Wikang Pambansa Sa Panahon NG Hapones

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Wikang Pambansa sa Panahon

ng Hapones
• Itinuturing ito ng marami na “Gintong Panahon
ng maikling kuwento at ng dulang Tagalog.”

• Ang wikang Ingles ay ipinagbawal gamitin ng


mga Hapones kung kaya’t ang nagtamasa ng
bunga ng pagbabawal na ito ay ang panitikang
Pilipino sa wikang Tagalog.

• Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa


Ingles upang masiguradong hindi mabahiran ng
kanlurang ideya ang panitikang nilikha

Wikang Pambansa sa Panahon ng Hapones


• Pinagagamit ang mga katutubong
wika lalo na ang Tagalog.

• Namayagpag ang Panitikang Tagalog

• Itinuro ang Wikang Nihonggo sa


lahat ng paaralan subalit binigyang-
diin ang Wikang Tagalog.
• Sumesentro sa buhay sa lalawigan o pagsasaka o pangingisda

• Ugali ng mga Hapon na magsipag magtrabaho

• Sumesentro sa Pagkamakabayan, Pagibig at Kalikasan

• Pananampalataya at Sining

• Ugali ng Hapon pagiging tapat sa kanilang bansa at


pagkakaroon ng dangal sa sariling bansa

Tema ng Panitikan sa
Panahon ng Hapon
• Sa buwan ng Enero, 1942, sinakop ng
mga Hapon ang Pilipinas. Naganap ang
pagbobomba ng Pearl Harbor sa Hawaii
at binomba na rin ang Pilipinas.

• Nang dumating ang mga Hapon,


pinamartsa nila ang mga sundalong
Amerikano at Pilipino na kanilang
nabilanggo patungong Camp O’Donnell.
• Ang naging pangulo sa panahon ng Hapon ay si
Jose P. Laurel. Ang kanyang naging papel ay
sumunod sa kahilingan ng mga Hapon.

Puppet President
• Layunin ng Japan na pagbuklurin ang mga bansang
Asyano sa ilalim ng kanilang pamumuno upang paunlarin
ang aspektong panlipunan, pampulitika, pangkultura, at
pangkabuhayan ng rehiyon.

CO-PROSPERITY SPHERE
FOR GREATER EAST ASIA
• Sa komisyong ito, nabuo ang iba’t ibang
mga ordinansa. Isa sa mga ito ay ang
Ordinansa Militar Blg. 2 at ang itinatag
nito ay ang Japanese Education Policy na
naglalaman ng iba’t ibang patakaran para
sa edukasyon ng mga Pilipino. Itinatag
naman ng Ordinansa Militar Blg. 13 ang
Nihonggo at Tagalog bilang pambansang
wika.
Philippine Executive
Commission
• Layunin nito ang mapabuti ang edukasyon at
mapaunlad ang kabuhayan ng Pilipinas. Ang
pinakamahalagang layunin nito ay palaganapin
ang wikang Tagalog.

Kapisanan ng Paglilingkod sa
Bagong Lipunan (KALIBAPI)
• Isang maiksing salaysay hinggil sa isang
mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng
isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang.

Maikling Katha
• Kwento ng Kalabaw at Kambing
• Huling Limang Oras
• Ang Sapatero at ang mga Duwende
• Bakit mataas ang langit
• Ang Aral ng Damo

Halimbawa
Tula
• Ang Haiku ay isang uri ng tula na binubuo ng
labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod.

• Ang unang taludtod ay may limang pantig; ang


ikalawa’y may pitong pantig; ang ikatlo ay may
limang pantig (5-7-5).

• Tanaga -ito’y maikli ring katulad ng haiku ngunit


ito’y may sukat at tugma at ang bawat taludtod ay
may pitong pantig. (7-7-7-7)
Haiku Tanaga
• Tameme • Palay
Lipad sa ulap Palay siyang matino,
Na sa wari’y kaysarap, Nang humangi’y yumuko;
Kapag kaharap. Nguni’t muling tumayo
Nagkabunga ng ginto
• Kahit Gising
Panaginip ka • Kaibigan
Kahit na sa umaga, Ang katoto kapag tunay
Ika’y ligaya. hindi ngiti ang pang-alay
kundi isang katapatan
ng mataus na pagdamay.

Halimbawa
• Bunga ng kahirapang ng buhay dulot ng digmaan. Ang
mga tao’y humanap ng kahit na kaunting
mapaglilibangan sa mga dulaan. Natigil ang
pagsasapelikula dahil sa giyera at ang mga artista ng
puting tabing ay lumipat sa pagtatanghal sa mga dulaan.
Ang malalak’t maliliit na teatro tuloy ay nagsipaglabas
ng dula.

Dula
• Sinag Ng Karimlan (Trahedya)
• Sa Pula, Sa Puti (Komedya)
• Karaniwang Tao (Melodrama)
• Sarimanok (Parsa)

Halimbawa
• Tinatawag ding Kathambuhay sa wikang Tagalog. Katha
sapagkat likha ng panulat at Buhay sapagkat ang mga
kasaysayan ngang isinalaysay, kung hindi man lubos
gawa sa isip ay hinahango sa pangyayaring tunay na
naganap sa buhay ng maaring nasaliksik, nasaksihan o
naobserbahan, napanayam o kaya’y naranasan.

Nobela
• Luha at Luwalhati (Antonio Sempio, 1942)
• Igorota sa Baguio (Fausto Galauran, 1945)
• Sa Lundo ng Pangarap (Gervacio Santiago)

Halimbawa
• Jose Ma. Hernandez (Panday Pira)
• Francisco Rodrigo (Sa Pula, Sa Puti)
• Clodualdo del Mundo (Bulaga)
• NVM Gonzales (Sino ba kayo?)
• Narciso Reyes (Tinubuang Lupa)
• Liwayway Arceo (Uhaw ang Tigang Lupa)
• Jose Esperanza Cruz (Tatlong Maria)
• Isidro Castillo (Lumubog ang Bituin)
• Gervacio Santiago (Sa Lundo ng Pangarap)

Sikat na manunulat sa
Panahon ng Hapon

You might also like