Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Pag-unlad ng

Transportasyon at
Komunikasyon at ang
Epekto nito sa
Pamumuhay ng mga
Pilipino.
Mga Sasakyang Panlupa.

Sa pagdating ng mga Amerikano, maraming


mga daan at tulay ang nilikha upang
mapag-ugnay ang mga bayan, lalawigan at
pulo ng bansa. Binago at ginawang mabilis
ng mga Amerikano ang paraan ng
paglalakbay ng mga Pilipino kumpara sa
panahon ng mga Espanyol. Pinalaganap
ang paggamit ng mga tren, tranvia, kotse at
bus.
Noong 1917, ang Manila-Dagupan Railway na pagmamay-ari ng
mga Ingles ay binili ng pamahalaang Amerikano. Itinatag ito bilang
Manila Railroad Co. na kilala ngayon bilang Philippine National
Railways (PNR).  Pinahaba at pinalawak nito ang mga riles ng
tren hanggang La Union sa hilaga at Albay sa timog. Nagkaroon din
ng mga linya ng tren sa Cebu at Panay. Sa kabuuan, tinatayang
aabot sa 1,395 kilometrong riles ng tren ang naitayo ng mga
Amerikano sa ilalim ng kanilang pamamahala. Ang pagtatayo ng
mga linya ng tren ang nagpaunlad sa mga pook na dinaraanan nito.
Ito rin ang naging dahilan ng pagdami ng mga lungsod. Gayundin
ang pag-usbong ng Maynila bilang sentrong komersyal ng bansa.
Ipinakilala naman ng Manila Electric and Railroad Co. o
MERALCO ang de-kuryenteng tranvia. Ito ay kaiba sa
tranvia na hila-hila ng mga kabayo noong panahon ng
mga Espanyol. Aabot sa 24 na katao ang maisasakay
ng isang tranvia. Masasabing ito ang unang mass
transport system sa Kamaynilaan dahil halos lahat
ng bahagi ng lungsod ang siniserbisyuhan
nito.Dumating naman ang unang auto o kotse sa
Maynila noong 1903. Isa itong benzine-fueled French-
made Brazier. Ang kotse ang nangungunang
transportasyon noong panahong iyon partikular na sa
mga maykaya sa buhay.
 Noong 1924, ipinakilala naman ng MERALCO sa Maynila
ang mga Atlas-General Electric trackless trolley bus. Ito
ang nagpasimula ng bus transport system sa bansa.
 Lumaganap naman ang mga autocalesa o mga de-
metrong taxi noong mga 1930s. Maaari itong magsakay ng
apat hanggang anim na pasahero. Bagamat mahal ang
pasahe rito, ito ang naging pinakamainam at pinakamabilis
na pampublikong transportasyon noong panahong
iyon. Lumaganap din ang paggamit ng mga trak at
motorsiklo sa paglalakbay. Ang dyip pangmilitar naman ang
sinasabing pinagmulan ng pampasaherong dyipni na
lumaganap pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
Mga Sasakyang Pantubig
Umunlad din ang transportasyong pandagat noong
panahon ng mga Amerikano. Ang mga mababagal na
bangka, kaskos at batel na ginagamit noong panahon
ng mga Espanyol ay napalitan ng mga mabibilis na
bangkang de-motor, lantsa, steam tugboats at
mga inter-island steamer. Pinasimulan din sa panahong
ito ang paglalayag ng mga international steamships sa
iba’t ibang panig ng mundo. Dahil dito, dumami ang
pagbukas ng mga daungan o seaports sa bansa. Isa na
rito ang Port of Manila na sinasabing pinakamalaking
daungan sa Asya noong panahong iyon.
Mga Sasakyang Panghimpapawid
Ipinakilala naman sa mga Pilipino sa unang
pagkakataon ang eroplano noong 1911. Ito ay
pinalipad ni ‘Lucky’ Baldwin bilang bahagi ng isang
palatuntunan sa Manila Carnival City. Noong 1930,
sinimulan naman ng Philippine Aerial Taxi Co. o
PATCO ang unang komersyal na eroplano sa bansa.
Dito unang naranasan ng mga Pilipino na maglakbay
sa pamamagitan ng himpapawid sa iba’t ibang bahagi
ng ating kapuluan. Sinundan naman ito ng pagtatag ng
Iloilo-Negros Air Express Co. o INAEC noong 1933.
Sinasabing ang dalawang kompanyang ito ang naging
Philippine Airlines matapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
Ang paglapag naman ng China Clipper ng
Pan-American Airways sa Maynila noong
Nobyembre 29, 1935 ang itinuturing na
unang trans-Pacific air travel mula
California, USA hanggang Pilipinas. Ito rin
ang nagpasimula sa internasyunal na
paglalakbay ng mga Pilipino sa
pamamagitan ng mga eroplano.
Sa paglipas ng panahon, masasabi nating unti-
unting nagbabago at umuunlad ang sistema ng
transportasyon sa bansa. Mula sa isang
simple,ito ay naging moderno at sophistikado.
Bagamat lagi itong pabagu-bago, dapat nating
tandaan na ang pagkakaroon ng isang malawak
at mabilis na sistema ng transportasyon ay isa
sa mga salik na magbibigay-daan sa minimithing
pag-unlad ng isang bansa.
Pagpapaunlad ng Sistema ng
Komunikasyon
Para sa pook na wala pang sistema ng
telepono, ang programa sa telepono sa mga
munisipyo ay maglalagay ng pampublikong
telepono. Hinihikayat ang mga pribadong
komunikasyon ang mga pribadong
kompanya o bahay-kalakalan na magpundar
ng kani-kanilang sistema ng komunikasyon.
Ito ay pagkilala sa kahalagahan ng
komunikasyon sa kaunlarang pambansa.
La Solidaridad
 Ang opisyal na pahayagan
ng Kilusang Propaganda.
 Unang inilathala sa
Barcelona, Spain noong
Pebrero 15, 1889 sa
pamumuno ni Graciano
Lopez-Jaena. Pumalit sa
kanya si Marcelo H. del Pilar
noong Disyembre 15, 1889.
Layunin ng La Solidaridad
 Itaguyod ang malayang
kaisipan at kaunlaran.
 Mapayapang paghingi ng
mga repormang pulitikal at
panlipunan.
 Ilarawan ang kaawa-awang
kalagayan ng Pilipinas
upang gumawa ng mga
hakbang ang Spain na
ayusin ang mga ito.
Mga Nobela ni Rizal

