Professional Documents
Culture Documents
Pagsulat NG Posisyong Papel
Pagsulat NG Posisyong Papel
2. Klarong Posisyon
• Kailangang mailahad ng malinaw ang posisyon ng awtor
• Hindi maaari ang posisyong malabo o ang indesisyon
• Madalas, dinedeklara na agad ng awtor ang kanyang
posisyon sa tesis na pahayag sa simula pa lamang ng
sanaysay
3. Mapangumbinsing Argumento
• Matalinong Katwiran
• Kailangang malinaw ang pangunahing puntong
sumusuporta sa posisyon
• Solidong Ebidensya
• Maaaring gamitin ang anekdota(mga testimonya
ng mga awtoridad na maalam sa isyu)
• Ang estatistika ay dapat na may malinaw na
pinaghanguan ng impormasyon
• Kontra-Argumento
• Dapat isaalang-alang ang mga salungat na pananaw
• Upang pabulaanan, dapat ipakita ng awtor kung paano
naging mali ang argumento
4. Angkop na Tono
• Maaaring palakaibigan, seryoso o matapang ang tono
• Dapat isaalang-alang ang bigat ng isyu, target na
mambabasa, layunin ng manunulat
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel
1. Pumili ng paksa
• Iinog ang papel sa personal na paniniwala na
sinusuportahan ng pananaliksik
2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik
• Kailangan upang malaman kung may mga
ebidensyang sumusuporta sa iyong posisyon
3. Hamunin ang iyong sariling paksa
• Kailangang alamin din ang mga sumasalungat na
posisyon
• Dapat makontra ang salungat na argumento sa
pamamagitan ng mga kontra argumento
4. Ipagpatuloy ang pangongolekta ng mga sumusuportang
ebidensya
• Opinyon ng mga eksperto at mga personal na karanasan
• Pagsangguni sa mga kaugnay na aklat at babasahin
• Mga site na may mabuting reputasyon at pakikipanayam sa mga
awtoridad
5. Gumawa ng balangkas
• a. pagpapakilala ng paksa
• b. paglilista ng mga posibleng pagtutol sa posisyon
• c. pagkilala at pagsuporta sa ilang salungat na argumento
• d. pagpapaliwanag kung bakit ang iyong posisyon ang pinaka-mainam
• e. lagumin ang argumento at ilahad muli ang iyong posisyon
6. Isulat ang iyong posisyong papel
• Kailangang maipamalas ang tiwala sa sarili
• Kailangang maipahayag ang opinyon ng may awtoridad
• Tandaang ang layunin mo ay maipakitang ang iyong posisyon ay tama
Mga Halimbawa ng Posisyong Papel