Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

Filipino sa Piling Larangan

(AKADEMIK)
Nina
Dr. Pamela Constantino
Dr. Galileo Zafra
Aralin 9
Pagpayaman at Pag-oorganisa ng
Datos:
Character Sketch
Layunin
• Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa
ng mag-aaral ang sumusunod:
1. Matukoy ang mga elemento ng isang character
sketch;
2. Maipaliwanag ang katangian ng character sketch
bilang isang akademikong sulatin; at
3. Makilala ang iba’t ibang estratehiya ng pagpaparami
ng datos o detalye para sa character sketch.
Layunin

4. natitiyak ang pagkakaiba ng kongkreto at abstraktong


salita;
5. napag-iiba-iba ang mga paraan ng pagsasaayos ng
datos
Pagpapayaman at Pag-oorganisa ng Datos sa
Character Sketch

Ilan sa mahahalagang katangian ng akademikong


pagsulat ang pagkakaroon ng sapat at
mapagkakatiwalaan o mapatutunayang datos at
mabisang pagkakaayos ng mga ito para maipaabot sa
mambabasa ang nais sabihin ng manunulat.

Batay rito, kahit ang mga anyo ng malikhaing


pagsulat ay kakikitaan din ng mga katangian ng
akademikong pagsulat.
Pagpapayaman at Pag-oorganisa ng Datos sa
Character Sketch

Character Sketch—isang anyo ng sanaysay na


naglalarawan o nagsasalaysay tungkol sa isang tao,
hayop, bagay, o lugar tungo sa isang impresyon o
kakintalan, o kaya’y insight o kabatiran.
Pagpapayaman at Pag-oorganisa ng Datos sa
Character Sketch

Sa pagpili ng paksa, isaalang-alang ang dalawang bagay.

• Una, pumili ng paksa na pamilyar sa manunulat.


• Pangalawa, pumili ng paksa na makabuluhan sa
lipunan.
Pagpaparami ng Datos sa Character Sketch

Dalawang aspekto ng pagsulat ang mahalaga sa


character sketch:

• Una, ang kasapatan ng datos, at


• Pangalawa, ang organisasyon o pagsasaayos ng mga
datos na ito.
Pagpaparami ng Datos sa Character Sketch

Mahalaga na matutuhan ang ilang estratehiya sa


pagpaparami ng datos sa konteksto ng personal na
sanaysay tulad ng character sketch.

1) paglilista,
2) pagmamapa, at
3) malayang pagsulat.
Paglilista

• Inililista ang anumang salita o parirala na may


kaugnayan sa paksa.
• Hindi kailangang bigyang paliwanag o bigyang-
katuwiran sa isip ang bawat impormasyong isusulat
sa listahan.
• Ang mahalaga, isulat lamang ang lahat ng detalyeng
pumasok sa isip habang naglilista.
Proseso sa Paglilista

1. Sa isang malinis na papel, isulat sa ibabaw ang


paksa ng character sketch.
2. Sa ilalim nito, sumulat ng anumang salita o parirala
na pumapasok sa isip kaugnay ng paksa.
3. Maaari ding maglista ng mga salita o pariralang may
kaugnayan, hindi lamang sa paksa, kundi maging sa
mga salita o pariralang nailista na.
Proseso sa Paglilista

4. Huwag masyadong mag-isip. Iwasan din munang


mag-edit. Ang mahalaga ay ang tuloy-tuloy at
mabilisang paglilista.
5. Ang paliwanag tungkol sa sa estratehiyang ito, kapag
may presyur sa pagsusulat, tulad ng tuloy-tuloy na
paglilista, lumalabas ang ilang impormasyon o
detalye nang hindi inaasahan.
6. Orasan ang paglilista. Gawin lamang ang paglilista sa
loob ng limang minuto.
Pagmamapa

Isinusulat din ang mga salita o parirala na may


kaugnayan sa paksa. Ang kaibahan lamang, mas
naipakikita sa estratehiyang ito ang koneksiyon ng
mga detalye o aytem sa listahan sa isa’t isa.
Proseso sa Pagmamapa

1. Sa isang malinis na papel, gumuhit ng isang maliit


na bilog sa gitna.
2. Sa loob ng bilog ay isulat ang paksa.
3. Mula sa isang gilid ng bilog, gumawa ng isang
maiksing guhit palayo rito.
4. Sa ibabaw ng guhit ay sumulat ng isang salita o
parirala na may kaugnayan sa paksa.
Proseso sa Pagmamapa

5. Pagkatapos nito, gumawa naman ng isang maiksing


guhit na nakadugtong sa unang guhit.
6. Sa ibabaw ng bagong guhit, sumulat ng salita o
parirala na may kaugnayan sa nakasulat sa unang
guhit.
7. Muling gumawa ng isang maiksing guhit na maaaring
nakadugtong sa una o pangalawang guhit, depende
kung saan nakaugnay ang susunod na salita o
pariralang maiiisip.
Proseso sa Pagmamapa

