Sa Madaling Salita

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Sa Madaling Salita:

Kasaysayan at Pag-unlad ng
Wikang Pambansa
SENTRO NG WIKANG FILIPINO NG UP DILIMAN
• Tesis na pahayag:
Pagyakap sa Wikang Filipino ang susi upang mapanatili ang kasaysayan,
at kulturang Pilipino tungo sa pag unlad sa gitna ng modernisasyon at
teknolohiya.
• KASAYSAYAN NG WIKA
Konstitusyon ng 1987 Artikulo XIV
• SEKSYON 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya
ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon
at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
• SEKSYON 7. Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga
wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na
pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila
at Arabic.
Bakit ba mahalaga ang wikang Filipino?
• Dahil nangangahulugang Malaya ang isang bansa kung ito ay may sariling
wika.
• Mahalaga ito dahil ang wika ay isa sa mga paraan ng komunikasyon.
• Ang wikang Filipino ay identidad nating mga Pilipino dahil pinag-yaman ito
ng iba’t ibang wika sa ating bansa.
• Ang wika ang kaluluwa ng isang bansa dahil ito ang daan upang ang mga
tao ay magkaintindihan, at mag-kaunawaan.
• Wikang Filipino ang Unang Tagpuan dahil kahit ibat iba ang ating wika,
bisaya man o bikol, tagalog man o Kapampangan, babalik at babalik parin
tayo sa wikang Filipino.
Paano nga ba umuunlad wikang filipino sa gitna ng modernisasyon at
teknolohiya?
• Napapaunlad ang wika tungo sa teknolohiya at modernisasyon dahil tulad
nalang ng paggamit ng mga makabagong teknolohiya tulad ng kompyuter
na ginagamit naming mga bagong henerasyon upang makapaglimbag ng
mga impormasyon tungkol sa wika at iba pa.
Reaksyon Komentaryo at puna:
• Walang binanggit tungkol sa kasaysayan ng wika. Mas ipinahayg sa
dokumentaryo ang kahalagahan ng wika sa ating kultura, kasaysayan at
pambansang pagkakaisa. Komprehensibo ang bidyu at maraming aral ang
matututunan galing sa mga pahayag ng mga propesor, hindi lang sa
kasaysayan at wika, pati narin sa agham at inhinyera.
Konklusyon:
• Ang wikang filipino ay ang ating pagkakakilanlan, at dapat nating
ipagmalaki ang wikang ating kinagisnan. Wikang Filipino ang susi sa
pag-unlad ng ating bansa.

You might also like