Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 65

Kasaysayan ng wikang

pambansa
 MGA BATAS, KAUTUSAN, MEMORANDUM AT SIRKULAR NA MAY KINALAMAN SA
WIKANG PAMBANSA
 
 1.    Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas (1935)
 “…ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa
na ibabatay sa isa sa umiiral na katutubong wika…”
 2.   Batas Komonwelt bilang 184 (1936)
 Lumikha ng isang lupon at itinakda ang mga kapangyarihan nito kabilang na
rito ang pagpili ng isang katutubong wika na siyang pagbabatayan ng wikang
pambansa.
 3.   
Kautusang tagapagpalaganap blg. 134 (1937)
 Ipinahayag na ang tagalog ay siyang magiging batayan ng wikang pambansa
ng Pilipinas.
 4.    Kautusang Tagapagpalaganap blg. 263 (1940)
 Nagbibigay pahintulot sa pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at balarila ng wikang pambansa,
at itinatagubilin din ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralan,pambayan man o
pribado.
 5.   
Batas Komonwelt blg. 570 (1946)
 Pinagtibay na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay maging isa sa mga
wikang opisyal ng Pilipinas.
 6.   
Proklama blg. 12 (1954)
 Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay na nagpapahayag ng pagdiriwang
ng Linggo ng Wika sa Marso 29 hanggang Abril 4 ayon sa mungkahi ng
Surian ng Wikang Pambansa.
 7.   Kautusang Pangkagawaran blg. 7,s.1959
 Nillagdaan ni Kalihim Jose E. Romero at itinatagubilin na kailaman at ang
tinutukoy ay ang wikang pambansa, ang salitang Pilipino ay siyang itatawag.
 8.   Kautusang Pangkagawaran blg.24,s.1962
 Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag-uutos na simulan sa taong –
aralan 1963-1964. Ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ay ipalilimbag
na sa wikang Filipino.
 9.   
Kautusang Tagapagpaganap blg. 60 s. 1963
 Nilagdaan ng Pangulong Diosdado Macapagal na nag-uutos na awitin ang
Pambansang Awit sa titik nitong Filipino.
 10. Kautusang Tagapagpaganap blg. 96 s. 1967
 Nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos at nagtatadhana na ang lahat ng
edipisyo,gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Filipino.
 11. Memorandum Sirkular blg. 172 (1968)
      Nilagdaan ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas at ipinag- uutos na
ang mga ”letterheads” ng mga tanggapan ng pamamahalan ay isulat sa
Filipino. Kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles. Ipinag-uutos din na ang
pormularyo sa panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng
pamahalaan ay sa Filipino gagawin.
     12. Memorandum Sirkular blg. 199 (1968)
           Itinatagubilin ang pagdalo sa seminar sa Filipino ng mga  kawani ng
pamahalaan. Ang seminar ay idaraos ng Surian  ng Wikang Pambansa sa iba’t
ibang purok linggwistika ng kapuluan.
 13. Kautusang Tagapagpaganap blg. 187 (1969) Nilagdaan ng Pangulong
Marcos at nag-uutos sa lahat ng   kagawaran, kawanihan,tanggapan at iba
pang sangay ng pamahalan na gamitin ang wikang Fillipino hanga’t maari sa
Linggo ng Wikang pambansa at pagkaraan man nito sa lahat ng opisyal na
komunikasyon at transaksyon.
 14. Memorandum Sirkular blg. 384 (1969)    Pinalabas ni Kalihim
tagapagpaganap Alejandro Melchor na   nagtatalaga ng mga may kakayahang
tauhan upang mamahala   ng lahat ng komunikasyon sa Filipino sa lahat ng
kagawan, kawanihan ,tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan kabilang
ang mga korporasyong ari o kontrolado ng   pamahalaan.
 15. Kautusang Tagapagpaganap blg. 304 (1971)  nilagdaan ng Pangulong
Marcos na nagpapanauli sa dating kayarian ng Surian ngwikang pambansa at
nililiwanag ang mga   kapangyarihan at tungkulin nito. 
 16. Atas ng Pangulo blg. 73. (1972)  Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-
aatas sa Surian ng   Wikang Pambansa na isalin ang Saligang Batas sa mga
wikang          sinasalita ng maylimapung libong (50,000) mamamayan 
alinsunod sa probidyon ng Saligang Batas Artikulo XV Pangkat 3.
 17. Kautusang Pangkagawaran blg. 25 (1974)  Nilagdaan ni Kalihim Juan
Manuel ng Kagawaran ng   Edukasyon at Kultura, na nagtatakda ng mga
panuntunan   sa pagpapatupad ng patakarang edukasyong baylingwal.
   18. Memorandum Pangkagawaran blg. 194 (1976)   Nilagdaan ni Kalihim
Juan Manuel na itinatagubilin sa mga guro   Ang mga bagong tuntunin sa
ortogapiyang Pilipino.
   19. Memorandum ng MECS blg. 203 (1978) Accelerating the Attainment of
the Goals of Bilinggual   Education.
 20. Kautusang Pangkagawaran blg. 203 (1978)   Paggamit ng katagang
“Filipino” sa pagtukoy sa wikang Pambansang Pilipinas. Nilagdaan ni
Kalihim Lourdes    Quisumbing ng kagawaran ng Edukasyon, Kultura at
Isports.
   
