sugnay.
MGA URI NG PANG-UGNAY
PANGATNIG
- Ito ay kataga o salitang nagpapahayag ng kaugnayan ng isang
salita o mga salita sa kapuwa salita o mga salita, o ng isang
kaisipan sa kapuwa kaisipan.
Mga halimbawa:
kataga – at, na, ma, o, ni, pag
salita – kahit, bagkus, ngunit, sakali, samantala, subalit, datapwat,
liban
Lipon ng mga salita – sa halip, alalaong baga, kung bagaman, kung
hindi, sa katagang sabi, sa bagay na ito
1. Pangatnig na Panimbang – nag-uugnay ito sa mga salita,
parirala, at sugnay na magkatimbang o mga sugnay na kapuwa
makapag-iisa.
a. Pamukod – ginagamit ito upang itangi, iwaksi, o alanganing piliin
ang isa sa dalawa o ilang bagay o kaisipan (ni, man, maging,
kaya).
Hal.
• Maging ikaw o ako ay hindi makasasama sa outing ng ating mga
kaklase.
• Ni ikaw o ako ay hindi niya mabibilhan ng bagong uniporme
ngayong taon.
b. Paninsay o Panalungat – ginagamit ito sa mga tambalang
pangungusap na ang unang bahagi ay sinasalungat ng ikalawang
bahagi (maliban, samantala, sukdang, bagkus, bagaman, habang).
Hal.
• Bagaman mahirap lamang ang kanilang mga magulang ay nagawa
pa rin nilang mapagtapos ang mga anak sa pag-aaral.
• Tahimik siyang nakikinig sa guro samantalang ang iba niyang
kaklase ay nagkukuwentuhan lamang.
2. Pangatnig na di-panimbang – Ginagamit ito bilang pang-ugnay sa
dalawang sugnay na di-timbang. Ang isang sugnay ay nagsisilbing
pantulong lamang kaya tinatawag na sugnay na di-makapag-iisa.
Matatagpuan sa unahan ng sugnay ang mga pangatnig na di-
panimbang gaya ng kung, sapagkat, palibhasa, sana, kung gayon,
kapag, bago, at iba pa.
a. Panubali – nagpapahayag ito ng mga kaisipang may pasubali o
di-ganap. Karaniwang ginagamit ang sumusunod: pag, kapag,
disin, sana, kung, sakali.
Hal.
• Kung di mo magawang igalang ang mga taong nagpalaki sa iyo,
umalis ka na lamang sa tahanang iyan.
• Sana ay nakapasa ka sa pagsusulit kung nag-aral ka lamang nang
mabuti.
b. Pananhi – nagpapahayag ito ng dahilan ng pangyayaring isinasaad
ng pandiwa. Karaniwang ginagamit dito ang sanhi, kay/sa, dahil sa,
nangyari, dangan, kundangan, yamang, palibhasa, kung kaya,
mangyari, manapa, alang-alang, at iba pa.
Hal.
• Alang-alang sa yumao mong ina, muli tayong magsasama-sama
para manatiling buo ang ating pamilya.
• Nais kong manirahan sa bansang maunlad at industriyalasido upang
magkaroon ng pagkakataong makapagtrabaho at umasenso.
c. Panlinaw – ginagamit ito kung ibig liwanagin ang mga bagay na
nasabi gaya ng ano pa’t, sa halip, kung gayon, kaya, tahasang sabi,
at iba pa.
Hal.
• Sa halip na problemahin ang mga hindi nakokolektang basura,
naglunsad na lamang ng pagbubukod-bukod na programa kaugnay
nito ang Brgy. Malinis.
d. Panulad – ito ay may tugunang pariralang ginagamit sa pagtutulad
ng mga pangyayari. Karaniwang ginagamit na pangatnig ang kung
gaano, gayon din/gayundin, kung paano – gayon din/gayundin, kung
saan – doon din, kung ano – siya rin, kung sino – siya, kung alin –
siya, at iba pa.
Hal.
• Kung sino pa ang totoong nagmamalasakit sa kanilang pamilya ay
siya pang hindi paniniwalaan.
• Kung paano mo tratuhin ang mga tao ay gayon ding patrato ang
makukuha mo.
2. Pang-angkop – ito ay katagang nag-uugnay sa panuring at sa
salitang tinuturingan. Ito ay ang –na, at –g.Tandaan na ang na ay
ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig.
Kung sakaling ang katinig ay nagtatapos sa /n/ sa halip na /na/ ang
gagamitin ay daragdagan na lamang ng /-g/. Ang –ng naman ay
ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig.
Hal.
• Ang batang mabait ay pinupuri ng karamihan.
• Ang masipag na anak ay yaman ng magulang.
• Ang mayamang negosyante ay tumutulong sa mga biktima ng
bagyo.
3. Pang-ukol – ito ang tawag sa kataga o salitang nag-uugnay sa
isang pangalan sa iba pang salita sa pangungusap. Ang mga ito ay:
ng, ni/nina, kay/kina, laban sa, ayon sa, para sa, ukol sa, tungkol sa,
hinggil sa, alinsunod sa, laban kay, ayon kay, para kay, ukol kay,
tungkol kay, hinggil kay, alinsunod kay, nasa, at iba pa.
Hal.
• Labag sa kaniyang kalooban na iwan ang kaniyang inang may sakit
sa pangngalaga ng kaniyang mga kapatid para magtrabaho sa
ibang bansa.
• Ayon kay Anna, mahalaga pa rin sa pagkakaibigan ang
pagkakaroon ng bukas na komunikasyon.

You might also like