8. Ulitin lamang ang proseso hanggang sa magsanga-


sanga ang mga guhit.
9. Kapag wala nang maisip na detalye, bumalik sa bilog
at muling gumawa ng maiksing guhit na nakakabit
sa bilog.
10. Puwedeng gumawa ng maraming guhit mula sa
bilog.
11. Orasan ang pagmamapa. Gawin lamang ito sa loob
ng 15 minuto.
Malayang Pagsulat

• Tuloy-tuloy na paglilista ng mga detalye sa anyong


patalata. Mahalaga sa estratehiyang ito ang mahigpit
na pagsunod sa wastong proseso.
• Tulad sa paglilista, kontrolado rin ang oras ng
pagsasagawa ng estratehiya upang maging mabisa ito
at makapagpalitaw ng mga detalye tungkol sa paksa.
Proseso sa Malayang Pagsulat

1. Sa isang malinis na papel, isulat sa ibabaw ang


paksa.
2. Tiyakin na walang anumang sagabal sa pagsulat
bago magsimula.
3. Siguraduhin ding maoorasan ang proseso.
4. Sa pagsisimula, sumulat ng mga parirala o
pangungusap na may kaugnayan sa nakaugnay sa
paksa.
Proseso sa Malayang Pagsulat

5. Sa mga susunod, isulat lang ang kung anumang


pumasok sa isip. Huwag munang mag-edit. Hindi rin
kailangang sumunod sa wastong gamit ng bantas.
6. Kung walang pumapasok na salita o detalye sa isip,
ulit-ulitin lang ang huling salita na isinulat; puwede
ring maglagay ng sunod-sunod na tuldok.
Proseso sa Malayang Pagsulat

7. Hangga’t maaari, huwag iaangat ang lapis o bolpen


mula sa papel.
8. Mahalagang tuloy-tuloy at mabilis ang pagsulat.
9. Ang prinsipyo ay katulad din sa estratehiya ng
paglilista—lumilitaw ang nakatagong kaalaman
kapag may presyur sa pagsulat.
Proseso sa Malayang Pagsulat

10. Pagkatapos ng ehersisyong ito, balikan ang naisulat


at bilugan ang mga detalyeng hindi akalain na
maiisusulat. Maaaring dito ibatay ang pagdebelop
ng sulatin.
11. Orasan ang malayang pagsulat. Gawin lamang ito sa
loob ng limang minuto.
Pagsasaayos ng mga Datos sa character
Sketch

Kailangang mabigyan ng kaayusan ang mga


datos upang makatulong sa pagpapalitaw ng
kakintalan o kabatirang nais palitawin tungkol sa
paksa, at upang maintindihan ng mambabasa ang
sulatin.
Pagsasaayos ng mga Datos sa character
Sketch

May ilang paraan ng pagsasaayos ng mga detalye na


tatawaging orasan, paputok, at sayaw.
Orasan

Maaari itong magsimula sa detalye o pangyayaring


pinakaunang naganap na susundan ng iba pang
detalye o pangyayaring lumitaw o naganap ayon sa
daloy ng panahon.
Paputok

Batay sa paputok, nagsisimula sa isang mahalagang


pangyayari, at, kasunod nito, ilalahad naman ang
mga bunga o resulta ng pangyayaring ito.
Sayaw

Tinawag na sayaw ang estratehiyang ito dahil ang


manunulat ay puwedeng gumamit ng detalye o
pangyayari mula sa iba’t ibang lugar at panahon. Ang
magbibigay ng kaisahan sa mga datos na ito ay ang
paksa o temang nais idebelop sa sulatin.
Pagsulat ng Bionote o Pagpapakilala sa Sarili
(o Pagpapakilala sa Indibidwal)

Parang isang anyo rin ng character sketch ang bionote o


pagpapakilala sa sarili. Isa itong anyo ng sulatin na
pumapaksa sa sarili o sa ibang tao, maikli lamang, at
karaniwang may tonong pormal.
Pagsulat ng Bionote o Pagpapakilala sa Sarili
(o Pagpapakilala sa Indibidwal)

May iba’t ibang sitwasyong nangangailangan ng


bionote. Ilan dito ang mga sumusunod:

1. para ipakilala ang may-akda ng isang aklat o artikulo


sa isang journal;
2. para ipakilala ang isang natatanging indibidwal sa
isang aklat na pang-general reference tulad ng
encyclopedia;
Pagsulat ng Bionote o Pagpapakilala sa Sarili
(o Pagpapakilala sa Indibidwal)

3. para ipakilala ang isang tagapagsalita sa isang


kumperensiya o seminar;
4. para ipakilala ang isang panauhing pandangal sa
isang pormal na pagtitipon; at
5. para ipakilala ang isang natatanging indibidwal na
bibigyan ng parangal.
Bionote

Ang bawat bionote ay naglalaman ng mga sumusunod:

1. Personal na impormasyon
2. Mga natapos sa pag-aaral
3. Mga natapos na training-workshop
4. Mga likha o naisagawa
5. Mga natamong pagkilala at gawad

You might also like