21. Kautusang blg. 52 (1987)   Ang Patakarang Edukasyong Bilinggwal ng
1987
   22. Kautusang Pangkagawaran blg. 54 (1987)   Panuntunan ng
Implementasyon ng Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal ng 1987.
   23. Kautusang Pangkagawaran blg. 81 (1987) Ang Alpabeto at patnubay sa
ispeling ng Wikang Filipino.
 Kasaysayan ng Wikang Pambansa
 
 1935
– Ang Seksyon 3 ng Artikulo XIV ng saligang-Batas ng Pilipinas ay nagtatadhana ng “ang
Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang
pambansang batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.”
  1936(Okt 27) – sa mensahe ng Pangulong Manuel Quezon sa kapulungang
pambansa ay itinatagubilin niya ang pagbuo ng Surian ng Wikang Pambansa
na gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa
layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang pambansang wikang
panlahat na batay sa isa mga wika sa kapuluan.
 1936 (Nob. 13) – Bilang pagtupad ng itinadhana ng saligambatas at pag-
alinsunod sa mensahe ng pangulong Quezon, pinagtibay ng Kongreso ang
batas Komonwelt blg. 184 na nagtatag ng isang Pambansang Surian ng Wika
at nagtatakda ng mga kapangyarihan at tungkulin nito. Sa pagpili ng
gagamiting wika ay itinatadhana ng batas na hirangin ang wika na may higit
na kaunlaran sa kaniyang pagkakabuo, mekanismo, pampanitikan at siyang
tinatanggap at ginagamit ng lalong malaking bilang ng mga Pilipino
 1937 (Enero 12) – Hinirang ng Pang. Manuel Quezon ang mga kagawad na bubuo sa Surian ng
Wikang Pambansa:
 
