Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Pananakop ng mga

Espanyol sa Pilipinas
Sa loob ng mahabang panahon,
nagpatuloy ang maunlad na pamumuhay
ng mga sinaunang Filipino sa maraming
bahagi ng kapuluan. Malaya ang mga
pamayanang barangay sa pamumuno ng
kani-kanilang pinuno. Nagbago lamang ang
kalagayan ng mga ito sa pagdating ng mga
Espanyol sa kapuluan. Hindi nagtagal,
tuwirang sinakop ng mga dayuhang
Kanluranin ang kapuluan at isinailalim ito sa
kanilang kapangyarihang. Ito ang simula ng
kolonyalismo sa Pilipinas.
Kanluranin- tumutukoy sa mga
Europeo o dayuhang naninirahan
sa Europe
-tumutukoy din ito sa mga
Amerikanong nagsagawa ng
imperyalismo sa Asya
Kolonyalismo- isang patakaran ng
tuwirang pagkontrol ng malakas na
bansa sa isang mahinang bansa
- pagkontrol sa kalagayang
pampolitika, paninirahan sa
isang lugar, paglinang ng likas na
yaman
Kolonya-
lugar o bansang tuwirang
kinontrol at sinakop
Imperyalismo- pakikialam o tuwirang
pananakop ng isang makapangyarihang
bansa sa ibang lupain upang maisulong
ang pansariling interes nito
Panahon ng Paggalugad at Pagtuklas-
pagtuklas ng mga Kanluranin
ng mga bagong lupain noong
ika-15 hanggang ika-17 siglo
Compass-
instrumento na
tumutukoy sa
direksiyon
Caravel-
barkong higit na
mabilis at may
kakayahang
makapaglayag sa
kabila ng malalakas
na alon ng dagat

You might also like