Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 81

Magandang

Buhay!
“Ang ating pangunahing
tungkulin ay ang magsikap na
maiangat ang bansa mula sa
kahirapan, sa pamamagitan ng
pagpapairal ng katapatan at
mabuting pamamalakad sa
pamahalaan”
-Pangulong Noynoy
(Inagurasyong Talumpati, 2010)
“Ipakikita natin ang ating lakas ng loob
na solusyunan ang mga di-
pagkakaunawaan sa ibang nasyon nang
mapayapa-hindi dahil naduduwag
tayong harapin ang mga panganib,
kundi dahil ang pakikipagkasundo ang
matibay na mag-aalis sa pagdududa at
takot.”
-Pangulong Barack Obama
(salin mula sa Inagurasyong Talumpati, 2013)
Ano ang Talumpati?

 Kabuuan ng mga kaisipang


nais ipahayag ng isang
mananalumpati sa harap ng
publiko
 Ito ay sanaysay na binibigkas
Saan maaaring magmula ang mga
kaisipang ito?

 Pananaliksik
 Pagbabasa
 Pakikipanayam
 Pagmamasid
 karanasan
Ano ang dapat isaalang-alang sa
pagsulat ng talumpati?

Pagpili ng Paksa
Anu-anong katangian
ang dapat taglayin ng
paksa ng isang
talumpati?
1.Tumutugon sa layunin

1. magturo 6. pumuna
2. magpabatid 7. bumatikos
3. manghikayat
4. manlibang
5. pumuri
2. Napapanahon

Kailangang may
kaugnayan sa okasyong
ipinagdiriwang
Paano naiiba ang
talumpati sa iba pang uri
ng sanaysay?
Uri ng Sanaysay
(nababasang nakasulat sa
pahayagan)
1.Editoryal

Mapanuring pagpapakahulugan ng
kahalagahan ng isang napapanahong
pangyayari upang magbigay ng
kaalaman, makapagpaniwala
makalibang sa mambabasa
2.Lathalain

a. isang sanaysay batay sa tunay na


pangyayari na nagtataglay ng mga
pagpapaliwanag, sanligan at
impresyon ng sumulat
2.Lathalain

b. Nagtataglay ng madamdamin,
personal o mapagpatawang ideya o
mga pananaw
2.Lathalain

c. Manliabang ang pangunahing


layunin kahit maaari ring magpabatid
o makipagtalo
Sipi mula sa Talumpati ni Dilma
Rouseff sa kanyang inagurasyon
(kauna-unahang Pangulong Babae
ng Brazil)
Enero 1, 2011
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina
Sino si
Dilma Rousseff?
Ika-1 ng Enero 2011

 Nanumpa ang kauna-unahang


babaeng pangulo ng Brazil matapos
manalo sa eleksyon noong 2010
Ika-14 ng Disyembre 1947

Isinilang sa Belo,
Horizonte, Brazil
Mga magulang

Ama-isang Bulgarian
Ina-isang Brazilian
Carlos Araujo
 Naging pangalawang asawa
ni Dilma
 Nakasama ni Dilma noong
estudyante pa lamang sila ang
maiugnay sa militanteng
grupo
1970

 Nakulong si Dilma Rousseff


ng tatlong taon dahil sa
pakikipaglaban sa diktaturyal
 Nakaranas nang labis na
paghihirap sa kulungan
1977

 Tinapos ang pag-aaral nang


makalaya at pumasok sa lokal
na pulitika bilang kasapi ng
Democratic Labor Party
2002