 Jayme C. de Veyra (Samar-Leyte) -tagapangulo
 Santiago A. Fonacier (Ilukano) - kagawad
 Filemon Sotto (Cebu) - kagawad
 Casimiro F. Perfecto (Bikol) -kagawad
 Felix S. Salas Rodriguez (panay) - kagawad
 Hadji Buto (Muslim) -kagawad
 Cecilio Lopez (Tagalog) - kagawad
 1937 (Nob 9) – Bunga ng pag-aaral na ginawa ng SWP, pinagtibay ng pangulo
ng Pilipinas na ang wikang Tagalog ang gamiting saligan ng wikang
pambansa.
 Seksyon7 ng Batas Komonwelt 333, na nagsususog sa ilang Seksyon ng Batas
Komonwelt Blg. 184. Isa sa mga susog, ang pangalang pambansang Surian ng
Wikang Pambansa ay ginawang Surian ng Wikang Pambansa, at tiniyak ang
pagkabuo ng Surian na ang bawat kagawad ay kakatawan sa isang
pangunahing wika sa kapuluna.
 1940(Abril 1) – sa pamamagitan ng kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 ay
binigyang pahintulot ang pagpapalimbag ng isang talatinigan at isang balarila
ng Wikang Pambansa, at itinatakdang mula Hunyo 19, 1940 ay sinimulan
nang ituro ang wikang pambansa sa lahat ng paaralang bayan at pansarili.
 1940 (Abril 12) – Pinalabas ng Kalihim Jorge Bacobo ng Pagtuturong
Pambayan ang isang kautusan pangkagawaran; ito’y sinundan ng sirkular Blg.
26,s 1940 ng Patniugot ng Edukasyon Celedonio Salvador. Ang pagtuturo ng
wikang pambansa ay sisimulan sa mataas na paaralan at sa mga paaralang
normal.
 1940 (Hunyo 7) – Pinagtibay ng Batas Komonwelt Blg. 570 na nagtatadhana
na ang pambansang wikang Filipino ay magiging isa sa mga wikang opisyal
ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1946.
 1954(Marso 26) – Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang
proklamasyon Blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon kasaklaw ang
kaarawan ni Balagtas (Abril 2).
 1955 (Set 23) – Nilagdaan ng Pang.Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 ng
1954. na sa pamamagitan nito’y inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng
Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-13 ng Agosto hanggang
ika 19 ng Agosto. Saklaw nito ang kaarawan ng pangulong Manuel Quezon,
ang ama ng Wikang Pambansa.
  1959(Agosto 13) – Pinalabas ni kalihim Jose E. Romero ng kagawaran ng
Edukasyon ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad ng kailanma’t
tutukuyin ang wikang pambansa, ang salitang PILIPINO ang siyang
gagamitin.
 1967 (Okt 24) – Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang isang
kautusang Memorandum Sirkular Blg. 172 na nagbibigay diin sa pagpapairal
ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, at bilang karagdagan ay iniaatas din
ang mga ulong-liham ng mga kagawaran at mga tanggapan,at mga sangay ng
pamahalaan ay naraaapat na nakasulat sa Pilipino, kalakip ang kaukulang salin
sa Ingles, iniatas din na ang mga panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at
kawani ng pamahalaan ay gagawin sa Filipino.
 1968 (Agosto 6) – Nilagdaan ng pang. Marcos ang kautusang Tagapagpaganap
Blg. 187 na nag-aatas na gamitinnhangga’t maaari sa lahat ng kagawaran,
kawanihan at iba pang sangay ng pamahalaan ang wikang Pilipino sa Linggo
ng Wika at gayun din pagkaraan nito sa lahat ng komunikasyon at transaksyon
ng pamahalaan.
  1971(Hulyo 19) – Pinalabas ng Kalihim TagapagpaganapAlejandro Melchor
ang Memorandum Sirkular Blg. 488 na nagbibigay diin sa Proklamasyon Blg.
186, s. 1955 na nag-aatas sa lahat ng tanggapang pampamahalaan na magdaos
ng mga palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa.
 1974(Hunyo 19) – Pinalabas ng kalihim Juan L. Manuel ng Kagawaran ng
Edukasyon at Kultura ang kautusang pangkagawaran Blg. 25, 2. 1974 na
nagtatakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong
Bilingual.
 1976 – Nilagdaan ng kalihim Juan Manuel ang Memoramdum pangkagawaran
Blg. 194, s. 1976 na nagsasaad ng binagong mga tuntunin sa ortograpiyang
Pilipino na nagragdag sa 20 titik ng Abakada ng mga titik C, CH, F, J, LL, ñ,
Q, RR, V, X, Z.
 1979– Nilagdaan ng Minster ng Edukasyon ng Lultura ang Kautusang
pangministri Blg. 47 na nagtatakdang ang mga mag-aaral na dayuhan sa mga
dalubhasaan at pamantasan sa Pilipinas ay kailangang makakuha at maipasa
ang anim (6) nay unit ng Pilipino upang makatupad sa mga pangangailangan
sa pagtatapos sa anumang kurso.
 1980(Abril 28) – Ipinalabas ng Minister ng Edukasyon at Kultura, Onofre D.
Corpuz, ang Memorandum Blg. 103 na nagtatatag ng mga sentro sa PNC at
NTC na magsasanay sa mga guro sa dalubhasaan na gumamit ng Pilipino
bilang wikang panturo.
 1986– sa Saligang Batas ng 1986, ang wikang pambansa ay itinatadhanag
tatawaging Filipino gaya sa nakasaad:
 Artikulo XIV, Sek 6 – “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang ito, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa
umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
 Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring
ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga Alinsunod sa mga tadhana ng
batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso,dapat
mafsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edulasyon.
 FILIPINO: WIKANG PAMBANSA PARA SA MGA FILIPINO
 Ni R. Aguilar
 
