Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 53

Layunin

1. Naiisa-isa ang iba’t-ibang


materyales na maaaring gamitin sa
paggawa ng iba’t-ibang
makabuluhang proyekto.
2. Natutukoy ang mga materyales
na matatagpuan sa paligid/pamayan
na maaaring gamitin sa paggawa ng
kapaki-pakinabang na proyekto.
Suriin ang mga sumusunod na produkto. Sa
inyong palagay saang materyales gawa ang
mga produktong ito
Ang ating pamayanan ay sagana sa
mga materyales na likas nating
matatagpuan sa ating paligid. Ilan sa
mga ito ay mga halamang itinatanim
katulad ng mais, palay at iba pa.
Maari ring ito ay mga materyales na
matatagpuan sa ating yamang tubig
gaya ng mga shells o kabibe
Bawat materyales ay naaayon sa uri
ng kapaligiran na mayroon tayo.
Bawat uri ng materyales ay may
angkop na gamit na dapat nating
alamin upang makagawa ng higit na
maganda at matibay na proyekto na
ating pakikinabangan. Ilan sa mga
materyales na matatagpuan sa
pamayanan ay ang mga sumusunod:
Retaso ng tela-
Ang mga retaso o pinagtabasan ng tela na
patapon na ay maaari paring magamit sa
paggawa ng isang makabuluhang bagay na
iyong pakikinabangan o pagkakakitaan.
Maaari itong gawing door mat, pot holder,
pouch,at pangdisenyo sa mga gamit.
Kawayan
Ang kawayan ay isang uri ng damo na
madalas matagpuan sa mga liblib na lugar. Ito
ay matibay at maraming gamit. Kadalasang
ginagamit ang kawayan sa pag-gawa ng
bahay kubo at iba pang parte ng bahay. Ilan
pa sa mga produktong maaaring gawin gamit
ang kawayan ay mga upuan at mesang
kinakainan, lampshade, plorera, alkansya at
marami pang iba.
Kabibe
ang mga ito ay matatagpuan sa
mga pampang ng mga anyong
tubig gaya ng dagat, sapa, at
ilog. Ang mga kabibe ay
magandang gamiting palamuti
sa mga produktong gawang
kamay gaya ng plorera o flower
vase at iba pa.
Damo
ang mga damo ay pangkaraniwang
tumutubo sa mga bakanteng lote,
halimbawa ng mga ito ay talahib,
kugon, tikiw, tambo at iba pa.
Mayroon din namang tumutubo sa
tubig tulad ng water lily.
Talahib at Kugon
Ang mga ito ay karariwang matatagpuan sa
mga bakanteng lote. Ito ay kinukuha at
pinatutuyo sa init ng araw upang magamit
sa paggawa ng bubong, ngunit maaari rin
itong gamiting pangdisenyo sa mga
kagamitan gaya ng kahon o sisidlan at
parol o pabitin.
Tikiw
Ang tikiw ay isang uri ng damo na may
mataas at kulay tsokolateng bulklak at
mahaba at matalim na dahon.
Kadalasang pinatutuyo ito sa init ng
araw upang gawing dingding ng bahay
ngunit mahusay at matibay din itong
gawing bag, banig, at pangdisenyo sa
mga sisidlan o kahon.
Water Lily
ito ay matatagpuan sa mga anyong tubig
gaya ng sapa at ilog. Ito ay may maberdeng
kulay, malambot na katawan, at may
pinaghalong puti at lilang bulaklak. Ito ay
pinatutuyo sa araw at kinukulayan at
ginagawang bag at tsinelas. Matatagpuan
naman sa Cuyapo, Nueva Ecija ang
pagtatanghal ng iba’t ibang kagamitan na
gawa sa water lily sa kanilang water lily
festival tuwing Nobyembre ng bawat taon.
Niyog
Ang puno ng niyog ang tinatawag nating
“Puno ng Buhay” dahil sa ang bawat bahagi
nito ay may gamit. Mula sa ugat hanggang sa
dahon ay maari kang makagawa ng
makabuluhang bagay o proyekto. Mainam
gawing gamot ang mga ugat nito at maaari
ring gawing palamuti sa ating mga tahanan.
Ang mga hibla ng bunot nito ay maaaring
gawing bag, lubid, at pwede ka ring gumawa
ng pahiran ng paa.
Ginagamit din ang katawan ng niyog sa
paggawa ng sahig, ding-ding at haligi ng
bahay. Maari ring gumawa ng mesa at
upuan gamit ang katawan nito. Ang mga
dahon naman ay maaring gawing walis
at bubong ng bahay. Ang bunga ay
maaaring inumin at ipansahog sa
pagkain. At ang bao nito ay maaring
gawing alakansiya, sandok at iba pang
gamit sa kusina.
Tabla at Kahoy
Ang mga aparador na ating
pinaglalagyan nang iba’t-ibang
kagamitan,ding-ding, kisame ng
bahay, mesa at upuan ay ilan lang sa
mga halimbawa ng mga kagamitan
na yari sa kahoy at tabla.
Ang kahoy at table ay nagmula sa
iba’t-ibang uri ng punong kahaoy
katulad ng acacia, molave, yakal,
apitong, dao, narra, kamagong at
marami pang iba. Tiyakin na ang
kahoy at tabla na gagamitin sa
paggawa ng proyekto o produkto ay
tuyong tuyo upang masiguro ang
kalidad at tibay nito.
Saging
Ang saging ay kilalang kilala sa bansa.
Ang bunga nito ay matamis na prutas
at ang bulaklak naman nito ay
maaaring iluto o ipangsahog sa ibang
lutuin. Ang saha naman nito ay
mainam gawing pangdisenyo ng mga
kagamitan gaya ng plorera,
lampshade, bag, at iba pa.
A. Saging D. Water lily