Noli Me Tangere (1887) El Filibusterismo (1891)


 Sa mga aklat na ito, tinuligsa ni Rizal ang
kasamaan ng mga prayle at kabulukan ng
sistema ng pamahalaang Español.
Noli Me Tangere at El
Filibusterismo
 Ang Noli Me Tangere ay naghahayag ng
pagmamalabis,pagmamalupit, at
pagkaganid ng pinuno at prayleng Espanyol
sa mga katutubong Pilipino.
  Ang El Filibusterismo ay nobelang
inihandog ni Jose Rizal sa tatlong paring
martir, ang Gomburza
  Dito ay inilalahad ang nalalapit na
rebolusyon
La Liga Filipina
 Itinatag ni Rizal noong Hulyo 3, 1892
matapos makabalik sa Pilipinas.
 Layunin ng samahan na magkaisa ang lahat
ng Pilipino sa paghingi ng reporma sa
mapayapang paraan.
 Sa kasamaang palad, hindi nagtagal ang
samahan dahil ipinahuli ni Gobernador-
Heneral Eulogio Despujol si Rizal noong
Hulyo 7, 1892 upang ipatapon sa Dapitan.
Pagkakahati ng La Liga Filipina

La Liga Filipina

Cuerpo de
Compromisarios
Katipunan

Paghingi ng reporma sa Paglunsad ng rebolusyon


mapayapang paraan laban sa mga Español
Konklusyon
 Nabigo ang Kilusang Propaganda dahil
hindi dininig ng Spain ang mga karaingan
ng mga Pilipino.
 Isa rin sa dahilan ng pagkabigo ng kilusan
ang kawalan ng pondo upang
maipagpatuloy ang mga gawain ng
samahan.
 Ang pagkabigo ng Kilusang Propaganda
ang naging simula ng Rebolusyon.

You might also like