 Itinakda ng Salingambatas ng 1987 na:
 
 “Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino. Habang ito ay nabubuo, patulo’y itong
pauunlarin batay sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika,” (Art. XIV, sec 6)
Sinasabi sa seksyong ito na:
 
 “Alinsunod sa mga probisyon ng batas at kung mamarapatin ng kongreso,gagawa ng
hakbang ang gobyerno upang simulan at itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang wikang
opisyal sa komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistema sa edukasyon,” sinabi rin sa
Art. XIV, sek. 7 na:
 “Para sa komunikasyon at pagtuturo,ang mga wikang opisyal ng Pilipinas
ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinakda ang batas, Ingles.”
 
 Maliwanag ang isinasaad ng batas, ngunit ang naging isyu ay ang
kahulugan ng salitang Filipino. Ano ang ibig sabihin ng Filipino? Ito ba ay ang
Tagalog na binihisan lamang ng bagong pangalan.
 Ang ating bansa ay binubuo ng maraming wika at wikain sa bawat rehiyon at
ang bawat rehiyon ay naghahangad na ang kanilang wika ay maisama kundi
man siyang gawing wikang pambansa. Sakasalukuyan,kapag sinabi mong ang
batayan ng wikang pambansa at Tagalog, marami ang tumutol na sa ilang
bahagi ng Cebu at Mindanao. Ito ang sagwil sa mabilis na pagpapalaganap ng
wikang pambansa.
 Marami rin ang nagtatanong kung ito bang “Filipino” ay ang Linggua
Franca na ginagamit sa Maynila.
 