B. Kabibe E.Tabla
C. Tikiw F. Niyog
_____1. Ito ay matatapuan sa
sapa at ilog na kapag pinatuyo
sa araw ay mainam gawing bag
at tsinelas.
A. Saging D. Water lily

B. Kabibe E.Tabla
C. Tikiw F. Niyog
_____2. Ito ay isang prutas na may
matamis na bunga at malambot na
katawan, ngunit ang pinatuyong saha
nito ay magandang gamiting
pangdisenyo ng Plorera, bag, at iba pa.
A. Saging D. Water lily

B. Kabibe E.Tabla
C. Tikiw F. Niyog
_____3. Matatagpuan ito sa pampang
ng anyong tubig gaya ng ilog, sapa, at
dagat. Maganda ito ay mula sa mga
namatay na yamang tubig gaya ng
suso, tulya, sulib, at iba pa.
.
A. Saging D. Water lily

B. Kabibe E.Tabla
C. Tikiw F. Niyog
_____4. Ito ay kadalasang
ginagamit upang makagawa ng
kagamitang pantahan tulad ng
upuan, aparador, lamesa, at iba
pa.
.
A. Saging D. Water lily

B. Kabibe E.Tabla
C. Tikiw F. Niyog
_____5. Ito ay kilala sa tawag na “puno ng
buhay” sapagkat mula sa ugat hanggang sa
dahon nito ay maaaring gawing iba’t ibang
uri ng produkto tulad ng walis, gam0t,
sabon, table, langis, at marami pang iba.
A. Saging D. Damo
B. Kabibe E.Tabla
C. Tikiw F. Niyog
_____ 6. pangkaraniwang
tumutubo sa mga bakanteng lote,
halimbawa ng mga ito ay talahib,
kugon, tikiw, tambo at iba pa.
A. Papel de liha D. barnis

B. pintura E. masilya
C. Emery paper F. sand paper
_____7. Ito ay isang malakarton na
papel na mayroong magagaspang at
pinong bagay ng nakadikit sa isang
bahagi nito. Ito ay ginagamit upang
pakinisin ang isang bagay.
A. Papel de liha D. barnis

B. pintura E. masilya
C. Emery paper F. sand paper
_____8. Ito ay ginagamit upang
pakinisin ang mga bagay na
gawa sa kahoy.
A. Papel de liha D. barnis

B. pintura E. masilya
C. Emery paper F. sand paper
_____9. Ito ay nagtataglay ng iba’t
ibang kulay at klase, ito ay kadalasang
ginagamit upang kulayan at bigyang
ganda ang isang gusali, parke, at
maging likhang sining.
A. Papel de liha D. barnis

B. pintura E. masilya
C. Emery paper F. sand paper
_____10. Ito ay isang likido na
ginagamit upang makulayan ang
mga kahoy. Ginagamit din ito
upang tumibay at mas gumanda
ang kalidad ng kahoy.
A. Papel de liha D. barnis

B. pintura E. masilya
C. Emery paper F. sand paper
_____11. Ito ay putty na inilalagay
sa metal, ceramics, o kaya ay
kahoy. Kadalasang ginagamit ito
upang takpan ang mga kapirasong
butas, bitak, o yupi ng isang bagay.
A. Papel de liha D. barnis

B. Silicon Corbide E. masilya


C. Emery paper F. sand paper
_____12. Pwede itong gamitin
kahit basa o kaya ay tuyo.
Ginagamit ito upang kinisin o
pakintabin ang mga napinturahan
nang metal o kahoy.
Isulat kung Tama o Mali ang isinasaad
ng bawat pangungusap.
____________13. Iniingatan ang paggawa ng produkto o
proyekto.
____________14. Pinagsikapang gawin ang proyekto
gamit ang tamang paraan ng panghuling ayos.
____________15. Pinilit makagawa ng produkto o
proyekto upang magkaroon lamang ng marka.
____________16. Sinusuri ang ginawang produkto at
tumatanggap ng suhestiyon ng iba.
____________17. Sinusunod ang wastong paraan ng
pagliliha, pagpipintura at pagbabarnis.
Sabihin kung anong materyales ang
maaaring gamitin sa sumusunod:

18. Walis Tambo


19. Lamp Shade
20. bangkito
Ano-ano ang mga produkto ang
maaaring magawa mula sa materyales
na makikita sa pamilihan.
1. Paano ginagamit ang mga ito?

2. Magsalaysay ng karanasan na bumibili ng


mga produkto tulad ng mga gift items, mga
handicraft, mga laruan, at iba pa.
Magsagawa ng internet research patungkol sa
mga produkto na matatagpuan sa pamayanan.
Bawat lider ang magsusulat ng mga ito sa
kwaderno. Gumuhit sa kartolina ng
produktong napili.
Magtala ng mga produktong ginawa
na maaaring ibenta.

1.
2.
3.
4.
5.
Magsagawa ng interbyu sa mga
magulang, kapatid, atbp sa komunidad at
itala ang mga produkto na maaaring
pagkakitaan na matatagpuan sa kanilang
lugar.

You might also like