Lingguwistikong Komunidad, Unang Wika, Pangalawang Wika

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Mga Konseptong Pangwika

Lingguwistikong Komunidad, Unang


Wika, Pangalawang WIka
Wika ang namamagitan upang maunawaan
ang sarili, karanasan, kapwa tao, paligid, mundo,
obhetibong realidad, panlipunang realidad,
politikal, ekonomik at kultural.
Unang wika man o pangalawang wika, wika
pa rin ang daluyan ng kaisipan at kamalayan ng
isang lahi, lipi, at lipunan. Ibig sabihin nasa wika
ang tanging paraan upang maisalin ang
kaalaman, karanasan at alaala ng isang lahi o lipi
at lipunan sa iba.
Tuklsain
Pakinggan o awitin ang kasunod na awiting-
bayan. Suriin ito at sagutin ang mga kasunod na
tanong.
1. Anong wika nakasulat ang awiting “Naraniag
a Bulan”?
2. Tungkol saan ang awit?
3. Madali mo ba itong maunawaan?
Lingguwistikong Komunidad
Ito ay may kaugnayan sa pagpapaunlad ng wika.
Isinasaalang-alang dito ang tungkol sa idyolek,
sosyolek, at diyalek ng pangkat ng tao sa isang
komunidad.
Unang Wika
Ito ang wika na unang natutuhan ng isang tao
mula nang kanyang kapanganakan. Ito rin ang
batayan sa pagkakakilanlang sosyolingguwistika
ng isang tao. Tinatawag din itong katutubong
wika.
Pangalawang Wika
Ito ay tumutukoy sa iba pang wikang pinag-
aaralan o natututuhan ng isang tao maliban pa
sa unang wika.
Simulan Mo:
A. Ilahad ng komprehensibo ang kahulugan ng mga konseptong pangwika na
lingguwistikong komunidad, unang wika, at pangalawang wika. Bukod sa paliwanag,
magbigay ng mga sitwasyong kaugnay nito.

1. Lingguwistikong Komunidad Sitwasyon


Sit

2. Unang Wika Sitwasyon

3. Pangalawang Wika Sitwasyon


Basahin Mo
Sa bawat panig ng bansa, maraming awiting-bayan ang namayani
na nagpakita ng kultura ng isang pangkat ng mga tao o lugar.
Bawat rehiyon sa Pilipinas ay mayroong mga awiting bayan.
Tinatawag din itong kantahing-bayan na isang tula na inaawit na
nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, karanasan,
pananampalatayaa at gawain o hanapbuhay ng mga taong
naninirahan sa isang pook. Ito ay bahagi ng kulturang Pilipino. Ang
ilan sa mga kilalang mga awiting-bayan na mula sa iba’t-ibang lugar
o rehiyon ng ating bansa ay: Leron-Leron Sinta (Tagalog), Ati Cu
Pung Singsing (Pampanga), Dandansoy (Visayas), Pamulinawen
(Ilocos), SarungBanngi (Bicol), Kandayo-Dayo (Mindanao) at
napakarami pang iba. Sa kasalukuyan, mga OPM (Original Pinoy
Music) na ang tawag dito na may iba’t ibang genre.
Halimbawa ng mga awiting-bayan

1. O Caca, O Caca (Pampanga) O Caca, O Caca (Tagalog


O Caca, O Caca O Ate, O Ate
San Fernando’t Wawa San Fernando At Wawa
Betis at Baculud Betis at Baculud
Sacup ning Menila Sakop ng Maynila
Queta po Quecami Doon sa ama
Dacal lang Baluga Ay maraming Baluga
Malatit Maragul Maliit at malaki
Biasa lang mamana Bihasa sila sa pagpapana
Halimbawa ng mga awiting-bayan
2. Sarung Banggi (Bicol) Isang Gabi (Tagalog)
Sarung bangggi sa higdaan Isang gabi sa higaan
Nakadangog ako hinuni nin sarong Nakarinig ako ng isang ibong umaawit
gamgam Akala koý panaginip
Sa loba ko katorogan Ito pala ay tinig mong siyang narinig
Bako kundi sinong boses iyo palan
Halimbawa ng mga awiting-bayan
Talisay City Hymn
Halimbawa ng mga awiting-bayan
Ang Ibon

Kung ako ay tulad ng ‘sang ibon


Lilipad sa kaitaasan
Tungo ko ay kalayo-layuan
Hanap ko’y irog na tunay
Kung ako rin ay tulad ng tubig
Kabuhayan ng ugat
Hanap ko ay ikaw na halaman
Nakakikilala ng silbi ko
Musika
Ito ay sangay ng Humaninades (Humanities) na
pinagsama-samang tunog ng iba’t ibang tono
upang makalikha ng ng isang katha na musika na
nagpapahayag ng iba’t ibang kaisipan at
damdamin.
Kahalagahan ng Musika
1. Pagpapalabas ng damdamin nang di nahihirapan sa
pagpapahayag.
2. Napagaganda nito ang kalusugan ng tao, sapagkat ayon sa
siyentipikong pananaliksik ay napagagaling ito ng sakit o
karamdaman. May sakit na nalalabanan gamit ang
nakamamanghang pag-iisip sa impluwensiya ng pakikinig sa
musika.
3. Nakakatulong din sa magandang pagtubo ng halaman, gulay,
bulaklak at prutas.
4. Nagsisilbing libangan.
5. Nakatutulong sa paglutas ng mga suliranin, ang negatibong pag-
iisip ay nagiging positibo.
Musika ng Pilipinas
Ang musikong Pilipino ay halong Europeo, American at
katutubong mga tunog. Naimpluwensiyahan ang musika sa
Pilipinas ng 377 taon ng pamanang kolonyal ng espanya,
Kanluraning Rock and Roll, Hip-Hop at popular na musika mula
sa Amerika, ang katutubong musika ng populasyong
Austronesian at musikang Indo-Malayan.
Samantala, ang katutubong musika ng Pilipinas ay sumasailalim
sa buhay ng mga karaniwang tao, na kalimitan ay naninirahan sa
mga baryo sa halip na sa mga lungsod. Katulad ng ibang mga
katutubong musika sa Asya, karamihan sa mga katutubong
musika ng Pilipinas ay may kinalaman sa kapaligiran.
Unawain Mo
A. Ipaliwanag ang pamagat ng sumusunod na
mga awiting-bayan.
PALIWANAG
O Caca, O Caca Sarung Banggi Awit ng Cotabato Ang Ibon
B. Sa pamamagitan ng larawang-guhit (maaring figure stick, anime o ibang
paraan ng pagguhit), bigyan ng pagkakahulugan ang nilalaman ng bawat
awiting-bayan. Isulat ang paliwag kaugnay nito.

O Caca, O Caca Paliwanag

Sarung Banggi Paliwanag


B. Sa pamamagitan ng larawang-guhit (maaring figure stick, anime o ibang
paraan ng pagguhit), bigyan ng pagkakahulugan ang nilalaman ng bawat
awiting-bayan. Isulat ang paliwag kaugnay nito.
Awit ng Cotabato Paliwanag

Ang Ibon Paliwanag

You might also like