 Ayon na rink ay Dr. Ernesto Constantino ng UP na dahil naging salungat
ang mga di-Tagalog,baka di malayong ang wikang “English” an gating
maging wikang pambansa.
 Ang Tagalog ang hindi ‘mother tongue’ng pinakamalawak na pangkat
linggwistiko bagama’t maaaring masabi na ang Tagalogang may
pinakamaraming nagsasalita, ang kaniyang katunggali rito ay ang wikang
Cebuano na lalong may maraming nagsasalitang katutubo. Sa buong Pilipinas
ay may 52% ang nagsasalita sa Filipino/Tagalog.
 Sailang mga talakayan hinggil sa wika ay lumitaw ang maraming suliranin
kung tagalong nga ang bataayn ng wikang pambansa tulad nang pairalin ang
“Bilingual Education System” dahil ditto ay inalis sa mga paaralan ang
paggamit ng iba pang wika sa pagtuturo maliban saEnglish at Filipino (batay
sa Tagalog): naging bunga sa mga llawigan tulad ng Negros Occidental,na
kung saan ang lahat ng mga mag-aaral at mga guro ay mga Ilonggo at
Hiligaynon.
 Isang suliranin din ito sa isang pamilya na kung saan ang mga magulang ay
nagsasalita ng magkaibang wika, Ilokano at Kapampangan o Bisya at Bikol,
atbp., samantalang sa paaralan at Tagalog at English. Wala itong suliranin sa
Metro Manila, dahil sa Maynila ay nagkakaroon ng paglilipat sa Tagalog ang
wika ng mamamayan.
 Sa kabilang dako, naniniwala si Direktor Ponciano pineda ng Komisyon ng
Wika na ang paggamit ng wikang Filipino ay walang suliranin, mauunawaan
ito at nagagamit ng mga di-Tagalog, kasama ang Bisaya at Mindanao, ang
kailangan lamang ay pagpapaliwanag, bagama’t kailangan muna ay
magkasundo ang gumagawa ng patakaran sa wika dahil kung sila mismo ay
hindi nagkakaisa, hindi maniniwala ang pinagpapaliwanagan.
 Hindi makaila na an gating pamahalaan ay gumawa ng mga hakbang tungo sa pag-unlad ng ating wika.
Nagpalabas ang pangulo ng kautusan blg. 335 noong Agosto 25, 1988 na nag-uutos ng:
1. Gumawa ng hakbang sa paggamit ng wikang Filipino sa lahat ng opisyal na komunikasyon, translasyon at
korespondensya sa kani-kanilang tanggapan maging pambansa o local.
2.  Magtakda ng isa o higit pang tauhan na mamahalasa lahat ng komunikasyon at korespondensya na
nakasulat sa Filipino.
3.  Isalin sa Filipino ang mga pangalan ng tanggapan,gusali at tanggapang pampubliko,ang mga signboard ng
lahat ng mga tanggapan at dibisyon samantala maaari na lamang isulat sa wikang English sa maliit na titik
ang salin nito.
4.  Gawin sa Filipino ang ‘panunumpa sa tungkulin’ ng mga opisyal at mga tauhan ng pamahalaan.
5.  Magsagawa ng mga pagsasanay sa paggamit ng Filipino sa mga tauhan ng bawat tanggapan sa opisyal na
komunikasyon at korespondensya.
 ANG TALAMITAM
 (Komunikasyon)
 
 Ang wika ay paraan ng pagpapahayag ng pagkukuro at damdamin sa pamamagitan ng salita upang makaunawa ang
mga tao. Ginagamit natin ang wika sa pang araw-araw nating pakikipagtalamitam tungo sa pag-unlad n gating pamumuhay.
Sa lahat ng pagkakataon, wika ang ginagamit natin upang maiparating ang ating iniisip at nadarama sa ating kapwa. Lahat
ng lahi o lip ng tao, gaano man ito kadukha ay may taglay na wika. Ang wika ay laging kaakbay sa lakad ng panahon.
 Bagaman maaaring makipagtalastasan sa pamamagitan ng mga hudyat tulad ng paggalaw ng iba’t ibang bahagi ng
katawan at bakas ng mukha; tulad ng pagsimangot, pagngiti, pagkindat o paggalaw ng ulo tulad ng pagtango o pag-iling,
ang paggamit pa rin ng wika ang pinakamabisang pakikipagtalastasan, berbal man o di-berbal.
 Ayon kay Dogro Dregorio Rodillo, ang wika ay isang payak na pagpapakahulugan, ay paraan ng pagpapahayag ng
iniisip at dinarama upang magkaunawaan. Ang mga katangiang taglay nito ay: 1. buhay, 2. natatangi, 3. nakabuhol sa
kultura, 4. nagsasalungatan, 5. nagkakatulad.
 
 
 Reynaldo L. Aguilar et al. 2006. Sining ng Komunikasyon. Cardonia St, Brgy. Poblacion, makati City. Grandwater
Publication
 Maikling Kasaysayan ng pag-aaral ng Wika
 Pang-aaral ng Wika
 Consuelo J Paz et al
 University of the Philippines Press pp. 7-9
 
