Ang nagpapakita ng pagmamahal at pagpapahalaga sa bayan. Ito ang
nagbubuklod sa mga Pilipino na makamtan ang mithiin tungo sa isang magandang kinabukasan. PAGBUBUKAS NG KANAL SUEZ - Isang artipisyal na daluyan ng tubig na matatagpuan sa bansang Ehipto. - Ang nagpagawa nito ay si Ferdinand de Lesseps na isang Pranses. - May haba itong 172 km. na nagdurugtong sa Dagat Mediteranyo, Golpo ng Suez, Dagat Pula, at Karagatang Indian. PAGBUBUKAS NG PANDAIGDIGANG KALAKALAN - Binuksan ang Maynila sa pandaigdigang kalakalan noong 1834. - Sumunod na taon nagbukas din ang iba pang mga daungan. PAGDATING NG LIBERAL NA KAISIPAN MULA SA EUROPA - Nagkaroon ng pagbabago ng kaisipan ang mga mamamayan dahil sa Rebolusyong Pranses. - Nakilala ang mga manunulat tulad nila Voltaire, John Locke, at Jean Jacques Rousseau na tumuligsa sa pang-aabuso at pang-aalipin. ANG PAGLITAW NG GITNANG URI NG PILIPINO - Nang magbukas din ang bansa sa kalakalang pandaigdig, umunlad ang kabuhayan at naging maganda ang katayuan sa lipunanng ilang mga negosyante at mangangalakal na mag Pilipino at mestizo. - Ilustrado ay ibinansag sa mga Pilipinong kabilang sa gitnang uri ng lipunan. - Pinagtibay ang Dekretong Edukasyon ng 1863 kung saan nagkaroon ng dalawang paaralan ang bawat pueblo ng libreng primarya: isa para sa mga kalalakihan at isa para sa kababaihan. - Ang mga Heswita ay nagsanay ng mga kalalkihang upang maging guro sa paaralan. PAMAMALAKAD NI GOBERNADOR- HENERAL CARLOS MARIA DE LA TORRE
- Namuno siya sa bansa mula 1869-1871. Siya ay itinuring
pinakamamahal na pinunong kastila. - Naranasan din ng mga Pilipino na maging Malaya at makapagpahayag ng kanilang mga saloobin. - Nang magtapos ang liberal na pamumuno sa Espanya noong 1870, at nang muling ibalik ng Spanish Cortes ang pamamahalang monarkiya kung saan nahalal si Prinsipe Amadeo I ng Savoy bilang hari ng Espanya inatasan at ipinadala niya si Heneral Rafael de Izquierdo sa Pilipinas bilang kapalit ni Gobernador-Heneral Carlos Maria de la Torre.