 Kinuha si Rousseff bilang


consultant nang
mangampanya si Luis “Lula”
de Silva bilang pangulo
2005

 Si Rousseff ay kinuha bilang


Chief of Staff hanggang
tumakbo bilang kahalili ni
“Lula”
Sipi mula sa Talumpati ni Dilma
Rouseff sa kanyang inagurasyon
(kauna-unahang Pangulong Babae
ng Brazil)
Enero 1, 2011
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina
1. Ano ang nais makamit ni
Pangulong Rousseff sa sa kaniyang
pamumuno sa Brazil?
2. Ilarawan ang kalagayang
panlipunan ng Brazil sa mga sinabi
ng Pangulo.Ayon sa kanya, paano
niya ito mapabubuti?
3. Paano nagkakatulad at nagkakaiba
ang sitwasyon ng Brazil sa mga
suliraning kinakaharap ng mga
Pilipino sa ting bansa?
4. Kung ikaw ang pangulo ng bansa,
paano mo sosolusyunan ang mga
nabanggit na problema?
GAWAIN 7: Pagsusuri sa
Pagkakabuo ng Talumpati
Suriin ang pagkakabuo ng
binasang talumpati sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong.
Kahirapan: Hamon sa
Bawat Pilipino
Ni Manny Villar
Sagutin Mo
1.Ano ang paksa ng binasang
lathalain?
2. Ilahad ang pananaw ng sumulat
tungkol sa pagbabago sa pagsukat ng
kahirapan sa Metro Manila.
Magbigay ng reaksiyon ukol dito.
3. Ano ang iyong pananaw sa sinabi
ng sumulat na “Ang unang hakbang
para malutas ang kahirapan ay ang
pagtanggap na ito ang suliranin ng
bansa?”
4. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang
mabisang hakbang sa paglutas sa
kahirapan ng bansa?
Pagpapalawak ng
Pangungusap
1. Pagpapahaba sa
pamamagitan ng kataga

• Nawala na.
• Nawala nga ba?
• Nawala na nga pala.
• Nawala na naman pala.
2. Pagpapahaba sa pamamagitan
ng panuring

• Bata siya.
• Matalino siyang bata.
• Talagang matalino siyang bata.
• Talagang matalinong siyang bata
sa Matematika
3. Pagpapahaba sa pamamagitan
Kaganapan ng Pandiwa

• Ang batang negro ay bumili ng


tinapay
• Ang batang Negro ay bumili ng
tinapay sa Bakery.
• Ang batang Negro ay bumili ng
tinapay sa Bakery para sa Nanay.
4. Pagpapahaba sa pamamagitan ng
Pagtatambal

• Nagpapastol ng tupa ang batang


lalaki at nag-aalaga ng kambing
ang batang babae.
• Ako ay magtatanim ng halaman at
si Susan ang bibili ng malaking
sako ng trigo
Pagpapalawak ng
Pangungusap at
Pagsusuri
Panaguri
Nagpapahayag ng
tungkol sa paksa.
1.Ingklitik
-tawag sa mga katagang paningit
na laging sumusunod sa unang
pangngalan, panghalip, pandiwa,
pang-uri o pang-abay.
Halimbawa:
Batayang Pangungusap :
Si Dilma Rousseff ang pangulo ng
Brazil.
• Si Dilma Rousseff pala ang
pangulo ng Brazil.
• Si Dilma Rousseff ba ang pangulo
ng Brazil?
Batayang Pangungusap :
Ibinaba ang poverty income
threshold.
• Ibinaba rin ang poverty income
threshold o ang halagang dapat
kitain ng isang pamilya na may
limang miyembro.
2.Komplemento/Kaganapan –
Tawag sa pariralang pangngalan
na nasa panaguri na may
kaugnayan sa ikagaganap o
ikalulubos ng kilos ng pandiwa.
• Sinang-ayunan ni Dilma Rousseff ang
karaingan ng mamamayan. (Tagaganap)
• Ang food threshold sa almusal ay
tortang kamatis, kape para sa matatanda,
gatas para sa bata. (Tagatanggap)
• Ipagpapatuloy natin ang mahusay na
paggamit ng pondo ng bayan. (layon)
• Nagtalumpati ang pangulo sa plasa. (Ganapan)
• Pinagaganda ang larawan ng kahirapan sa
pamamagitan ng pagmamanipula sa mga panukat.
(kagamitan)
• Dahil sa mga pagbabagong ito, ang bilang ng
mahihirap na pamilya ay bumaba mula 4.9
milyon hanggang 3.9 milyon. (sanhi)
• Nagtungo ang mga tao sa harap ng Palasyo upang
makinig sa talumpati ng pangulo. (direksyunal)
3.Pang-abay
– Nagbibigay-turing sa
pandiwa, pang-uri at
kapwa pang-abay.
Batayang Pangungusap :
Nagtalumpati ang pangulo.

Pagpapalawak:
Mahusay na nagtalumpati ang
pangulo kahapon at totoong
humanga ang mga tagapakinig.
Paksa
Ang pinag-uusapan sa
pangungusap
1.Atribusyon o Modipikasyon
– May paglalarawan sa paksa ng pangungusap