 Napakatagal nang panahon na pinag-aaralan ang mga wika ng tao. Bahagi ng mga unang
pag-aaral ang nabanggit na sa itaas na mahabang pagtatalong namagitan sa mga Greek filosofer
nun tungkol sa pagkakaroon o di-pagkakaroon ng natural na koneksyon ng isang salita at
kahulugan nito (mga naturalist kontra mga konvensyonalist). Nasundan ito ng mahaba pa ring
mga pagtatalo tungkol naman sa pagiging regular o di-regular ng mga wika (mga analojist
kontra sa mga anomalist) na syang nagbigay-daan para maaydentifay ang mga bahagi ng
pananalita sa wikang Greek. Nang mabuo na ang pag-aaral ng mga Greek na gramarayan para sa
grammar ng kanilang wika, inadap naman ng mga Romano ang gramatikal-patern ng Greek sa
pagtuturo at pagpapalaganap nila ng wikang Latin. Ang nabuong grammar ng latin ang ginawa
naming modelo sa pagtuturo ng iba pang mga wika lalo na sa Europa sa loob ng mahabang
panahon na kinikilala ngayong tradisyunal na grammar.
 Sa pagtatapos ng ikalabingsiyam na sentyuri itinatakda ang sinasabing pagsisimula ng mga
unang linggwistik na pag-aaral ng mga wika. Bago pa man nabuo ang tradisyunal na grammar
ng Latin sa Europe ay meron nang nagawang mahalagang pag-aaral ng grammar ng wikang
Sanskrit na umabot sa kaalaman ng mga Europeyo. Isa sa mey malalim na interes sa pag-aaral
ng wikang Sanskrit ay si Sir William Jones (1786) na nagsabi nun na nakita nyang
pagkakapareho nito sa mga wikang latin at Greek ay sapat na dahilan para ipalagay na ang
tatlong wikang ito (na sinasalita sa magkakalayong mga lugar) ay mey iisang pinagmulan. Ito
ang dahilan kung bakit nagging abala ang mga iskolar ng wika nang mga panahong iyon na pag-
aralan ang relasyon ng mga wikang hindi lamang nabibilang sa mga sinasalita sa Europe kundi
ng iba pang mga wika ng mundo. Ang mga ganitong pag-aaral ay tumuloy sa pagtatag ng
historikal at kompatariv na pag-aaral sa linggwistiks. Bunga nito ang mga pag-aaral sa
pagtatag at pagbuo ng iba’t ibang grupo o pamilya ng mga wika. Pero mas mahalaga kesa rito
ang pagbubuo o pagdevelop ng mga tyri tungkol sa pagbabago ng wika.
 Sa pagsisimula ng ikadalawampung siglo, napablis ang Cours de Linguistique
Generale ni Ferdinand de Saussure (1916) na binuo ng mga dati nyang
estudyante buhat sa kanyang mga lektyur nang siya’y nabubuhay pa.
Mahalaga ang librong ito dahil nabatay sa ilang mga prinsipyong tinalakay
ditto ang nagging development ng disiplina ng linggwistiks sa sususnod na
panahon.
 Ilan sa mahalagang konseptong tinalakay ni Saussure ay ang pagkakaiba ng parole at
langue, at ng singkronik at dayakronik na pag-aaral ng wika. Para kay Saussure, ang
langue ang dahilan kung papaanong nakakapagsalita at nakakaintindi ang isang
indibidwal sa kanyang wika. Ayon sa kanya, ang mga beysik na element ng langue (mga
tunog,mga salita, at mga gramatikal-fityur) ay mga magkakaugnay na straktyur. Ang
parole naman ang mismong naririnig nating binibigkas ng spiker ng wika. Sinasabi ni
Saussure na ang singkronik na pag-aaral ay ang pag-aaral ng straktyur ng wika sa isang
panahon. Ang dayakronik na pag-aaral naman ay ang pag-analays at pagkumpara ng
mga straktyur ng wika sa pagbabago nito sa paglipas ng panahon. Sa pagkukumpara ng
mga pagbabagong ito ay napag-aaralan ang relasyon ng mga wikang mey pagkakahawig.
