Professional Documents
Culture Documents
Aralin 6 HUMANIDADES
Aralin 6 HUMANIDADES
Sana’y mapagtanto natin na ang edukasyon at ang Humanidades ay dapat pahalagahan sa pagpapaunlad
ng ating mga isipan at ng lipunan sa kalahatan, at di lamang para magkaroon ng karera sa hinaharap –
Newton Lee
• “Hindi kung ano ang gagawin ng tao, kundi kung paano maging tao.” Ito ang pangunahing layunin ng
larangan ng Humanidades. Tao—ang kaniyang kaisipan, kalagayan, at kultura—ang binibigyang-tuon sa pag-
aaral ng larangang ito.
• Binubuo ng mga sumusunod na disiplina ang larangan:
• Panitikan
• Wika
• Pilosopiya
• ______________
• Relihiyon
• Sining – biswal
• *pelikula
• *teatro
• *sayaw
• *applied – graphic
• Industriya/fashion
• Interior Dekoratibo
• Fine Arts (Malayang Sining)
• *calligraphy
*Studio arts
*art history
*print making
*mixed media
• Reaksiyon sa Iskolatisismo
• Ang larangan ng Humanidades ay umusbong bilang reaksiyon sa iskolastisismo
sa panahon ng mga Griyego at Romano kung saan inihahanda ang tao na maging
doktor, abogado, at sa mga kursong praktikal, propesyonal, at siyentipiko.
Inilunsad ito upang bumuo ng mga mamamayang mahusay sa pakikipag-
ugnayan sa kapuwa at makabuluhan at aktibong miyembro ng lipunan.
• Metodolohiya at Estratehiya
• Gumagamit ng lapit na analitikal, kritikal, at ispekulatibo ang Humanidades. Sa
mga ito nabibigyan ng pagkakataong suriin ang isang teksto sa paraang
sistematiko at organisado.
Analitikal na lapit
• -ang ginagamit sa pag-organisa ng mga impormasyon sa mga kategorya, bahagi,
grupo, uri, at mga pag-uugnay-ugnay ng mga ito sa isa’t isa
• Kritikal na lapit
-kung ginagawan ng interpretasyon, argumento, ebalwasyon,
at pagbibigay ng sariling opinyon sa ideya
• Ispekulatibong lapit
-ang pagkilala ng mga senaryo, mga estratehiya o
pamamaraan ng pagsusuri, pag-iisip, at pagsulat
• Halimbawa ng mga pamamaraan at estratehiyang ginagamit sa mga lapit na
ito:
a. Deskripsiyon o paglalarawan
Halimbawa: “Sa daloy ng laro, lumalakas (“level up”) ang bawat hero sa pamamagitan ng (1)
pagpatay (“kill”) sa mga kalabang hero, (2) pagbasag ng mga tore (“tower”) ng kalabang
koponan, (3) pagbili ng mga gamit (“items”) gamit ang naiipong pera (“gold”) ng bawat player
mula sa kanilang napatay na mga enemy hero at creep.”
– Gerard P. Concepcion, “Ang Umuusbong na Wika ng Kabataang Pilipino sa Paglalaro ng
DOTA” Salindaw,(2012)
b. Kronolohiya o pagkakasunod-sunod ng pangyayari
d. Sanhi at Bunga
Halimbawa: “Nakababahala para sa mga magulang kung Jejemon ang isang anak dahil
nakikita nilang nakasasama ito para sa kanilang anak. Kadalasan, kung talagang nahumaling
na ang isang tao sa paggamit ng wikang jejemon, ginagamit niya na rin ito sa pang-araw-
araw na pakikipagtalastasan. Kung hindi naiintindihan ng mga magulang ang Jejemon,
magkakaroon ng isang harang sa pagitan ng magulang at anak sa komunikasyon.
• Dahil dito, maaaring mapalayo ang loob ng anak sa kaniyang mga magulang. Vivencio
M. Talegon, “Kultura at Sistemang Jejemon: Pag-aaral sa Varayti at Baryasyon ng
Filipino Slang”Salindaw,2012
• e. Pagkokompara
Halimbawa: “Kapuna-puna ang kaibahan sa Kubismong Pranses ng mga likha ni
Manansala, na kung kaniyang tawagi’y Tahimbuhay. Naiiba ang mga ito hindi lamang
sa kanilang pagpapahalaga sa kaanyuan ng mga bagay na ipininta, kundi pati sa
karamihan ng mga hugis ng mga bagay. Naririto ang palayok, kawali, mangkok, sandok,
gayundin naman ang iba’t ibang sangkap ng anumang iluluto. Isda, kamatis, at iba
pang mga gulay.”
- Rod Paras Perez, “Sining ng Nagsisikip na Dingding.” Binhi, 1990
• f. Epekto
Halimbawa: “Kailangang alam natin, ani Gunnar Myadal, ang sapat na pagnanasang
mag-aruga sa kapwa o ng pag-aalaala sa madla (social consciousness) upang ang mga
produkto ng ating pagsulong ay maging pangmatagalan, maging panghabambuhay.”
- Pura Santillan-Castrence, “Ang Pag-unlad at ang Pagbabago ng Mga Gawi at Pag-
uugali, Binhi, 1990
Pagsulat sa Humanidades
Tatlong anyo ng pagsulat sa larangan ng Humanidades batay sa layunin (Quinn at
Irvings, 1991):