Halimbawa:
• Pakinggan mo ang nagpapaliwanag na
opisyal na iyon.
• Ito si Dilma Rousseff ang pinakamahusay
kong pangulo.
2.Pariralang Lokatibo/Panlunan –
ang paksa ng pangungusap ay
nagpapahayag ng lugar
Halimbawa:
• Inaayos ang plasa sa Brazil.
• Marami rin ang nasa Luneta upang
makinig ng talumpati
3. Pariralang Nagpapahayag ng
Pagmamay-ari – Gamit ng
panghalip na nagpapahayag ng
pagmamay-ari.
• Maayos na maayos ang talumpati
ng aking mag-aaral.
• Pakikinggan ko ang talumpati ng
kapatid ko.
PAGSASANAY
Basahin at unawain ang usapan
ng tatlong mag-aaral. Pumili ng
limang pangungusap. Suriin ang
ginamit na paraan sa
pagpapalawak ng pangungusap
maaaring nasa panaguri o paksa
Isang araw, nag-uusap ang tatlong opisyales
ng Student Government.
Jhasmine: Naisip mo ba kung saan
napupunta ang basurang itinatapon mo?
BJ: Siyempre kinukuha ng mga basurero at
ito ay dinadala sa tambakan ng basura.
Jhasmine: Eh, paano kung hindi naitapon
nang maayos. Halimbawa, ang lata na
itinapon sa kalsada ay maaaring makabara
sa kanal.
Calyx: At ang balat ng kendi na
itinapon sa dagat ay maaaring
makain ng hayop.
Jhasmine: Tama! Halikayo at
basahin natin ang tekstong ito na
pinamagatang “Pangangalaga ng
Basura.”
Ang bawat Pilipino na naninirahan sa pook
rural ay lumilikha ng mahigit kumulang na
0.3 kg. na basura habang sa pook urban o
siyudad ay mayroon kada araw ng 0.5 kg na
basura. Nasa 60% ng mga basura na
itinatapon ay biodegradable o nabubulok,
20% ay recyclable o maaaring mabalik-anyo,
at 18% ang residual waste o mga hindi na
magagamit pang muli na basura.
Higit kumulang 80% naman ang mga
basura na hindi naman dapat itinatapon
at dinadala sa tambakan. Dahil sa dami
ng basura sa tambakan dumadami rin
ang nililikha na methane galing sa mga
nabubulok na basura. Ito ay sanhi rin ng
pagkapal ng greenhouse gases sa
atmospera at nagdudulot ng
pandaigdigang pag-init ng mundo.
BJ: Ah, ganun pala! Kaya sabi ng
mama ko ibang-ibang na ang mundo
ngayon. Hindi mo masabi kung kailan
uulan o aaraw.
Jhasmine: Kaya bago mo itapon ang
bagay na hawak mo, isipin mo muna
kung ito ay kailangan mo, maaari
mong i-reduce o bawasan ang
paggamit.
Calyx: O dapat bang i-reuse o
tingnan kung magagamit pa
itong muli?
Jhasmine: O i-recycle o
magbalik anyo sa pamamagitan
ng paglikha ng bagong bagay
mula sa lumang bagay?
Mga dapat tandaan sa
Pagbigkas ng
Talumpati
• Tuwing makikipag-usap sa mga
tagapakinig, tingnan ang kanilang
mga mata
• Magsalita na puno ng buhay at sigla
sa pagsasalita. Ang ilang kumpas ng
kamay, lakad, at pagbibigay-diin ay
sapat na.
• Magkaroon ng sense of humor.
Kailangang alamin kung kailan
patatawanin ang mga tagapakinig
• Sikaping maging malaman at
makabuluhan ang
talumpatingipinahahayag
• Maging natural sa pagbibigay
ng talumpati
• Iwasan ang mga kilos na ‘di
kailangan sa pagtatalumpati
• Upang maging mabuti rin ang
impresiyon ng madla, iwasang
humingi ng paumanhin sa simula
tulad ng: “Paumanhin dahil hindi
ko lubusang napaghandaan.”
• Iwasang magpatawa o mang-aliw
na ginagamit ang mga birong
malaswa o green jokes.
Pamantayan 3 2 1

Kasuotan Angkop na angkop Di-gaanong angkop Hindi angkop ang


ang kasuotan ang kasuotan kasuotan

Ideya o Kaisipan Tunay na Di-gaanong Hindi


makatotohanan ang makatotohanan ang makatotihanan ang
kaisipan kaisipan kaisipan

Bigkas Maayos at may Maayos ngunit Hindi maayos at


damdamin ang walang damdamin walang damdamin
pagbigkas sa mga ang pagbigkas sa
salita mga salita

Kaayusan ng mga Laging maayos ang Hindi laging Hindi maayos ang
pangungusap sa mga pangungusap maayos ang mga mga pangungusap
paglalahad ng pangungusap
kaisipan
Maraming
Salamat!

You might also like