 Nasundan ang libro ni Saussure ng pablikeysyon ng librong Language
ni Leonard Bloomfield (1933) at mula nuon ay tuluyan nang tumatag ang
sayantific na pag-aaral ng mga wika. Tugma ang mga sinulat ni Bloomfield sa
pananaw ni Saussure (1916) na bawat wika ay mey magkakaugnay na
straktyur kaya sinasabing bawat wika’y mey isang system na katangi-tangi sa
kanya. Magkatugmang pananaw na nagging simula ng straktyuralis na
pamamaraan sa pag-aaral at pag-aanalays ng wika.
 Sakalagitnaan ng nakaraang siglo napablis ang Syntactic Structures ni Noam Chomsky (1957)
na nagbigay ng malakas na paghamon sa sinundan nitong staktyuralis na pag-aaral ng mga wika.
Ipinahayag ni Chomsky sa librong ito ang sinabi niyang sentraliti ng sintaks, ibig sabihin,
ipinapalagay niyang ang sintaktik relasyon sa mga ito ang pinakasentro sa mga wika. Dito rin
nya sinimulang ipaliwanag ang sa kanya’y pinakadistink at pinakamahalagang aspeto ng wika
ng tao: ang pagkamalikhain ng wika. Ayon kay Chomsky, sa pag-aaral ng sintaks o kung
paano nabubuo ang mga sentens o pangungusap ng isang wika maiintindihan ang sinasabi
niyang malikhaing kapasidad ng pagsasalita ng wika.
 Inibani Chomsky ang pamamaraan ng linggwistik analisis nang inintrodyus
nya ang kanyang transformational generative grammar (TG) na dapat ituring
na mga instraksyon sa pagbuo ng lahat ng posibleng magawang tama,
makabuluhan,at tanggap ng mga sentens sa wikang alam o pinag-aaralan.
Importanteng Makita o mareflek sa grammar na ito ang pagiging malikhain ng
mga spiker ng wika. Ang kanilang kompitens sa kanilang wika ay kailangang
masalamin sa mga rul o batas ng wika.
 Sasumunod na taon napablis ang Aspects of the Theory of Syntax ni Chomsky (1965) kung saan
pormal niyang binigyan ng distingksyon ang kanyang mga term na linggwistik-kompitens at
performans. Ang depinisyon niya para sa una ay ang kaalaman at kakayahan ng tagapagsalita sa
kanyang wika, at sa pangalawa naman ay ang aktwal na mga sinabi/binibigkas sa spesipikong
sitwasyon. Kung babalikan natinang kahulugan ng parole at langue si Saussure, makikitang
hindi nalalayo ang mga kahulugannito sa mga kahulugan ng linggwistik-kompitens at
performans ni Chomsky. Ang nabuong modelo ng pag-analays ng wikana hango sa librong ito
ay tinawag na standard theory na nirevays din pagkaraan lang ng ilang taon sa tinawag naming
extended standard theory.
 Hindi pa rin natapos dito ang mga pagbabago sa pamamaraan ng linggwistik-analisis na
ipinopropos ni Chomsky.Mula 1980s mas dumami pa ang reserts sa tyuri ng sintaks kung saan
ang focus ng resrtsay lumayo sa pagbuo ng mga rul o batayan dahil tumuon na ngayon ang
focus ng reserts sa pagbuo ng mga prinsipol. Ibiog sabihin, sa halip na binubuo ng listahan ng
mga spesipik na rul ang modelong grammar ng linggwistik-kompitens, ito ngayon ay binubuo
ng set ng mga nag-iinterak na mga prinsipyo na nakabatay sa katangian ng bawat wika. Ang
mga prinsipol na ito ang pinapalagay na siyang nagdedefayn ng tinatwag na core grammar ng
wika. Ito ang panahon ng government and binding(GB) sa mahaba at kumplikadong
pinagdaanan ng unang TG ng Syntactic Structures ni Chomsky. Ang isang naging puna sa tyuri
ni Chomsky ay ang pag-aaral ng wika nang hindi isinasaalang-alang ang konteksto nito. Pinag-
aaralan ang wika labas sa reyalidad ng pakikipag-usap.

You might also like